*** 2 ***
Nagpaalam na ako kay Kaison na aalis ako. Hindi naman siya nagsalita at tumango lang.
Tumalikod na ako at naglakad na nang may maalala. I snapped my fingers.
Oo nga pala...
Naglakad ako pabalik kung saan siya nakaupo. Nagtatakang napatingin naman siya sa gawi ko.
"I'm Typill Claudette Aragon. Just call me Tippy." Nakangiting wika ko. Imbes na makipag-shake hands, iyong spongebob balloon ang binigay ko. Naguguluhang tinanggap naman niya iyon.
"Thank you for approaching me kanina. Siguro kung hindi mo ginawa iyon, baka naglaslas na ako." Pabirong sabi ko.
Umiling siya. Saka seryosong tumingin sa'kin.
"You won't do that, I guess. Hindi mo naman siguro gustong mag-alala ang mga taong nagmamahal sa'yo."
Napakurap ako. Napakaseryoso naman yata ng sinabi niya. Biro lang naman iyong sinabi ko sa kaniya, ah? Hindi ba niya na-gets iyong pabiro kong tono?
Hindi ko pala dapat siya binibiro! Masyadong seryoso sa buhay eh.
Napatingin ako sa cellphone ko nang mag-vibrate iyon. Isang message ang nagpop-up sa screen.
~Nakauwi ka na ba, babe? Or kung hindi pa, ingat sa pag-uwi. I love you 😘~
Napangiti na naman ako. Napaka-sweet niya talagang boyfriend.
Nagtype muna ako ng reply.
~Pauwi pa lang ako, babe. I love you too 😘~
Ibinalik ko ulit ang atensiyon ko kay Kaison na parang walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.
"So, pano? Una na ako?" Tumango siya at ngumiti. "And thank you ulit. Ay teka, anong name ng podcast mo?"
Kunot-noo siyang tumingin sa'kin. Tapos nung na realized niya ang ibig kong sabihin, ang sabi niya lang, "Nice idea! Pwede kong gawing pagkakakitaan iyan." Tatawa-tawang sabi niya.
I mean it. I really do. Baka kasi May podcast siya. Ang galing niyang mag advice eh. Kasi sa totoo lang, nawala iyong pagka-lungkot ko about sa family nung bigla niya akong in-approach.
Kumaway muna ako sa kaniya bago tumalikod at naglakad na paalis.
Habang naglalakad naisipan kong i-text na lang si Kuya Sawi na huwag na lang akong sunduin dahil maglalakad na lang ako. Pagkalipas ng ilang sandali, nagreply siya.
~HA?BAKIT?HINDIPWEDE!~
Napa-iling na lang ako pagkabasa ko sa text niya.
'Heto na naman ang text niyang walang space'.
Magre-reply na sana ako kaso, bigla naman siyang tumawag.
Tsk! OA pa naman 'to."Bakit di ka magpapasundo? Naku! Malalagot ako sa mama mo niyan. Alam mo namang ayaw na ayaw niyang naglalakad ka." Pambungad na sabi niya.
Si Kuya Sawi ang driver namin. Mahigit tatlong taon na namin siyang driver. Anak siya ng kasama namin sa bahay na nag-alaga sa'min ng mama ko. Ngayon, ay caretaker siya ng resthouse nina Lola sa Tagaytay kasi 'di na namin siya pinakikilos sa bahay dahil matanda na. Kaya si Kuya Sawi ang pumalit sa kaniya. Hindi nga lang kasambahay kundi driver.
"Kuya Sawi, gusto ko naman munang maglakad. Ang lapit-lapit lang ng school ko pero naka-kotse pa."
'Tsk! Sa sobrang lapit nga kaya ko lang lakarin ng 2 minutes'.
![](https://img.wattpad.com/cover/255782441-288-k685675.jpg)
BINABASA MO ANG
not a TypiCal love story (On-going)
RomanceShe was 6 and he was 8 when they first met. She was 15 and he was 17 when they're officially dating. She was 18 and he was 20 when their relationship became a long distance relationship. She was 19 and he was 21 when she found out that he cheated on...