Part 35

1K 61 14
                                    


Christian's Pov

Pangatlong gabi na ng burol ni mama ngayon. Sa katunayan tatlong araw lang ang binigay nilang palugit. Pero humingi pa ako ng dalawang araw. Sa tulong ni kuya Daniel ay natupad ang hiling ko.

Laking pasalamat ko kay kuya Daniel kung hindi dahil sa kanya baka last night na ngayon ni mama. Napaka bait niya at ang gwapo pa. Napaka angelic ng mukha niya. Pakpak nalang ang kulang siguradong mukha na siyang anghel.

Nagmumukmok lang ulit ako ngayon  dito sa kwarto ni mama. Si kuya Daniel ang nagbabantay sa baba marami naman sila hindi ko rin alam kung bakit nagkalat yong mga kasama niyang detective. Detective daw sila.

Hanggang sa hindi ko nanaman mapigilang umiyak. Kinuha ko ang picture ni mama na nasa mesang maliit katabi ng kama ni mama.  Niyakap ko ang picture niya ng mahigpit at humiga sa kama habang umiiyak. Bawat patak ng mga luha ay tinatawag ko si mama. Napapikit nalang ako ng mata.

Sobrang sakit sa dibdib. Parang hindi pa rin ako makapaniwala. Wala na lahat sa akin mag isa nalang ako. Ulila na ako. Una si papa na hindi ko man lang nakita kahit sa picture man lang ngayon si mama wala na din. napakasakit sa dibdib na iwan ka ng mga taong mahal mo. Parang gusto ko narin mamatay.

Maya maya'y may naramdaman akong ihip ng hangin na dumampi sa aking bakat. Hangin na tela yumakap sa aking katawan. Kung sa iba ito makaramdam marahil ay natakot na pero ako hindi dahik natuwa pa ako dahil alam kung nandito siya.

"mama ikaw ba yan? miss na miss na kita mama please bumalik kana hindi ko kaya mama" mahinang bulong ko at muling napahagulgol. Mukha akong tangang kinakusap ang hangin.

Muling dumampi sa aking katawan ang ihip ng hangin. Napamulat ako ng mga mata at napatingin sa bukas na bintana. Sumasayaw ang kurtina dahil sa hangin. Imbes na matakot ay napatayo ako at lumapit sa bintana at tinanaw ang langit na napapalibutan ng mga bituin.

"Ma' kung saan ka man ngayon sana masaya ka ngayon wag kang mag alala ma' hinding hindi ka mawawala sa puso ko at wag po kayong mag alala mama magbabayad ang may gawa niyan sayo nandito po si kuya Daniel kaibigan niyo daw siya, Detective daw siya, siya po ang tutulong sa kaso niyo ma'" umiiyak kong sabi habang naka tingala sa langit.

Habang naka tanaw sa langit ay sumalubong ang malamig na hangin sa aking balat. Nanindig ang mga balahibo ko. Dahil sa pakiramdam na may naka tingin sa akin. Nangunot ang mga nuo ko dahil sa pamilyar na pangyayari. Noong araw na lumipat ako sa boarding ay ganito ang pakiramdam. Tela may nakatitig sa akin at binabantayan ang bawat galaw ko.

Kanina natutuwa ako pero ngayon sobrang takot at kaba na ang nararamdaman ko. Nasa ikalawang palapag ako ng bahay kaya dumungaw ako sa ibaba ngunit wala akong makitang naka tingin sa akin.

Hanggang sa mapatalon na lang ako sa gulat dahil sa may humawak at tumawag sa akin.

"Christian—"

"Ayy demonyo ka!" gulat na sigaw ko. Maging siya ay nagulat din. hehe bakit kasi nanggugulat siya.

"Ang gwapo ko naman para maging  demoyo" si kuya Daniel yan.

Ehh?!

Buti nalang gwapo talaga siya at dahil crush ko siya ayos lang sa akin ang pagiging mataas na kumpyansa niya sa sarili.

Ngumiti siya sandali pero agad ding nagsersoyo ang mukha niya. Lumapit siya sa akin at pinunasan ang mga takas na luha sa aking pisngi. Nakatitig lang ako sa kanya. At ang bilis ng tibok ng puso ko. Alam kong naaawa na siya sa akin.

"shhh.. Wag kanang umiyak nandito pa ako hindi ka pa nag iisa.. hindi kita iiwan" nanlambot ang puso ko sa sinabi niya at sa hindi ko alam na kadahilanan umiyak nanaman ako.

Hanggang sa hinila niya ako palapit at niyakap. Napayakap na din ako sa kanya.

"Shhh.. Tahan na nandito pa si daddy" bulong niya at lalong humigpit ang yakap sakin.

Daddy?!

Daddy daw!

Sugar daddy siguro pwede pa!

---

Cyfer's Pov

Nakukonsensya ako hindi dahil sa pagpatay ko kay Marites kundi dahil sa kalagayan ni Christian ngayon.

Gusto ko siyang lapitan, Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.

Gusto ko sabihin na hindi siya nag iisa dahil nandito pa ako na nagmamahal sa kanya.

kaylangan niya ng karamay ngayon. Kaylangan niya ng balikat ko para masandalan pero hindi ko magawang makalapit dahil sa mga miyembro ng mga Demons Hunter na nakapaligid sa labas at loob. Pinagtataka ko lang kung bakit sila nandito. Hindi ko tuloy malapitan si Christian. Ayaw kong magka gulo. Siguradong maalarma sila at malalaman ni Christian kung ano ako.

Ramdam ko ang lungkot niya at rinig na rinig ko ang pagluha niya habang naka higa. Gustong gusto ko siyang lapitan upang mayakap at madamayan. Marahan akong pumikit. Sa hangin ko muna ipaparamdam ang pagdamay ko sa kanya.

Napangiti ako ng mapait dahil si Marites ang una niyang naisip sa ginawa ko. Gusto kong sabihin na ako yon.

Hanggang sa makita ko si Christian na dumungaw sa bintana at tumingila sa langit.

"Wag! Bhaby wag kang tumingin diyan"

Muli akong ngumiti ng mapait dahil sa mga sinabi niya. Kung kinakailangan kong itago sayo habang buhay na ako pumatay kay Marites ay gagawin ko wag ka lang magalit sa akin.

Dumungaw siya sa baba na parang may hinahanap.

"Patawad bhaby hindi kita madadamayan ngayon pero pangako ko babawi ako sayo.. At sana patawarin mo rin ako"

Napayuko nalang ako dahil sa kaduwagan ko. kung tutuosin kayang kaya ko naman ang mga pesteng demons hunter na yan kaya lang natatakot ako sa magiging reaksyon ni Christian. Gaya nalang ng naging reaksyon ni Ashley, noong nalaman niya takot at pagkamuhi. Ayaw kong makita sa kanya yon parang hindi ko kaya. At hindi pa ako handa doon.

"Hindi naman ako nag sisising pinatay ko si Marites pero nakukonsensya ako dahil kasalanan ko kung bakit malungkot si Christian ngayon.. Yon lang ang kasalanan ko" bulong ko sa aking sarili.

Muli akong lumingon sa kinaruruonan ni Christian pero ganun nalang ang gulat ko ng makita kung sino ang kayakap niya. Lahat na yata ng dugo ko ay umakyat sa ulo ko.

Daniel...

Anong ginagawa niya dito. Bakit sila magkayakap ni Christian.

Napakuyom ang mga kamao ko dahil sa galit. Gusto ko siyang  sugorin at pagpira-pirasohin gamit ang espada ko. Sa sobrang galit ko hindi ko na makontrol ang sarili sa isang iglap nagbago ang anyo ko. Ramdam ko paglabas ng malaking sungay ko at paggalaw ng buntot ko at handa ng isaksak sa puso ni Daniel.

"Wag mong hahawakan si Christian!"

Akin lang ang bhaby ko!



----

TO BE CONTINUED...

Don't forget to VOTE!!!

A/N; Walang re-read! Typo expected!

Hot and Sexy DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon