Dear Diary,
Natapos ang first day ng pasukan na yung adviser lang namin ang nagpakita. Super boring tuloy at nakapagtataka kasi ni isa wala man lang nagpakita sa amin. Pero sabi ni Mama inaayos palang daw nila ang schedule kaya nagkaganun. Haitzz. kainis nga eh, sana pala pinauwi na lang muna nila kami kung ganun rin lang. Ang hirap kasi yung pinaghihintay ka sa wala eh.
Sana bukas maayos na para naman may magawa rin kami at hindi lang ang puro mag-ingay. Ang ingay kasi ng mga kaklase ko GRABE!! (ako kasi yung klase ng tao na tahimik lang).
Time to say Good Night,
Alexa.
The next day, maaga na naman akong ginising ni mama. Like always. 5 minutes late na bumangon after niya akong gisingin, kakain for 15 minutes kasama na roon ang pagtunganga. 6-10 minutes na pagligo. magpapalit for 20 minutes na pagpapalit kasama na roon ang pabalik-balik sa salamin habang sinusuklay ang buhok. Plus 10 minutes na paghihintay sa kapatid ko at kay mama dahil hindi naman kami sabay-sabay na natatapos sa pagligo at pagpapalit. In 1 hour, ready na lahat at paalis na kami ng bahay.
5 minutes walk pa mula sa bahay hanggang sa school and to be exact, 25-30 minutes ahead of time kami bago mag start ang flag ceremony. Iyon ang ikot ng buhay namin sa bahay. Ayaw kasi ni Mama ng nalalate kaya as much as possiblecalculated ang oras namin hanggang sa pagpasok.
First subject namin sa umaga ang itinuturo ng adviser namin, ang science. Puro introduction lang ang nadiscuss hanggang sa naubos ang oras. Ibinigay rin pala niya ang schedule namin. And we did not expect na Math ang susunod naming subject.
Paglabas ng Science teacher namin, agad na pumasok ang Math teacher, si Ms. 54321 (code name lang, kasi iyon ang trip ko). Unang tingin palang nakakatakot na.
"Okey class, bring out 1/4 sheet of paper. write your name, gender, and your section." wika niya habang naglalakad papunta sa teachers table sa harap ng classroom.
Lahat kami napasunod sa sinabi ng teacher. kanya-kanyang labas ng 1/4 sheet of paper at tahimik na nagsulat.
"Submit your papers alphabetically." sunod niyang sabi at inisaisa ang pagtatawag ng alphabet by gender para magsubmit ng 1/4 sheet of paper. "I need 5 male to go to the teachers room and get your books." tapos nagturo siya ng limang lalaki. Syempre pinili niya yung mga lalaking malalaki ang katawan. bago umalis ang lima ay nagbigay muna siya ng instruction bago niya pinaalis ang mga ito.
Pagbalik ng limang lalaki, may kanya-kanya na silang bitbit na libro. binala nila iyon sa harap at isa-isang kinalas ng teacher ang lubid na nakatali.
BINABASA MO ANG
AB/C Love Story Ko
Teen FictionA stands for 'Ang', . B stands for 'Barangay', . and . C stands for 'Campus' . meaning. . . . . . . Ang Barangay/Campus Love Story ko. . . . . . Napakinggan mo na ito on air noon. hindi mo lang namalayan. . . .Muling magbabalik pero online naman...