CHAPTER TWENTY FIVE

4.4K 178 15
                                    

______

"PASENSYA kana Harry pero hindi ko muna papayagan na ilabas mo ang anak ko...I mean ang anak mo." hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya at karapatan niya na dalawin at ipasyal ang ana pero hindi muna sa ngayon. Tatlong  araw mula nang magpakita ito sa amin at ikwento ang naranasan sa manila sa mga hindi kilalang tao,ngayon lang ulit ito bumalik at sinabing ilalabas nito ang anak. Mabigat sa kalooban ko na isama nito ang anak parang kung may ano sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag na dahilan. "Sabi ko naman sayo anytime pwede mo siyang dalawin pero ang ilabas hindi ako makakapayag. Alam kong sabik ka sa anak mo pero sana maintindihan mo rin ako..ako bilang ina nito. Pasensya ka na." mahinahon naman ang pagkakasabi ko at hindi sa pinagdadamot ko sa kanya ang bata hindi lang ako kampante dahil nagtatalo ang isip at puso ko sa pangamba. Na baka pag pinayagan ko ito hindi na niya ibabalik ang anak sakin at hindi ako makakapayag hindi ko kakayanin.

Bumakas ang lungkot sa mukha nito,pero hindi pa rin ako kampante sa gusto nito. Di naglaon ngumiti nalang ito ng pilit. "Okay lang Sam naiintindihan kita, maghihintay ako kong kailan mo gusto payagan ang anak kong sumama sa pamamasyal. Sapat na sakin na pinapayagan mo kong dalawin siya at kinilala bilang ama." alam kong nasaktan ito pero hindi nalang nagpahalata sa halip nagpunta nalang ito sa likod bahay para maglaro sa anak nandon na ang nanay.

Hindi ko pa nasasabi kay Jemuel na bumalik na ang ama ni Gelo, busy kasi ito dahil nalalapit na daw ang kasal ng kapatid. Speaking of kapatid nakilala ko na din ang mga ito, nung isang araw dinala ako nito sa manila gamit ang sarili nilang helicopter na hindi ko akalain na meron sila. Namangha ako nang bumaba ang helicopter sa isang mataas na building nang makarating kami ng manila. Sobrang kabado ang naramdaman ko dahil pakiramdam ko hind ako tatanggapin ng pamilya nito.

"RELAX baby hindi ka naman nila kakainin ng buo paunti -unti lang."  pang iinis pa nito sakin habang hawak ang nanlalamig at nanginginig kong kamay. Parang lalabas ang puso ko sa takot at kaba, sinamaan ko ito ng tingin na ikinatahimik nito kaya pinapakalma na ako. Hindi namin sina si Gelo at ayoko din naman isama baka kasi ano masabi ng pamilya nito pag nalaman nilang may instant anak na ang anak nila.

Halos pagtinginan kami ng mga tao sa building kung saan kami bumaba,lahat ng mga nakakasalubong namin yumoyuko  at bumabati sa binata na wala namang imik hawak pa rin nito ang isang kamay ko at nakapalibot ang isang kamay sa beywang ko.

Nangunot ang noo ko nang panay ang bati ng mga nakakasalubong namin sa binata kaya pasimple akong tumingin sa kanya pero deritso lang ang tingin nito. Balewala dito ang mga tao sa paligid, sa tingin ko mga empleyado ang mga ito dahil na rin sa pare-pareho ang mga suot na uniform.

Paglabas ng building may nakaparadang sasakyan at may naka uniform na matikas na lalaking nakatayo sa may gilid nito, kumunot ulit ang noo ko nang yumuko ito ng nasa tapat na niya kami. At may iniabot ito sa binata na agad din naman kinuha. Yong lalaki ang nagbukas ng pinto at iginiya niya akong papasok ng sasakyan, nagtatanong na mga matang bumaling ako sa kanya. Nakuha naman nito ang gusto kong sabihin.

"Get in baby, my family is waiting for us." napatigil ako sa pagpasok nang marinig ang salitang 'family' kung kanina medyo kumalma na ang pakiramdam ko pero ngayon biglang bumalik nang marinig na hinihintay kami ng pamilya nito. "Sabi ko naman sayo huwag kang mag alala mabait ang pamilya ko." wala na akong nagawa kundi umupo na sa passenger seat. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko at nanlalamig ang mga kamay pakiramdam ko pinagpapawisan ko ng malagkit.

Ito ang unang pagkakataon na makikilala ko ang pamilya nito. Simula nang maging kami wala itong nababanggit tungkol sa pamilya,maliban lang sa kapatid nitong chief of police.

Habang nasa biyahe kami hindi mahinto ang kakaibang kabog ng pus ko. Siguro ito ang unang beses na ipapakilala ako sa pamilya ng taong mahal ako at mahal ko. 'pero bakit siya nung ipakilla ko ito sa daddy ko parang hindi naman ito kinabahan' pasimple akong huminga ng malalim at pinipilit na pakalmahin ang sarili.

HOTMEN SERIES:6 HOT ABOGADOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon