Season 2¹²

888 39 18
                                    

Season 2¹²

🌻 CLAIRE POV🌻

"K-kuya?!"kinakabahan na sambit ko pero imbis na sumagot sya nginitian nya Lang ako

Pumasok Sya sa kwarto at umupo sa gilid nang Kama namin sinenyasan nya rin akong umupo sa tabi nya

Kahit natatakot ako dahan dahan akong lumapit sa kanya tinitignan nya Lang ang bawat kilos ko para bang sinusuri nya ko

Nang makalapit ako sa kanya dahan dahan akong umupo hindi ako gaano lumapit sa kanya tinignan nya ko nang seryoso kaya napapalunok ako sa kaba

"Kamusta ka?"tanong nya halata sa boses nya ang pag alala at ang saya

Yun Yung boses na matagal ko nang hindi naririnig yun yung boses na matagal ko na inaantay na marinig muli

Dahan Dahan may pumatak sa mga mata ko na luha hindi ko Alam Kung ano ang magiging reaksyon ko matutuwa ba ko kasi dinalaw nya ko o matatakot?

Dahan Dahan nyang nilapit ang kamay nya sa muka ko at pinunasan nya ang luha ko gamit ang hinlalaki nya tsaka sya ngumiti sakin

"Shhh wag kang umiyak pumapanget ka lalo"nakangiting saad nya

Hindi ko sya sinagot bagkus niyakap ko sya nang mahigpit ito Yung taong matagal ko ng gusto magpakita sya ang inaantay ko gabi gabi para magparamdam na miss ko ang ngiti nya ang boses nya miss ko na ang kuya ko.

"Kuya *sniff* thank you at dinalaw mo na ko *sniff* ang tagal kitang inantay na dumalaw"iyak kong sabi sa kanya

Ramdam kong niyakap nya ko pabalik hinaplos nya ng dahan dahan ang likod ko

"Sorry ngayon lang nakadalawa si kuya"Saad nya umiling ako

"Ayos lang po masaya ako kasi dinalaw mo ko kahit ngayon lang"masayang sambit ko

Humiwalay kami sa pagkakayakap hinaplos nya pa ng bahagya ang buhok ko

"Ang laki na nang pinagbago mo"Saad nya habang patuloy sa paghaplos sa buhok ko pero nginitian Ko lang Sya

Sya tong malaki ang pinagbago ang laki nang pinayat nya pero kahit ganun kitang Kita mo pa din na makisig sya medyo tumanda din ang itsura nya? Teka ang alam ko pag patay na Hindi na tatanda ang itsura pero bat sya iba? Ah siguro kasi naninibago ako Ilan taon ko din Naman Sya nakita

"Kamusta ka na?"tanong nya

"Ayos lang po may baby na sa loob Ng tyan ko"nakangiting saad ko pero parang hindi naman sya nagulat sa sinabi ko

"Oww dapat lagi kang mag ingat para laging safe ang baby mo"paalala nya

"Nag iingat Naman po ako"naka pout na Saad ko

"Pinapaalala ko"sambit nya

"Hihihih"bungis ngis ko

"Ay kuya bat hindi ka nakasuot nang white?"tanong ko

Pano ba Naman nakasuot sya nang itim halos balot na balot ang katawan nya kala mo holdaper sa kanto ano sya pumanig sa demonyo kaya itim ang suot nya?

"Huh?"takang nyang tinignan ang suot nya

"Ah kasi sa mga napapanood ko pag dumadalaw Yung....... Patay.... Naka puti sila"pilit ngiti kong Saad

"Pft. Ano ka ba claire hindi ako Patay ok?"Saad nya

Teka may napanood akong ganto eh yung ayaw paniwalaan nang ispiruto na Patay na sya tapos ang ending nun naging masamang ispirito sya tapos kumukuha sya Ng mga katawan na pwede nyang saniban

THAT SSG PRESEDENT IS MY EX  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon