CHAPTER 3

44 5 0
                                    

Gwenneth

One week na rin mula ng mag start ang klase. So far so good wala rin namang aberya sa nag daang mga araw. I thought this school year would be so boring knowing that I will not be joining my bestfriends this whole school year. But to my surprise they told their parents that they will be transferring to my new school. And they explained everything to them.

Agad naman nag oo ang mga parents nila. Di talaga nila kaya na hindi ako kasama. Kaya mahal na mahal ko ang dalawang iyon e.

Nasa may soccer field ako ngayon nakaupo sa damuhan at umiinom ng banana milk kung saan sumikat ako.

Marami na agad akong mga haters kaliwa't kanan pero mayroon din namang humahanga sakin mga boys nga lang.

But I don't care about them. All I want is a peaceful life and school year.

"Hoy! Madam Gwenneth Evee Ramirez kanina kapa namin hinahanap. Kung saan saan ka nag pupupunta." Hala sila, kasalanan ko pa talaga.

Hingal na hingal ang mga gaga nanakbo ata sila, well di lang ata dahil nanakbo talaga sila. "Bakit?" Maikli kong tanong sa kanila. Agad namang nanlaki ang mga mata nila dahil don.

"Anong bakit? Hinahanap ka ni Geo." Nakabusangot na sagot ni Wendy.

Ano ba ang kailangan nung ugok na yun at ako ang hinahanap nun. "Ano daw kailangan niya?" They just both shrugged their shoulders.

Kaya agad akong napatayo sa aking kinauupuan at pinagpag ang aking suot na skirt at inayos. Ayaw ko talaga mag suot ng skirt na ito. Mas maganda nalang na mag jeans kesa nito. Sa dating school ko sa thursday at friday lang pwede mag suot ng casual, pero dito sa school nato hindi pwede mag casual dapat talaga naka school attire ka.

Yun yung isa sa mga rules dito sa school na ito dapat naka school attire ka pagpapasok. Well pwede naman mag casual pero pag may mga events lang at mga party ganun.

"Hoy! Oo nga pala nasa cafeteria si Geo." Pahabol na sabi ni Wendy. Kaya tinahak ko ang daan patungong encantadia. Charot.

Patungong cafeteria nga pala. Mabilis ang aking mga hakbang para agad akong makarating sa cafeteria at eksakto din na nagugutom nako.

Nasa bukana palang ako ay marami ng tao ang nag sisipasok at labas ng cafeteria. Oo nga pala its our break time. Kaya wala na akong sinayang na oras at pumasok ng cafeteria para hanapin si Geo.

The schools cafeteria is really big kaya medyo nahirapan akong hagilapin kung saan nakaupo ang magaling kung kakambal ng makita ko na ang hinahanap ko ay agad naman akong lumapit sakanila as usual kasama niya ang nakakatandang kapatid ni Wendy at Karina. They are happily eating while some girls are with them. 

They are having a good time kaya di nila ako napansin na lumapit sakanila. Nasa likod ako ni Geo kaya I faked cough to get my brothers attention pero di pa din ako napansin.

For the second time I faked cough and this time nilakasan ko na. Then he looked at me with a smile on his face while me annoyed. "What do you want this time Geo?" I annoyedly asked. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa silya at inakbayan ako.

"Alam mo my dear sister  inutusan ako ni mom na sabihin sayo na you need to get ready kasi may dinner daw mamaya with dads business partner." 

"Bat kasama ako?" I asked confusedly to him. What the— ano ba kinalaman ko about sa business matters na yan. "Will my dear sister I dont know either." Then he shrug his shoulders. 

"You'd better be there my dear sister. Ako ang mapapa-galitan ni mom at dad pag di ka nag pakita mamaya." Then he smiled and patted my head. I just rolled my eyes of what he just said.

Instant MommyWhere stories live. Discover now