Chapter 4

1.2K 29 10
                                    

Kahapon, naranasan ko ang lahat ng first ko sa lalaking kumidnap sa akin.

Kahapon ko rin lang nalaman ang mga pinaggagawa ng mga pamilya ko, ang pagkidnap ni kuya sa kapatid niya, ang pagtatago ng pamilya ko sa katotohanan at ang lahat ng di ko alam na kaya pa lang gawin nina papa. Kahit sabihin kong hindi ako naniniwala, iba naman ang naiisip at nararamdaman ko.

Kahapon din niya ako papakawalan pero mas pinili kong manatili at tanggapin ang paghihiganti niya sa aking pamilya.

"Mabuti naman at gising ka na." Pumasok siya sa loob ng kwarto at lumapit sa kama kung nasaan ako.

Tumango lang ako sa kanya at tiningnan ang kanyang kabuuan... nakasuot siya ng pantalon at isang white na shirt, pero kahit simple lang ang kanyang suot ay nandoon pa rin ang pagiging gwapo niya. Bumilis ang tibok ng aking puso ng magtagpo ang aming mga mata.

Umupo siya sa kama at inilapit ang kanyang mukha sa akin. Nakaposas pa rin ang mga kamay ko pero inabot ko ang kanyang mukha at inilapat ang mga labi namin sa isa't isa.

Hindi ko alam kung bakit ko to ginagawa... nakakainis isipin na ginagawa ko ang mga ito... hinahayaan ang di ko kilalang tao na gamitin ako upang paghigantihan.

Ng maghiwalay ang aming mga labi ay ngumiti siya sa akin. "Maligo ka na."

"P-paano? Eh nakaposas ako..." Ipinakita ko ang mga kamay kong nakaposas pa rin.

"Ako ang magpapaligo sa'yo..." May ngiting naglalaro sa kanyang mga labi.

Inalis niya ang kumot na tanging tumatakip sa aking kahubaran at bigla naman akong napasigaw nang buhatin niya ako.

Naiilang din kasi ako dahil sa posisyon ng mga kamay niya.

"Ibaba mo ako... k-kaya ko namang maglakad eh..." sabi ko sa kanya ng hindi tumitingin. Namumula na ako.

"I don't want to." Nagsimula na siyang maglakad papunta sa banyo kaya isiniksik ko na lang ang mukha ko sa kanyang leeg, naaamoy ko tuloy ang kanyang pabango.

Pagkapasok namin ng banyo ay ibinaba na niya ako... napasinghap naman ako nang bigla niyang binuksan ang shower. Ang lamig ng tubig na umaagos mula sa shower.

Hinubad lang niya ang tshirt niya at isinandal ako sa dingding habang natatamaan pa rin kami ng umaagos na tubig.

Siniksik niya ang ulo niya sa leeg ko at inamoy ako. Naramdaman ko pa ang mainit niyang hininga.

"Bianca... what are you doing to me?" Ang sexy ng pagkakatanong niya.

"Ha?" Naguguluhang tanong ko.

Ngayon ay iniharap na niya ang mukha niya at tumitig sa akin. Nalulunod ako sa klase ng kanyang tingin. Yumuko ako upang iwasan ang kanyang mga tingin ngunit hinawakan niya ang aking baba at inangat ito upang matingnan ko siya. Lalong bumilis ang takbo ng aking puso.

"Bakit hindi ka umalis kahapon ng pinapalaya na kita?" Tanong niya sa akin.

"H-hindi ko rin alam." Sagot ko.

Ngumiti siya sa akin at niyakap ako. Aaminin ko, nagiging kumportable na ako sa kanya matapos ang nangyari sa amin kahapon. Nagsimula siyang halikan ang aking balikat papunta sa aking leeg.

"P-pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Tanong ko sa kanya habang pinipigilang mapaungol sa sensual na nararamdaman ko sa paglalakbay ng kanyang mga kamay sa aking likod.

"Zach. Call me Zach."




AQUEOUS KATE

Pleasures of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon