Prologue

17 2 0
                                    

All I wanna do is to find a way back into love.

Simpleng lyrics pero malakas ang hatak sa akin. Para sa akin walang direksyon buhay ko. Pagala-gala ako kung saan saan. NPA kasi ako. No permanent address. Minsan uupo lang ako sa lapag may lalapit na agad sa akin para bigyan ako ng pera pero madalas nandidiri sila sa akin. Nakakatuwa mindset ng mga tao, makakita lang ng mukhang pulubi bibigyan na agad ng pera o di kaya naman pandidirian na agad.

Hindi nila alam na baka mas mayaman pa sa kanila yung pinapandirian nila. Noon siguro mas mayaman pa ako sa kanila, ngayon? Mas mahirap pa ako sa daga. Ngayong nandito ako sa kalye pagala-gala ang dami kong na-realize. Buong buhay ko nakakulong ako sa magarang kulungan at ang tanging nakikita ko lang ay ang kagandahan ng buhay. Never did I see something like this in that prison.

They all spoon feed to me the good things in life but never the bad things. Ironic, isn't it? I'm the princess of this kingdom but then I can't do anything about this.

Habang naglalakad ako may nakita akong isang matandang babae sa gilid ng kalye may hawak na lata, namamalimos. Nakakalungkot na may mga ganitong tao pala sa labas ng palasyo. Akala ko sapat lahat ng yaman namin dahil laging marangya ang buhay ko sa loob pero hindi pala.

Pinagkakagastusan nila ang mga royalty na walang ibang ginawa kung hindi umupo sa trono at magmando ng mga tao. All we did is magpasarap sa lahat ng kayamanan namin. Hindi ko naisip ni minsan na ganito kagulo pala ang labas ng palasyo.

Nilapitan ko ang matanda na mukhang nasa early 80's na at madumi ang damit pati na rin ang katawan. Ang buhok nyang puro puti ay basta nalang nakatali na parang hindi dinaanan ng suklay.

Umupo ako sa tabi nya at nginitian sya ng malambing may naaalala kasi ako sa kanya. Parehas silang may masungit na mata pero kahit matanda na sila masasabi mong magaganda sila nung kabataan nila.

"Lola, ano pong ginagawa niyo dito?" Saglit nya lang akong sinulyapan pagkatapos hindi nya na ako pinansin.

Napanguso ako dahil pati sa ugali parehas sila, parehas masungit. Pero kahit sinungitan ako ni lola di ko sya tatantanan gusto ko lang ng makakausap dahil feeling ko malapit na akong mabaliw.

Kinalabit ko sya para pansinin nya ako. "Lola, wag ka naman pong mag sungit sa akin. Nagtatanong lang naman po ako eh." Natuwa naman ako nung humarap na siya sa akin pero biglang nawala yung tuwa ko na iyon nung makita kong masama ang tingin niya sa akin. She really reminds me of her.

"Kilala kita." Bigla akong kinilabutan nung narinig ko ang boses nya at ang sinabi niya.

"P-paano niyo po nalaman?" I can't help but stutter. I mentally slap myself because of my stuttering. After 5 years ngayon nalang uli ako nautal sa sobrang intimidation.

Biglang naningkit mata niya sa akin. "Kilala ko style niyong mga kabataan, ineng. Pasimple niyong kakaibiganin ang mga katulad kong matanda. Pagkatapos niyo makuha loob namin bigla niyong aagawin sa amin ang pera namin, mga gago!" Nagulat ako sa pagmumura ni lola di ko inaasahan yun.

Ayaw ko mang mapangiti dahil sa kwento nyang medyo nakakasama ng loob napangiti pa rin ako. Ang pronunciation niya ng style ay stayl. Ang cute. Parehas din silang nagmumura ang kaibahan nga lang patagong nagmumura yung kakilala ko ito naman si lola harap-harapan. Dinuro niya ako bigla kaya nagulat ako. I think I'll have a heart attack because of her sudden movements.

"Anong nginingiti mo dyan? Ngumingiti ka kasi nalaman ko plano mo? Ha! Hindi mo ako mananakawan ng pera, bata. Papunta ka palang pabalik na ako. Kaya alis na dito, tsupi doon ka sa iba magnakaw wag sa akin." Nakaka-hurt ng slight si lola, mukha ba akong magnanakaw? Napatingin ako sa suot kong damit. Naka white shirt ako na ang dami ng butas tapos puro grasa pa. Magulo din buhok na parang pugad ng ibon sa gulo. Yung shorts ko din puno ng grasa, lahat ng parte ng katawan ko puno ng grasa. Napatingin naman ako sa paa ko na nawawala ang isang pares ng tsinelas.

Oo nga mukha akong magnanakaw. Pero dahil pinagbintangan ako ni lola na magnanakaw sasampolan ko nalang si lola. Ngumiti ako ng nakakaloko at binuka ko ang nakakuyom kong kamay at bumungad doon ang fifty pesos ni lola.

"Tignan mo may pera ka naman pala magnanakaw ka pa. Kayo talagang mga kabataan hindi marunong makunten--" Hindi na naituloy ni lola ang saabihin niya. I think na-realize niya na sa kanyang fifty pesos yun. Yung kanina niyang iritadong mukha biglang naging galit pero sandali lang yun kasi biglang naging blanko ang mukha niya.

I can't see any emotions on her face.

"Sayo na yan. Wag ka nalang magpapakita ulit sa akin." Kalmado lang naman siyang nakatingin sa akin habang nagsasalita pero kinikilabutan ako sa tono niya.

"Lola naman..."

"Alis, nakuha mo na gusto mo."

"Eh kasi naman lola pinagbibintangan mo akong magnanakaw. Nakaka-hurt ka ng feelings."

Kumunot noo nya sa akin sabay sabing, "Bakit hindi ka ba magnanakaw?"

Finally, she already realize it.

I hummed and nod at her.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" Ngayon mukha siyang napahiya pero mukha pa rin siyang iritado sa akin. Grabe, siya lang ang kilala kong napahiya na nga siya pa galit.

"Bakit makikinig ka ba?"

Bigla akong napa-'aray' dahil piningot niya tenga ko ng malakas. Ang brutal ni lola, grabe.

"Aba't wala kang galang na bata ka hindi ka nag-'po' sa akin. Halika dito tuturuan kita ng leksyon at ng magtanda ka."

"Aray. Aray. Tama na po. Hindi na po mauulit sorry na!" In my 20 years of existence never pa akong nasaktan physically. Ingat na ingat kasi sila sa akin sa palasyo kahit lamok hindi pinapadapo sa akin. Pero dahil nga wala na ako sa palasyo ngayon nadapuan na ako ng lamok at langaw. Naputikan na rin ako pero never pa akong napingot or napalo. Ganito pala feeling nun, hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako.

Tinampal ako ni lola sa noo. Ang sadista talaga.

"Ikaw lang ang nakita kong piningot na nga nakangiti pa rin. Abnormal ka ba?"

"Ganoon talaga pag special." Nginitian ko siya ng matamis sana langgamin siya.

"Special? Baka special child." Tumawa siya ng malakas samantalang naka-ismid naman ako. Buti naman binitawan niya na tenga ko sa sobrang tawa niya kasi ayun sumakit tyan. Kaya ako naman ang tumawa. Too much happiness can hurt talaga.

"Pinagbintangan mo na akong magnanakaw, napingot mo na ako at ngayon nagtatawanan na tayo lola. Pero hanggang ngayon di ko pa rin alam pangalan mo." Inismidan niya ako akala ko di nya na sasabihin.

"Pasalamat ka napatawa mo ko ng ganito kung hindi, di ko sasabihin pangalan ko sayo." Daming satsat ayaw pa sabihin pabitin much.

"Oo na sabihin mo na pangalan mo daming sinasabi." Pipingutin niya sana uli ako kaso sorry nalang mabilis reflexes ko.

"Evangeline. My name is Evangeline." Wow, english. Saan ka nakakita ng pulubing marunong mag-english?

"Ikaw ano pangalan mo walang modong bata?" Patay, isip isip ano sasabihin ko? Inikot-ikot ko mata ko para maghanap ng pwedeng pangalan dahil hindi ko pwede gamitin totoo king pangalan. May nahagip ng tingin ang mata ko. Isang karendirya na  nakalagay ay Isabella's Eatery. Perfect. Bagay na bagay sa akin ang pangalan na iyon.

"Belle."

How to be a Princess?Where stories live. Discover now