Chapter 1

5 2 0
                                    

"Belle."

May nakita akong isang matandang lalaki na nagtitinda ng sorbetes at may hawak syang maliit na bell tapos inaalog niya yun para maka-attract ng attention. Buti nalang nakita ko yung bell nya kasi kung hindi wala akong pangalan na maibibigay kay Lola Van. Lola Eva sana kaso masyado siyang astigin at boyish kaya nah, hindi bagay.

"Hoy, saan ka nakatingin?" Maka-"hoy" naman si Lola Van parang wala akong pangalan.

"Belle nga Lola Van, Belle pangalan ko hindi hoy. Nakakahurt ka na ng feelings." Nakita kong tumaas yung isang kilay niya. Mukhang sesermunan na naman ako nito.

"At ikaw bata ka, ilang beses ko na bang sasabihin na maglagay ka ng 'po' at "opo" pag may kausap kang matanda. Ang tigas ng ulo mo!" Nakakunot na ang noo niya mas naging visible tuloy wrinkles niya.

"Oo na nga...po" Papatayin ata ako ni Lola Van sa sama ng tingin niya. Eh hindi ako sanay gumalang ano magagawa ko? Ang mga tao lagi ang gumagalang sa akin hindi ako.

Kailan ba ako masasanay na magkaiba ang mundo sa palasyo at dito sa labas? Limang taon na rin ang lumipas pero di ko pa rin magawang masanay dito sa buhay sa labas. Ang hirap talaga ng buhay dito, iisipin ko na naman kung saan ako matutulog tapos kung ligtas ba yung lugar na matutulugan ko, at kung may makikita ba akong kariton dyan sa tabi-tabi.

Napabuntong-hininga ako. "Bakit?"

"Ha?" Nakatingin pala sa akin si Lola Van, sa sobrang lalim ng iniisip ko di ko na namalayan na nandyan pa pala siya sa tabi ko.

"May problema ka ba, bata?" May pangalan ako pero 'bata' ang tawag niya sa akin. Pero oo may problema talaga ako, di ko na nga alam kung saan ako matutulog mamaya tapos nagugutom pa ako. Hindi ko na alam gagawin ko sana naman maging ma-swerte ako ngayong araw na 'to. Like may mangli-libre sa akin ng pagkai—

"Hay naku, tara na nga kumain na tayo gutom lang yan." Holy water, seryoso ba siya? Lumpiang shanghai, baka nagha-hallucinate lang ako oo tama hindi 'to totoo kasi hindi naman ako kilala ni Lola Van kaya imposibleng i-libre niya ako. Tama, tama. Pero nagugutom na talaga ako hindi ako makapagmura kasi pagkain ang masasabi ko hindi mura, lalo lang ako magugutom.

"Ano na? Tutunganga ka nalang ba dyan? Ikaw na nga ililibre ko babagal-bagal ka pa. Bahala ka dyan iiwanan na kita at ako'y nagugutom na!" Nagsimula na siyang maglakad palayo sa akin. Hala, wait spaghetti seryoso siya? Oh my gosh!

"Wait lang, Lola Van! Saglit eto naman napaka-ikli ng pasensya mo. Sama ako nagugutom na ako!" Tinakbo ko ang distansya namin buti nalang naabutan ko siya kumukulo na rin talaga tiyan ko.

"Oh, bat mo ko sinundan? Akala ko ba hindi ka gutom kasi tumutunganga ka lang doon?" Nakataas kilay ni Lola Van akala niya naman di ko nakikita na pinipigilan niya lang ngumiti.

"Eh kasi naman nag-loading pa utak ko noon, Lola Van. Pero ayun na nga legit seryoso ililibre mo talaga ako? Baka mamaya binibiro mo lang ako tas ako talaga pagbayarin mo. Uunahan na po kita wala akong pera kaya wala ako pambayad, Lola Van baka takbuhan lang kita."

"Diyos na ang bahala sayo bata ka kung tatakbuhan mo man ako."

Jusko. Nakakatakot naman 'to si Lola Van. Nakakatakot sa sobrang bait.

Baka mamaya 'yan maaga siyang kunin ni Lord.

Joke lang.

Knock on the wood para di mangyari kaso nga lang wala palang wood dito sad life.

May nakita akong bahay na may kahoy na pintuan. Infairness sa bahay maganda... tirhan ng multo. Grabe kasi mukha na siyang pinabayaan tapos ang rupok na tignan parang ako, charot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How to be a Princess?Where stories live. Discover now