Chapter One

20 9 1
                                    

*** 1 ***

What makes people happy? Is it because of money? Fame?

Napatingin ako sa mga batang kasama ang kanilang mga magulang. Napakasaya nila. May naghahabulan, nagkukwentuhan, may inang pinupunasan ang pawis ng kaniyang anak dulot ng labis na paglalaro, meron ring amang tinuturuan magbike ang anak.

Pamilya. Tama. I don't have a complete family in the first place. Iyan ang isang bagay na wala ako.

It's been 6 years since that happened to my family. I've been trying so hard to shove the scene that happened four years ago in my head, but I guess it wasn't a perfect idea to come here. Mas lalo ko lang naaalala ang mga pangyayari nang gabing iyon.

Tsk. Ano bang meron ngayon? Family day? Kung alam ko lang, sana do'n na lang ako tumambay sa school garden.

Mukha akong tanga dito!

But ignoring all their stares is my specialty. Nanatili lang ako sa puwesto kung saan ako nakaupo kahit maraming mata ang nakatingin sa'kin.

I mentally rolled my eyes. I know. I looked like an idiot here.

Sitting on the park's bench with all the uniform, a big blue backpack na may print na I am Princess Jasmine which I placed on my left side, isang napakalaking spongebob balloon na itinali ko sa kanang kamay ko na bigay lang ng isang batang babae kanina, at tumbler na merong picture ng mga Disney Princesses ang nilagay ko sa tabi ng bag ko. Hindi naman maipagkakaila na mahilig talaga ako sa Disney.

Napunta ang atensiyon ko sa isang batang hinahabol ng kaniyang ama. Ang saya-saya nilang tignan. Parang biglang bumigat ang dibdib ko. Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko.

Basa na ng luha. Umiyak ako nang hindi napapansin. I sighed. Sana pala hindi na ako pumunta dito. Nawala sa isip kong friday nga pala ngayon. At tuwing friday ay maraming tao talagang tumatambay dito. Karamihan sa kanila ay magpamilya at magkakaibigan. Pero kakaiba sa araw na ito dahil puro masasayang pamilya lang ang nakikita ko.

"Would you mind if I sit here?"

Napaangat ang tingin ko sa taong nagsalita.

1

2

3

4

5

"Hey, miss... Are you alright?" Winawagayway niya ang kamay sa harap ko na parang kinukuha ang atensiyon ko.

Nakakahiya.

Gaano katagal ba akong nakatitig sa mukha niya? 3 seconds? 5 seconds? My goodness! Sobrang nakakahiya!

Oo, gwapo siya. Sobra. Kamukha siya ni Cha Eun Woo, iyong sikat na Korean actor and idol. At parang kaedad ko lang yata siya.

"Uhm... A-Ano..."

Nasaan na ba ang dila ko? Why am I stuttering?

Sinasampal-sampal ko ang mukha ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Stop that! You're hurting yourself." Malumanay na pagkakasabi niya.

Napatitig ako sa kamay ko na hanggang ngayon ay hawak pa rin niya. Parang naramdaman naman niyang nakatingin ako d'on kaya binitawan naman niya ito.

Awww. Sad. Sabi ng malandi kong Konsensiya.

Naku naman, self. Umayos ka!

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

not a TypiCal love story (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon