Chapter 4

6 0 0
                                    

LJ's POV

looking at this young woman in front of me makes me more curious. She's not sexy more of chubby one but she is pretty. She has nice and lovely face with a fair and flawless skin. I really like her mysterious eyes with her teasing red lips. Her prankness makes her more interesting.

Nakakatuwang tignan na ang kaninang mukhang yamot na yamot ay biglang naging maamo. Hindi nakalagpas sa aking paningin ang pakagat labing tingin niya sa akin.

"Good morning miss Montecarlo. I am Luigi Javier Jacinto - the finance manager" taas noo kong sabi na lalong nagpakagat ng kanyang labi.

Napangiti ako sa kanyang ginawa.

"Ms. Montecarlo, you will be my secretary from now on so better work close to me". Kitang kita sa kanyang mukha ang pagkabigla.

Ang alam niya kasi, she will be working as an account analyst. Sinadya ko talaga yun. Sabagay sanay naman akong walang secretary or assistant  before coz i prefer to work on my own. It is at ease for me to do all my task without the help of others...to be more familiar in each and every details.

"Okay sir. And sorry for what happen a while ago."

"It's nothing. Dont waste your time thinking useless things. You may now start working." sabi ko ng walang kangiti ngiti pero deep inside gusto ko ng tumawa dahil sa nakikita kong reaction sa mukha niya. Kunot noo na mukhang naiinis pero pilit ngumingiti.  Well im still the boss. Everyone respects me. Hindi naman aq rude or harsh. I  maybe strict but not rude.Sinadya ko lang talaga yun dahil naaliw ako pag nakikita kong nagagalit sya.

***************************

Joey's POV

"Bwisit! bwisit! bwisit!" sigaw ko.

pero syempre sa utak ko lang. Kakalabas ko lang sa office ng bwisit kong boss at nangangatal ang buong taba ko sa subrang pagkairita sa nangyari at sa pag alala ng katangahang ginawa ko sa loob ng office niya.

"OMG.....nakakahiya....nagpakatapang pa naman ako doon ng wala sa lugar hindi ko naman pala kayang panindigan. Ang nakakainis pa feeling ko nawala tapang ko kasi ang pogi niya!" (Emoterang froglets....tumatalandi pa)

Hindi pa ako nakakarating sa assigned desk ko abay naririnig ko na ang phone sa table ko na nagriring... aba abay may natawag na agad sa akin ni hindi pa nga ako napapakilala sa mga kaofficemates ko.

"Good morning. This Joey, how may I help you?"

"Dalhan mo ako ng coffee! Ngayon na! Dalian mo. Magdala ka ng notepad may ipapagawa ako sayo. Bilis!"

"Ay teka lang po. Sino po ito?" Kung makautos wagas. Di man lang magpakilala kung sino.

"This is LJ Jacinto, your boss! Kailangan ko pa bang ipaalala lagi sayo??? Dalian mo. My coffee now!" toot....toot....tooooot..

Hala....ni hindi man lang ako pinag intay makasagot or magreason out....saka galit lang????anong meron???may amazing raze...nagmamadali lang???may lakad???

Pero dahil dakilang staff....the flash ang kilos ... go lang ng go!

*****************************************

After 2 mos.

*****************************************

"My God ang gwapo talaga ni sir Luigi!!!kung ako lang ang assistant niya, naku.....I will surely serve him with pleasure."

Ito talagang si annie....bangengeng bangenge sa pagkafan nitong boss kong si Lucifer.

Asa pantry kami at nagmemerienda with other staff. Infairness naman...nakapag adjust na ako sa working environment. Madami dami na rin ang mga friends ko. Hindi kasi ako namimili ng kakaibiganin. Kahit sino pinakikisamahan ko. And I am  very proud to say na medyo nag iimprove na rin ang temper ko.....medyo nahaba na kasi ang patience ko towards others. Isa lang talaga ang sumisira ng araw ko na hindi ko mapigilan....si LJ.

"Gwapo ka jan eh para naman yung demonyo! Kung makautos wagas. Kung makamando daig pa ang unlimited text....no expiration. Pag dating sa akin di nangiti. Lagi na lang busangot ang mukha pero pag sa iba ang bait. Minsan nga naiisip ko na pinalilihaan ako ng impaktong yun kung hindi lang yun lalaki." Lukot noo kong himutok.

"Grabe ka naman girl kung idescribe mo si sir....bitter na bitter. Pero true ka dun sa ang bait niya sa lahat bukod sayo. Hala girl baka naman may nagawa ka na kinabadtrip ni sir."-Annie

Trish: Oo nga girl. Baka naman may nasabi ka or nagawa na nakaoffend sa kanya ng di mo namamalayan.

Annie: Hala ka Joey. Ikaw pala unang nambadtrip kay sir eh.

Joey: Eh bakit ako? Unang araw pa nga lang nang pumasok ako dito ganun na yun. Ay ewan. Bahala siya sa buhay niya. Nagtatrabaho lang ako noh. Siya tong parang laging aburido pag nakikita ako.

Trish: Eh baka naman crush ka niya kaya naiirita kasi di mo pinapansin.

Annie: Ay girl. Bongga! May crush pala sayo si sir. Pansinin mo kasi ng hindi kana nahihirapan.

Joey: Naku mga girls...manahimik nga kayo. Baka mamaya may makarinig isumbong pa ako dun sa LJ na yun. Malintikan pa ako. At saka kahit magpapansin pa siya hindi ko siya bet.

*** chos lang yun pero ang totoo crush ko talaga yung boss ko. Matangkad, maputi, makinis (mas makinis pa sa akin), maporma, matalino, masipag, gwapo (as in sobra ngang gwapo....pwede ng ipangtapat kay Daniel Matsunaga) at ang katawan....ay grabe...sobrang yummy.

Nahinto lang ang mahalay kong imagination ng may marinig akong sigaw.

"Joey!!! Joey!!! Pumunta ka nga dito!"

"O sige...jan muna kayo...punta muna ako dun at si Lucifer naghahasik nanaman" taranta kong paalam sa kanila

**********************************************************************************

Thank you po for reading.

Sorry din po kung medyo matagal as in subrang tagal bago ako nakapag update.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

when goodbye means helloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon