#TAU
Chapter 2:
I woke up with mixed emotions. For once, natutuwa akong may bago akong makakasalamuhang tao sa bago kong school pero at the same time, I am nervous. What if masusungit ang mga tao doon? Or what if nambubully sila ng mga transferees kagaya ng mga napapanood sa TV?
“Galingan mo sa school, okay?” Bilin ni Mama sa akin habang nag-aayos ako ng bag ko.
“Bakit ba hindi ka na natapos sa pagchecheck ng bag mo?” Limang beses ko nang chinecheck ‘yung bag ko pero parang feeling ko may nakakalimutan pa rin akong ilagay. Ayoko naman kasing unang araw ko pa lang sa school, manghihingi o manghihiram na agad ako ng gamit.
I continued looking into my bag. “Baka po kasi may maiwanan ako,” sagot ko habang binubuksan ‘yung bulsa ko.
“Ito, o.” Tiningnan ko ang inaabot sa akin ni Mama. Wallet. Oo nga pala, kailangan ko rin ng pera. Tiningnan ko siya at ngumiti siya sa akin. “Baka ito lang ‘yung kailangan mo para tumigil ka na sa kakacheck mo sa bag mo.”
I took the wallet and placed it inside my bag. Wala naman sigurong magnanakaw sa Tierras Altas. Hello? Prestigious school? Mahirap na ngang makapasok kahit ang taas ng score mo sa entrance exam tapos magnanakaw lang? Baka may magnanakaw nga ‘dun?
“Thanks, Ma.” Sabay kiss sa pisngi niya.
I am not actually a sweet girl. Pero kay Mama, I could be the sweetest of the sweets. Siya lang ang nakasama ko sa buong buhay ko kaya naman mahal na mahal ko siya.
Nginitian niya ako bago yakapin. “Ingat ka,” bilin niya.
I nodded and smiled before leaving our house. And now, here comes a new beginning for me.
Hindi naman kalayuan ‘yung school ko sa bahay at hatid-sundo naman ako kaya wala akong problema sa pagpunta at pag-uwi.
On the way, I can’t help but get nervous about what the students would be like. I’m praying na normal students lang sila at hindi kagaya ng mga Mean Girls sa TV. Pero just in case, ngayon pa lang, nag-iisip na ako ng magandang gawin kung ganun nga ang mangyari. Aawayin ko ba pabalik? O tatahimik na lang ako?
Mama always told me that when everyone gives me bull, I have to offer them kindness. Everyone would not only realize how kind I am, but also how evil they are. So, should I do it as I was told?
The car stopped over the façade of the school. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mamangha sa structure ng Tierras Altas. European talaga ng peg ng engineer nito.
Bumaba na ako sa sasakyan at natulala sa mga class ng estudyanteng pumapasok. Oo nga, prestigious nga. At puro mayayaman ang mga nakikita ko. Simula sa sundo hanggang sa bags at sapatos, lahat isinisigaw kung gaano sila kayaman.
Woah!
Narinig kong tumunog na ang school at kumaripas ako sa takbo papasok sa school. Hindi ko na nagawang hanapin ang registrar dahil nakita ko na ang mga estudyanteng naglilinya sa may quadrangle ng school. Ito na siguro ‘yung morning assembly na sinasabi ni Tita Celia.
Inilabas ko ang schedule ko at nagdesisyon na lang na magtanung-tanong na lang kung saan ‘yung linya ng klase ko.
May nakita akong babaeng sobrang puti na parang papunta na sa linya niya. Dadaan siya sa harap ko kaya I have to grab that opportunity para tanungin siya. And besides, mukha siyang mabait kaya safe siya tanungin.
“Excuse me,” tawag ko sa kanya nang padaan na siya sa harap ko. Tumingin siya at tinanong kung anong kailangan ko. Dali-dali ko namang itinuro ‘yung schedule ko. “Alam mo ba kung saan ‘yung line ng Block 4A?” Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Tierras Altas University
FantasiElement users and Demons. Maniniwala ba kayong may ganitong mga nilalang sa mundong tinatapakan natin? Paige Dee, isang half american girl. Hindi niya matandaan ang kanyang tatay na nasa kabilang mundo na pala. What will happen to her if she was sen...