Chapter 1

15 0 0
                                    

Ibinaba ko yung notebook na binabasa ko. Napaka martyr naman ng babaeng to. Napaka tanga. May nag e exist pa pala na ganto? Tss.

"Excuse me madame, where here in Maldives" Attendant

"Okay"

Iniwan ko na yung notebook na nakita ko at bumaba na ako sa sinasakyan kong yacht na pag mamayari namin.

"Maldives! I miss this place. Makakapag relax na din. Miss paki dala nalang sa shuttle yung mga luggage ko."

"Yes madame."

Nakarating ako agad sa private resort namin. May konting tao din naman dito yung may membership lang ang pwede makapag stay dito sa resort na to kaya masasabi mong napaka private talaga at makakapag relax ka. Pagbaba ko ng  sasakyan ay sinalubong ako ng mga staff at sinabitan ng Garland.

"Welcome to Maldives Ms. Lim"

Sabay sabay nilang bati sakin.

"Here's the key to your room. Enjoy your stay miss"

Binigay na sa akin ang susi ng isa sa mga staff at dumiretso na ako sa room ko kasama ang mga nag a assist sa mga gamit ko. There is a particular room na palagi kong inuukupa tuwing pumupunta ako dito sa resort at aware na silang lahat dun.

"Pakilapag na lang dyan. You can go now."

"Haaaaay. Atlast, im all alone."

Mula sa kwarto ko natatanaw ko ang napaka gandang view ng kulay asul na dagat at nararamdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin. And yes, this is paradise.

Inaayos ko muna ang mga gamit ko bago ako mag pahinga. Biglang tumunog yung phone ko.

Dad calling...

Haaay. Si daddy nanaman. Di na ako bata. Nag e enjoy lang ako sa buhay im not committing a crime. Aish! This is too much. In-off ko ang phone ko. At hinagis yun sa kabilang side ng kama.

3pm na ako natapos sa pagaayos ng gamit ko. Madami? Oo sobra. I dont know kung hanggang kelan ako mag i stay dito ang alam ko lang mag e enjoy ako sa buhay ko. Nag half bath muna ako, nag babad sa mini Jacuzzi sa banyo ng kwarto ko. Malaki ang room na inuukupa ko kaya naman maraming features ang kwarto ko na wala ang ibang kwarto.

Pagtapos ko mag shower humiga na ako at nagpahinga. Because tonight will be the best night of may party life.

A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon