22

46.1K 1.3K 379
                                    

"HOW about this one?" nakangiting itinapat ni Summer ang isang bestida sa harap niya. She looked at his turquoise orbs that also looking back at her. He giggled and reached his both hands to her.

"Ammy...pletty.."

She giggled, sandaling ibinaba ni Summer ang hawak na dress sa kama at hindi na napigilang lumapit sa kasama. Pinugpog niya ito ng matutunog na halik sa mukha nito.

"Ang cute cute naman ng baby Cosmos na iyan." she said, nakisabay naman sa tawa ang bata. Sakto naman na pumasok sa loob ng kwarto kung nasaan sila ang ang isa sa mga lalaking mahalaga sa kanya kasama ang isang pang bata.

"Are you not yet done? Gutom na kami ni Galaxy." nakasimangot na sabi ng lalaki nang makita na hindi pa siya nakakapagbihis.

She chuckled. "Opo eto na, masyado ka talagang mainipin, kuya Warren."

Yes. Ang professor niya dati sa LCU na si Prof Warren dela Paz ay long lost half-brother pala niya. Magkapatid sila sa ama. Sobrang daming nangyari sa buhay niya sa nnakalipas na dalawang taon. Marami ring pagbabago sa buhay niya.

Nang umalis siya sa Pilipinas noon sa mansyon nila Comet, kinuha muli niya sa basurahan ang brown envelope kung nasaan ang passport at application niya sa isang university sa ibang bansa.

She was lost, drained and spacing out that time, ang inisip lang niya ay ang makalayo at umalis. Hindi agad niya naisip ang consequences ng mga biglaan niyang naging pasya.

Pero nagsisi siya at nagulat na lang nang malaman niyang ang eroplano palang sinakyan niya ay sa Vancouver, Canada nakarating at hindi sa Turkey na siyang naka-adress sa university na dapat ay papasukan niya.

She didn't know how that happened. She's emotionally drained that time. O sobrang naive lang niya dahil first time niya mag biyahe papuntang ibang bansa?

Alam niya, sobrang tanga niya dahil hindi man lang niya nai-check ang passport ticket niya. Pagkadating sa Canada, daig pa niya ang pulubi dahil sa estrangherong lugar. Sinubukan niyang bumili ng ticket pauwi pero kulang na ang pera na dala niya.

Pero kamalas-malasan, paglabas niya sa airport, ninakaw pa ang mga gamit na dala niya, kasama na doon ang phone niya. Ang wallet lang niya ang natira sa kanya. Gusto niyang tawagan si Comet pero paaano? Ni hindi niya kabisado ang cellphone number nito.

Ilang araw siyang nagpagala-gala sa Canada, hanggang sa naubos na ang pera niya para sa araw-araw niyang pagkain. Nakakilala siya doon ng mga Pilipinong tulad niya, OFW pero mga TNT doon.

Sinubukan niyang sumama sa mga ito para maghanap ng trabaho, sobrang hirap dahil kailangan nilang mag-ingat para hindi sila mahuli. Hanggang sa pagkaraan ng isang buwan, nalaman niyang buntis siya.

Napilitan siyang huminto sa pagta trabaho dahil medyo maselan ang pagbubuntis niya, lalo na at kambal ang dinadala niya.

Swerte na lang siya at tinutulungan siya ng mga OFW na TNT na nakilala niya hanggang sa makapanganak siya. Parehong lalaki ang kambal niya, identical twins, parehong parang mga carbon copy ni Comet, mga mata lang ang ipinagkaiba. Nakuha ni Cosmos ang mga mata ni Comet na kulay turquoise habang nakuha ni Galaxy ang kulay ng mga mata niya na kulay hazelnut brown.

Hanggang sa magkita nga ulit sila ni Warren, na Kuya niya pala. Ikinuwento nito at inamin sa kanya na pinaimbestigahan pala siya nito noong unang pagkikita pa lang nila sa LCU, palihim din daw ito nagpa DNA test para patunayan na magkapatid nga sila.

Kilala daw kasi ng ina nito ang nanay niya. Sadya raw talaga na babaero ang tatay nila kaya nagpakalat ng lahi sa Iba't-ibang babae. Tinanong naman niya ang lalaki tungkol sa ama nila, sinabi lang ng kuya Warren niya ang pangalan ng ama nila pero hindi na nito in-insist na pag-usapan pa.

Serendipity (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon