Part 2: Behind the Scene of Zay or Nes? Whoever...

50 0 0
                                    

Si Zay, oo si Zay tawag sa kanya ng mga kaibigan nya, kapitbahay, at kung sino sino pang nakaka-kilala sa kanya, pero iilan lang nakakaalam ng tunay nyang pangalan....

Zayuri Denise Yamura, malalaman mo lang na matagal na syang kilala or may pinagsamahan sila ng tao kapag 'Nes' ang tawag sa kanya, una sa lahat, hindi mo alam sa kanya kung tago o bulgar ba, ayaw nyang may nakakaalam ng totoo nyang pangalan, maliban sa mga "kaklase', "katrabaho nya" syempre no choice sya eh, pero dahil 'Wanna Be Famous" sya... Zay ang tawag sa kanya ng lahat, ng nakikilala nya sa BAR, Sa Skateville, at kung ano ano pang organisasyong meron sya sa labas ng bahay nya na hindi kinakailangan ng ID o ng kahit anong proof ng pangalan nya... pero pagdating sa lovelife, sa gagawin, sa aatenand nya, naka-post sa FACEBOOK nya... kaya nga di mo malaman kung Mysteriousong Bulgar ba sya....

.... O anlate mo naman Dude, sabi ng isang babaeng, Mestisa na sa accent pa lang ng tagalog eh alam mo ng kalahating pinoy, at kalahating foreigner sya...(actualy half Australian sya), at sya ang natatanging BABAE na nakakaintindi kay "Nes" oo, natatangi...Si Rose, ang kababata nyang kaibigan at katangi tanging 'tunay na kaibigan na Babae'.

Nes: Sorry , Dude. hirap kasi kumilos pag depress ka, eh andami trabaho sa opisina kanina..

Rose: Ok lang ano nanaman ba nangyari sayo?, bigla mo yata gusto makipagkita?

Nes: AYOKO na last na talaga to iniwan nya ako pagkatapos ng lahat...

Rose:  Iniwan, eh last month lang kaka 1 month nyo pa lang tapos iniwan ka nya agad?

       may paplano plano kapa jan na, papakasal kayo?, tapos binulgar mo pa sa lahat na        

       in a relationship kayo sa FACEBOOK tapos iniwan ka nya ngaun? ganon na lang yun?..

NES:     eh anong gagawin ko ayaw nya na sa akin? ginawa ko naman na lahat...

ROSE:  obsesive ka kasi kaya siguro nagkaka-ganyan, mga relasyon mo..

NES:     HINDI nuh lahat ng to nangyayari kasi MATABA AKO.

ROSE:    hindi tayo mataba, chubby lang isa pa maganda kasi tayo andami dami jan iba...               isa pa hindi sya kawalan nuh..?

Nes:      Sinasabi mo lang yan kasi kaibigan mo ako!.

Rose:   Excuse me hindi ko to sinasabi dahil magkaibigan tayo, totoo naman, di sya kawalan, ano nanaman ba sasabihin mo? hindi mo na kaya?, mamatay ka? edi ba bago maging kayo, 2 weeks ago nun ganyan din sinasabi mo, pero ano? pinalitan mo din after two weeks... tapos sasabihin mo nanaman sakin IBA SYA.

NES: Correction One week lang mula nung ex ko bago sya... bakit ba kasi ganto to tong love life ko wala na bang matinong lalaki ngayon? yung di sex gusto? yung romantic hindi sarcastic, gentleman hindi naive, yung thoughtful hindi insensitive..

Rose: may kasabihan na "You Attract the same person as you are." , bakit ba kasi minamadali mo?

Nes: kasi ayokong mag-isa, gusto ko may ka-holding hands, mag-alalaga sakin, yung proprtotectahan ako, di ako iiwan...

Rose: alam mo Nes, kaya mo naman mag-isa, sigurado kabang pag-ibig yang ginagawa mo? eh one year na kasi, na after 1 month break tapos 1 week to 2 weeks lang may bago kana, LOVE ba yun?, tapos may circumstances pa na pumapayag ka sa 'BED SCENE' in that short period of time ano kaba naman... papalit palit ka, imposible naman na nagmamadali ka kasi wala ng magkaka-gusto sayo, sa ganyang lagay mo? oo boyish ka pero chix kapa din...

Nes:  (napapaiyak)  ganun na pala ako?... hindi ko namamalayan, sila kasi ipaparamdam sakin na, importante ako, mahal ako, hindi ako iiwan, paparamdam sakin mahalaga ako, alam mo yun, parang prinsesa... parang yung trato sakin nun ni papa, nung bata ako... kaso hindi eh, bakit pag binuksan ko na sa kanila yung tunay na pagkatao ko iniiwan na nila ako, o nakuha na nila yung gusto lang nila iniiwan na nila ako...

bakit, ikaw naman Rose, di ka sumuko sakin kahit paulit ulit na ganito yung kwento ko?

ROSE: bukod kasi sa wala akong choice, (JOKE) syempre kaibigan kita... mahal kita.. :)

...pero Denise... (sa malumanay na tinig) Hindi sila ang Papa mo, wag mong pilitin hanapin yung tao sakanila na hindi naman sila, sa ginagawa mo, hinahayaan mong paglaruan ka, nakikita kasi nilang uhaw ka sa pagmamahal, kaya maaring ipakita nila sayo yung gusto mo makita, para makuha nila yung gusto nilang makuha, kasi kung totoo sila, di kanila iiwan... kahit ANO KAPA, at kaya kanilang mahalin kahit puchu puchung pagmamahal lang... sa ginawagawa mo kasi HINAHAYAAN mo silang gamitin yung kahinaan mo....

Nes: (lumuluha...) oo nga, tama ka... di ko na alam eh, san pa ba ako magsisimula, eh andami ko ng ex... palagay mo ba may seseryoso pa sakin , pag nalaman nakaraan ko? tunay ko ngang pangalan di ko maibigay eh.... tyaka puchu puchung love? yung.. walng kiss, kaibigan na usapan lang.. pero walang may nararamdaman kayo sa isat-isa? yung walang churva? posible pa ba yun?... may lalaki pa kayang papayag ng ganun?

Rose: I think so, but first you yourself needs discipline... and Girl come on give yourself a break!.

Nes: a break? as in break ko sarili ko?

Rose: Tanga, loka-loka, what i mean is skip mo muna yang relasyon, relasyon na yan, try mo hanapin sarili mo, at tyaka next time na magsasabi ka ng "ROSE sya na talaga, iba sya." kapag nahanap mo na yung puchu puchung sinasabi ko....

Nes: eh pano sa High School na lang ata nahahanap yung ganun?, o kaya sa Movie? sa Anime...

Rose: ay nako ewan ko kung matalino kaba o ano eh, ay nako Nes, 23 kana! bakit pag sa Love Life tanga ka? tyaka Anime? sus, tigilan mo na yan.. Grow-up!, yan ang step-one mo, kundi sige ka forever alone ka, at ang love life mo iaasa mo na lang sa Parallel world ...

Nes: a basta , sige makikinig ako sa mga sinasabi mo pero sa ngayon, let's have fun muna may Bar dyan sa malapit, shot muna tayo... maaring sa parallel world ko Ok love life ko pero sa real life, baka nakakaliutan mong broken hearted pa din ako...

Rose: o sya sya... SIGE na tama natong drama nato.. lika na.. Libre mo ako ah.

Nes: oo na tara na...

__________________________________END of Part 2__________

Preview of Part 3:

Mag-resign kaya ako? mag-aral ako ulit? maghanap ako ng mas bata sakin? o kaya mag-enjoy muna ako kasama ng mga teens ngayon or mga young 20's total di pa naman halata na 23 na ako.. malay ko.. baka andun sa kanila yung talagang magmamahal sakin.. sa parallel world ko... :)

Love Story in a Pen.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon