CHAPTER TWENTY FOUR

4K 171 26
                                    

TYPOS di maiwasan. Read for your own risk...

________

HANGGANG ngayon pinaghahanap pa rin ng mga pulis si tita Rowena at ang asawa nito na sangkot sa aksidente noon ng ama ko. At inimbistigahan ulit ang bangkay na inilibing namin at napag alaman namin na hindi nga iyon ang daddy ko. At ang kompanya ay hindi na ito sa ama ko dahil ibenenta ito ng tiyahin ko sa kasosyo sa kompanya na ipineke ang pirma ng daddy, ang buong akala ay patay na ito.

At bahay namin ay hindi na rin pala sa amin, lahat nang meron kami noon ay hindi na namin pag aari ngayon dahil lahat nang iyon at ibenenta na ng tiyahin ko. Sa tulong ni Jemuel paunti unti i daddy nahahanapan ng paraan kong paano maibabalik ito.

Hindi naman ako umalis ng probinsya dahil ayokong iwan ang nanay Yolly ko,kahit na sinasabi nitong mas kailangan ako ng daddy ko. Ayos lang naman sa daddy ko na ito ang umayos ng gulong ginawa ng tiyahin ko. Sa pagpipinta ko nakakaipon ako kahit papano at makakadagdag sa gastusin.

Lumipas ang mga araw bihira na kami mag usap ng binata dahil busy na rin ito sa trabaho sa firm lalo na may kaso itong hinahawakan at kailangang tutukan. Inabala ko nalang ang sarili sa pagpipinta at sa anak ko.

"Anak may bisita ka." nabaling ang tingin ko sa nanay nang sumilip ito sa pintuan ng kwarto dahil bukas naman ito kaya hindi ko narinig na kumatok. Itinabi ko muna ang paint brush saka tumayo.

"Sino po?" tanong ko nang lumapit ako sa kanya.

"Babain mo nalang para makita mo." anito kaya nangunot ang noo ko. sino naman kaya ang bibisita. Natanong ko sa sarili nang bumaba na ang nanay. Bumalik ang sa harap ng kina canvas ko at itinabi ang mga brush baka kasi magising si Gelo at paglaruan ang mga ito. Nang maiayos ko na ang mga gamit ko saka ako bumaba wala akong ideya kong sino ang bisitang sinasabi ng nanay ko kaya hindi na ako nag abalang magpalit ng damit.

Sa hagdan palang ako tanaw ko na ang taong nakaupo sa sofa sa salas nakatalikod ito sa hagdan kaya hindi ako napansin na bumaba hindi naman maingay ang paa kong maglakad. Kahit hindi ito humarap kilalang kilala ko na ang likod nito kaya nagtagis ang bagang ko at ikinuyom ang kamao. Kahit matagal ko itong hindi nakita kilalang kilala ko siya. Tumikhim ako para ipaalam na nandito na ako kaya agad naman itong tumayo at humarap sakin.

May nag iba sa kanya at hindi na ito tulad ng dati,kalmadong mukha lang pinakita ko sa ayokong makita niya kong gaano ako kagalit sa kanya.

"S-Samantha..Samantha." nautal nitong banggit sa pangalan ko,pero hindi ako umimik umikot ako at umupo sa isang upuan medyo malayo dito.

"Anong ginagawa mo dito? at may lakas kapang loob magpakita matapos ng ilang taon. Matapos mong lokohin ang ate ko at iwan,ang kapal naman ng mukha mong magpakita sa pamamahay namin!" mahina pero may diin at kasamang galit ang bawat katagang binitiwan ko. Hindi ko alam kong bakit ako ang gusto niyang makausap at hindi ang nanay, dapat nga kay  nanay siya magpaliwanag dahil niloko niya ang anak nito. Hindi ko alam pero may nakita akong lungkot sa mukha nito, hindi ko lang pinahalata.

"Samantha hindi ko niloko ang ate mo,at hindi ko siya iniwan." anito pero tininingnan ko lang siya ng masama.

"Sinungaling! hindi mo alam kong gaano nasaktan ang ate nong iniwan at niloko mo siya, halos hindi na ito kumakain  at makapasok sa trabaho, tapos ngayon bigla kang susulpot na parang walang nangyari.!" galit na sabi ko, tumayo ako at tinuro ang pintuan. "Makakaalis kana at huwag na huwag ka anang babalik dahil oras na bumalik ka ipakukulong kita." sabi ko. Nakita kong tumayo na ito at naglakad pero humarap ito sakin. Hindi ko pinansin ang lungkot na bumalatay sa mga mata nito dahil ngayon umusbong ulit ang galit ko sa kanya dahil iniwan at niloko niya ang kapatid ko. Nanatili akong nakatayo at ganun din ito kaya hinayaan ko siyang magsalita.

HOTMEN SERIES:6 HOT ABOGADOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon