Prologue

11 0 0
                                    

"Oh,ano ka ngayon?yumaman ka ba?ha?sagot!"


"Aba,ako ate dito ah?"


"Pake ko?yumaman ka nga?kita mo bumagsak ka pa nga eh. Ate,kung gusto mo yumaman mag tyaga ka. Wag mo'ng isipin na kapag nakapagtapos ka yayaman ka na agad,walang trabahong madali ah?kotongan kita eh. Tara na kumain na tayo,"pagtataray ng kapatid ko,


"Opo ate,"pabalang ko na sagot,inirapan niya lang ako.


Siraulo to ah?


Hindi kasi ako nakapasa sa exam ko,siguro kung nakapasa ako Engineer na sana ako. Ang hirap pala nun,akala ko kaya ng review review,hindi pala. Kaya bumagsak si gaga.


Lumabas na ako ng kwarto ko at nakita ko naman na naghahain na ng pagkain si Cloud,at nandoon na din ang dalawa ko din na kapatid.


Umupo na ako para kumain na sana ng magsalita ulit si Cloud,


"Anong plano mo ngayon?"


"Hindi ko alam,"sagot ko.


"Ate,mahirap ba mag Engineer?"tanong ni Clyde,bunso ko'ng kapatid,


"Para sa akin mahirap,hindi kasi para sa akin ang Engineer. Bakit?gusto mo mag Engineer?"tanong ko


Tumango siya,at napangiti ako sa sagot niya.


"Kung gusto mo naman talaga 'yon,ibibigay naman sayo ,kailangan mo lang ng tyaga. Alam ko kaya mo yan,"nakangiti ko na sabi at tumango siya at pinagpatuloy ang pagkain.


"Ikaw Summer?ano'ng gusto mo paglaki mo?"tanong ko sa isa ko na kapatid


"Paglaki ko Ate,gusto ko maging Doctor,"napangiti ulit ako sa sagot niya,


Ang saya lang tignan na sa murang edad nila ay may mga pangarap na sila na gusto nilang makamit,samantalang ako mula pagkabata ay hindi alam kung ano ang nababagay sa akin. Simula kasi pagkabata ay nagtitinda lang ako ng suman para may pagkain kami nila nanay,noong napanganak na si Clyde,nagkasakit na si nanay,iniwan pa kami ni tatay kaya wala ng maaasahan. Nagtinda ako ng mga kung ano-anong kakanin,para makapag aral ang mga kapatid ko at mapagaling si nanay. Sa hapon ang pasok ko,at kay Cloud naman ay umaga,kaya kapag may pasok ako siya ang nag aalaga,at sa umaga naman ako.


Pero hindi na kinaya ni nanay ang sakit niya kaya namatay siya ng makapagtapos ako ng High School,kaya mag isa ko'ng pinag aral ang mga kapatid ko,nagtitinda pa din ako ng kakanin.


"Wala ako'ng pangarap,ah."sabi ni Cloud,inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pagkain.


Si Cloud na lang daw ang maghuhugas kaya dumiretso ako sa kwarto.


Kinuha ko ang cellphone ni Cloud at nagtingin-tingin ng pwedeng trabaho.


Habang naghahanap ay may nakapukaw ng atensyon ko.


'Hiring photographer,15k per month.'


Nanlaki ang mata ko at agad na hinanap ang camera ko,at ng makita ko ay nagtatalon ako sa saya.


Nandito pa ang mga kuha ko'ng litrato,at magaganda naman ang kuha ko kaya feeling ko makukuha ako.


Bumababa na ako ng kwarto pagkakuha ng twalya at nakita naman ako ni Cloud.


"At saan naman ang lakad mo,Justine Hera?"pagtataray ni Cloud,


"May nahanap na ako'ng trabaho at 15k per month ang sahod,"sagot ko at kita ko ang pagkinang ng mga mata niya.


"Hatian mo ko ng yaman ah,"sabi niya at di ko siya sinagot,at nakangiti'ng pumasok ng banyo sabay ligo,


Pagkatapos maligo ay nagsuot lang ako ng maong shorts at nagsuot ng t-shirt,tinuck-in ko ito para di masyadong pangit,at umalis.


Nagpaalam muna ako sa kanila at tsaka tuluyang umalis dala dala ang camera.


Wala naman masyadong pila kaya hindi ako nagtagal.


"Sit down,"sabi nung babae habang nakangiti


"I'm 

30 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon