#TAU
Kumakain ako ng lunch pero hindi ako makafocus dahil sa kakaisip kay King Isaac na 'yon. Habang kumakain biglang may sumigaw ng pangalan ko.
"Paige!" napalingon ako dun sa tumawag sa akin. Si krystal lang pala pero wait hindi lang pala siya nagiisa may mga kasama siya.
"Paige mga kaibigan ko pala. Si Ayesha, Carl, Jomir at Jaycee. Guys si Paige nga pala. New found friend ko." pakilala ni Krystal sa akin.
"Hello" sabi ko.
Pero wait! Parang familiar yung jaycee. Hmm Ahuh! Yung mayabang na lalaki na binunggo ako! Nagsiupuan na sila sa mga bakanteng upuan. Katabi ko ay sila Ayesha at Krystal bali ako yung nasa gitna. And worst kaharap ko yung lalaking mayabang A.K.A Mr. Yabangero! Ugh! umiinit talaga ulo ko sa kanya.
"Hi!" Bati sa akin ni Carl ata.
"Hello." Tipid kong sagot. Aba! Hindi ko naman sila ka close.
"Hi paige!" sabi ni Ayesha.
"Hello rin!" bati ko kay Ayesha
"Guys bibili muna kami ng food ah!" sabi ni Krystal then umalis na sila ni Carl.
Seriously nakakailang si Mr. Yabangero kasi tignin siya ng tignin sa akin. Then bigla siyang nagsalita.
"Hi paige." mayabang niyang sabi
"I don't talk to someone like you. So better shut up!"
"Oh anong nangyayari dito?" takang tanong ni Ayesha sa amin. Nakalimutan ko kasama ko pala yung isa nilang kaibigan.
"I better go. Naasar lang ako sa atmosphere dito." Tumayo na ako at nagsimulang maglakad. Nakoo naasar talaga ako sa kanya
"Ang rude mo naman sa kanya." ngek! Sinundan pala ako nila Krystal at Ayesha.
"I'm not rude in animals." sabi ko
"Eh hindi naman animal si Jaycee ah!" sabi ni Ayesha
"Eh kaya nga ako sa rude sa kanya eh." Sabi ko tsaka binilisan ang lakad. Haller! Magtatime na kaya!
Nakaupo na ako sa upuan ko. Kasama ko sila Ayesha and Krystal nagkwekwentuhan kami ng biglang dumating yung prof. namin
"Goodafternoon class. Today iprapractice na natin ang inyong special abilities or abilities niyo I want you all to inform that the Summoning of Powers will be next next week. So dapat maghanda na kayo"
Omygosh!
"Krystal ano yung ibig sabihin ni sir?" Tanong ko kay Krystal.
"Summoning of powers. Yun yung ginagawa dito every year para makita kung malakas ka or hindi. Pag naka abot ka ng level 31 may ibibgay sayo na special powers." paliwanag sa akin ni Krystal.
Gosh! Parang kinakabahan ako ah! Eh hindi ko nga alam kung anong powers ko eh. Tsaka di naman ako sure kung may powers talaga ako.
"Sino makakalaban mo?" tanong ko
"Bubunot ka then it's either na teachers or students."
*Gulp*
"Mayron na bang nakalaban ang principal?" kinakabahang tanong ko
"May mangilangilan. Bakit?" tanong ni Krystal.
"Ah wala naman." sabi ko
"Tara na. Punta na tayong field para makapag practice na tayo." sabi ni Ayesha.
Gosh! Ano ba ito? Hindi ko naman alam yung gagawin ko. Nasa field na kami at pinapanood ko lang sila na nagpapalabas ng mga powers nila. Kung nagtataka kayo kung bakit parang sanay na ako. Kasi sa panaginip ko lagi kong nakikita yung mga tao na may mga kapangyarihan.
Weird.
Weird sa umpisa pero nasasanay na ako. Tsaka mahilig akong magbasa ng mga stories na may kapangyarihan.
Wait ano na pala ang gagawin ko? Alangan naman na tumunganga lang ako dito noh.
"Tara." tumingala ako dun sa nagsalita. Si Carl pala
"Anong gagawin?" tanong ko.
"Alam kong hindi mo pa alam yung powers mo." sabi niya
Hala! Paano niya nalaman?
"Haha nahalata ko kasi. Dati kasi ganyan din yung mga transferee dito. Tara na tulungan kita." Tumayo na ako galing sa pagkakaupo.
Pumunta kami dun sa may gilid ng field.
"Pumikit ka. Magrelax ka. Hintayin mo na lumabas yung soul handler mo. Gawin mo yung nasa isip mo" Pumikit na ako.
Habang nakapikit ako unti unti ng nagbabago yung kapaligiran. Bigla akong napadpad sa isang napakagandang paraiso.
Saan ito?
Inikot ko ang paningin ko at nakita ko ang mga iba't ibang kulay. Para silang pizza na hinati ng lima pero yung pang lima ay nasa gitna.
Nanduon ang mga kulay na pula, puti, asul, berde at sa gitna ay iba't ibang kulay. Napansin ko rin na may limang nag gagandahang babae na nanduon sa bawat kulay na parang mga bantay
Ngayon ko lang din napansin na iba na pala ang damit ko. Mukha akong diwata sa suot kong iba't iba ang kulay. Nanduon ang kulay na pula, asul, berde at puti.
Napansin ko rin na meron akong isang tiara sa ulo. Nagiba ang kulay ng buhok at mata ko.
Ano ba ang nangyayari? Minsan ko na itong nakita sa panaginip ko. Palapit na ako ng biglang may tumama sa aking mainit na bagay sa braso ko.
Napamulat ako ng maramdaman na nasa ere na pala ako. Bigla akong bumagsak at parang nagiba na ulit ang suot ko.
"Anong nangyari sayo Paige? Bakit ka biglang nagiba ang damit mo at nagiba rin ang kulay ng buhok mo? " tarantang tanong sa akin ni Krystal habang tinutulungan akong makatayo.
"Anong nakita mo paige?" Seryosong tanong sa akin ni Carl.
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang nakita ko. Parang kasi may nagsasabi sa akin na huwag munang ipaalam yung mga nakita ko.
Napansin kong ang dami na ring tao dito. Nakita ko rin na bumaon yung lupa kung saan ako bumagsak.
Ganon ba kalakas yung pagkakabagsak ko? Parang wala naman akong naramdaman. Bumalik ako sa katinuan ng biglang magsalit si Carl.
"Paige ano ba naki- " Hindi natapos ni Carl ang sinasabi niya ng biglang may nagsalita.
"Anong nangyayari dito?"
BINABASA MO ANG
Tierras Altas University
FantasyElement users and Demons. Maniniwala ba kayong may ganitong mga nilalang sa mundong tinatapakan natin? Paige Dee, isang half american girl. Hindi niya matandaan ang kanyang tatay na nasa kabilang mundo na pala. What will happen to her if she was sen...