Chapter 1

56 0 0
                                    

Aiom's POV

"Opo ma," sabi ko habang naglalakad papunta sa bagong room ko.

Tinatanong niya kung safe daw ba akong nakarating dito sa board.

Nagpalit kasi ako ng room dahil si Jane, yung room mate ko, parang tibo.

Hindi naman siya totally tibo.

Babae sya...

Ang kaso, hindi mga lalake ang gusto niya, ang gusto niya, yung mga poging babae. Haaay.

Anyway, ako nga pala si Aiom.

Nag-aaral ako sa Newton University dito sa Manila.

Second year college na ako taking up Agricultural Botany.

Ewan ko ba. Basta gustong gusto ko ang dagat at ang mga laman nito.

Pero ang pinakagusto ko, Jellyfish, basta ang gentle nila lumangoy. Hahaha!

"Si Jane kasi Ma eh. Medyo nababaliw," sabi ko.

Totoo naman. Ang ganda-ganda niya tapos magkakarelasyon lang siya sa isang babae. Haaay.

Malapit na ako sa pintuan ng dati kong room nang agad-agad ay may nagtapon ng vase, kasunod naman ay ang isang frame na nagkalat na ang mga piraso nito sa floor.

Agad kong tinakpan yung phone ko para di marinig ni Mama yung mga ingay e, tanungin pako ng kung anu-ano.

Nakita kong lumabas si Jane sa room, umiiyak ng may kausap sa phone.

Pinulot niya yung frame at tinignan yung picture nila nung 'boyfriend' niya.

"Wag mong gawin 'to please," sabi niya sa pagitan ng mga pag-iyak niya.

Magbebreak na ata sila nung 'boyfriend' niya. Haaay!

Nang nakita niya ako, tumayo siya at niyakap ako. Naawa ako sa kanya.

Bakit kasi hindi nalang siya mag hanap ng lalake? Yung totoong lalake? Haaay nako.

Ayaw ko talaga sa mga ganyang relationship.

Hindi nagtatalgal ang mga ganyan.

Dream kong magkaroon ng masayang pamilya.

Kaya hindi ako kailanman papasok sa ganyang mga relasyon.

Anyway, pagkarating ko sa bago kong room, binuksan ko na agad yung luggage ko at kinuha yung mga toiletries ko sabay diretso sa banyo.

Exhausted ako sa byahe e. Kailangan kong maging fresh. ^____^

Pagpasok ko sa banyo, kinuha ko yung lipstick at sinulat sa salamin ang "Nice to meet you mate".

Yun kasi ang palagi kong ginagawa lalo na't kakalipat ko lang ng room.

Dalawa lang ang pwedeng mag-occupy sa isang room dito kaya kailangang maging friendly ako sa room mate ko. Hahaha!

Pagkatapos kong maligo, lumabas ako ng twalya lang ang balot ko sa katawan. Kumakanta ako nang... o_O

"AAAAAAAAHHHH!!!"

GAAAWWD!! Pano nakapasok ang lalaking 'to sa kwarto ko?!

Lumingon siya. Pero ba't ganon? Parang slow motion yung pinaglingon niya sa akin?

Di ko namalayan na nakaharap na pala siya sa akin, nakangiti. In fairness, gwapo din siya. ^____^

Pero nawalan siya ng poise nung agad nalang siyang tumalon talon. Hahahaha! Nakakatawa siyang panoorin. Hahahaha!

Can you love me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon