Chapter1

76 0 0
                                    

"Dear Daddy,

        I always remember ,when I was a child, you kept on telling me the same story every night over bedtime. It was about a little girl who didn't cry when she was born."

DANIEL's POV

"Daaaaaaaannnnniiiiieeeellllll"

Ay, ano ba yan? Istorbo? Sino ba yun?....iniisip ko habang nakapikit pa ang mga mata ko.

"Daaaannnniiieeellll....manganganak na akooooo"

Hala! Minulat ko ang aking mga mata at nakita kong hira na hirap na si Ellaine, ang aking asawa. Agad agad akong tumayo upang alalayan siya. Tnignan ko ang oras at nakita kong alas tres pa lang ng madaling araw.

"Manang Flor! Pakipahanda po yung sasakyan kay Manong Ben!", sigaw ko habang pababa kami ng hagdan.

Pagkarating ng sasakyan sa harap ng bahay, inihiga ko si Ellaine sa likuran sumunod din nmang sumakay si Manang Flor na dala ang mga gamit ng baby. Agad agad din akong sumakay sa driver's seat at matulin na pinatakbo ang sasakyan sa pinkamalapit na ospital. Hirap na hirap pa rin ang aking asawa ngunit pilit din siyang pinapakalma ni Manang.

Pagkaratinbg namin sa ospital, agad din namang inasikaso si Ellaine. Bakas pa rin sa kanyang mukha ang hirap, ngunit alam kong masaya rin siya katulad ko. Kung pwede ko nga lang sanang kunin yung sakit at hirap na nararamdaman niya, ginawa ko na pero wala eh lalaki ako. The perks of being a man haha joke lang po.

"Aaaahhhh," narinig kong sigaw ni Ellaine.

"Puntahan mo siya sa loob. Kailangan ka niya.", ani ni manang.

Pumasok na ako sa loob ng silid kung saan nandoon ang aking asawa. Sa aking pagpasok, at bagaman nanghihina, tumingin sa akin si Ellaine sabay sabing,

" Daniel, hinding hindi ko na ito uulitin."

Tumawa ako at sinabing, "Tignan natin kung hindi gugustuhin ng anak natin na magkaroon ng kapatid haha."

"Mrs., iri pa po, malapit nang lumabas ang bata"

Hinawakan ko ang kamay ni Ellaine upang maipakita ang akig suporta.

"Ughhhhhhhhhhhh"

"Mrs. sige pa po."

Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa aking kamay.

"Ughhhhhhhhhhh......Uggggghhhhh"

"Nakalabas na po Mrs."

Nakita kong nakahinga na ng maluwag si Ellaine. Nginitian ko siya. Ngumiti rin siya at bumaling sa aming anak. Nagtaka ako noong makita ko ang kanyang pagkabalisa.

Ibinaling ko rin ang aking tingin sa aming anak pero bakit ganoon?

Bakit?

Bakit parang iba?

Bakit parang hindi normal?

Oo nga pala, hindi nga ito normal.

Hindi nga talaga normal na hindi umiyak ang bata pagkapanganak.  Hindi diba?

Napatingin ulit ako sa aking asawa at nakita kong tumulo ang luha mula sa kanyang mata. Pinisil ko ang kanyang kamay upang bigyan siya ng pag-asa. Ngumiti ako upang sabihing Magiging ayos din lahat. Ngumiti pero alam kong sa loob ko, kinakabahan na rin ako sa pwedeng mangyari sa aming anak.

Wag naman sana...

Humigpit pa lalo ang hawak ni Ellaine sa aking kamay. Naramdaman ko na ang kanyang panginginig.

Mas bumilis pa ang pagpatak ng kanyang luha.

Niyakap ko siya at binulungan ng, "Wag kang mawawalan ng pag-asa. Magiging maayos din lahat. Kaya yan ng ating anak. Alam kong nagmana siya sayo. Alam kong pipilitin niyang lumaban."

Naramdaman ko ang panghihina niya. Nakatulog na pala siya.

"The time of....................."

Letter of a Daddy's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon