SIMULA

56 2 0
                                        

ANGELO CLAVERO POINT OF VIEW(POV)

"Tok! tok! tok!" malakas na katok na aking narinig mula sa pintuan sa ibaba dahilan ng aking pagkagising at mabilis akong bumangon at lumabas sa aking kwarto at agad ko naman itong sinilip sa bintana, pagkasilip ko agad kong nakita si Ate Dahlia ang may ari ng bahay na pinag-uupahan ko at may kasama itong lalaki na may dalang dalawang maleta mukhang mangungupahan kaya naman dali-dali akong bumaba ng kwarto.

Pagkarating ko sa ibaba ay binuksan ko kaagad ang pintuan.

"H-Hi, Ate Dahlia! Goodmorning!" pagkabati ko kay ate na may kasamang hiya dahil nakatitig ang kasama niyang lalaki.

"Goodmorning,Angelo! nga pala ito si Wayne Rey Aldayo pamangkin ko dito muna siya titira for 3months" turo niya  sa pamangkin niya.

"H-Hi Wayne!" bati ko sa kanya ngunit wala manlang itong kibo kaya ibinaling ko ka 'gad ang tingin ko kay ate Dahlia.

"A-Ate dba wala na tayong bakanteng kwarto?" nauutal kong pagkasabi kay ate Dahlia.

"Hmm sa kwarto mo nalang muna siya Angelo total malawak naman iyon kayo na bahala mag ayos do'n ,may lakad pa ako ngayon, kaya ikaw na muna bahala sa pamangkin ko ,babalikan ko na lang kayo rito para kumustahin, oh siya alis na 'ko Weyn pakabait ka. Angelo ikaw na bahala ha?" Ang mabilis na habilin ni ate Dahlia. At  nakakagulat na pamangkin niya pala 'tong lalaking 'to akala ko naman mangungupahan. At nag dali-dali namang umalis si Ate Dahlia, at sabay ng pagyaya ko kay Wayne para umakyan na ng bahay.

Agad ko naman kinuha ang isang maleta na dala ni Wayne "T-Tara akyat na tayo?" nakangiti kong pagkasabe sa kanya ngunit di manlamg ngumiti kit kaunti.

Mabilis kaming umakyat at itinuro ko ang kwarto ko kung saan din siya matutulog,at agad naman siyang pumasok at parang naiirita dahil 'di ko pa nailigpit ang hinigaan ko.

"s-sorry dpa ako nagligpit nagmadali kase akong buksan kayo kanina." nahihiya kong pagkasabe sa kanya at mabilis kong niligpit ang aking pinaghigaan.

"Nga pala bakit dito ka pinatuloy ni ate Dahlia kong pwede naman saka nila?" tanong ko sa kanya habang nagtutupi ng kumot.

"ihh kase nag-away kami ni Papa wala akong ibang matatawagan kundi si Tita lang kaya naman sinabe ko sakanya na sakanila ako tumira pero sabe niya wala na daw ako mahihigaan do'n kaya naman dito ako pinatuloy." matamlay niyang pagkakasagot na parang nahihiya.

Nung natapos na akong magligpit ng aking hinigaan niyaya ko naman siya para magalmusal.

"Anyways, nag-almusal kana ba? kung 'di pa tara kumain tayo." tanong ko sa kanya habang palabas ng kwarto.

"ah sige lang bro, busog pa ako!" malakas niyang sagot sa 'kin parang may galit, siya na nga 'tong niyaya para mag almusal , pero baka pandinig ko lang yun hehe medyo judgemental tayo dun ah.

kaya naman agad akong bumaba at nagtungo sa kusina at kinuha ang tasa at isang pack ng GreatestWhite at syempre nagtimpla po ako ,opo kape is life ako hehe at kinuha ko naman sa kabinet yung tinapay na binili ko kahapon kailangan talagang magtipid-tipid.

At kumain ng magisa ,ganto buhay ko lagi dito laging nagiisa at tahimik, kasi 'yong ibang nangungupahan dito ay umaga palang umaalis na papuntang trabaho kaya ako lagi yung naiiwan dito, sa sobrang tagal ko ng nangungupahan dito pero wala akong nakakausap kundi si Ate Dahlia lang kaya naman gano'n na lang ako pagkatiwalaan ni Ate Dahlia sa lahat ng bagay tulad ngayon ako pinag asikaso sa pamangkin niya.

Bago ako napunta sa bahay na 'to at nakilala si Ate Dahlia marami muna akong pinagdaan sa paghahanap ng mauupahan lalo na nag pandemya walang masyado magpapaupa kaya naman ang swerte ko kasi may nahanap akong bahay kaya ngayon narito ako, akala ko pag makapunta akong maynila makakapag-aral ako ng kolehiyo hindi pala kasi dumating ang pandemya buti na lang may trabaho ko sa isang cafeteria malapit dito sa pinaguupahan ko ,hindi kasi sila nagsara kaya kahit papaano may kita din ako pang araw-araw at nakakapagpadala ako sa mga magulang na nasa probinsya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ROOMMATE [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon