Chapter 1

2 0 0
                                    

Miracle Aryesha's side

My name is Miracle Aryesha Montellano. 15 years old at nandito ako ngayon sa bahay ng bestfriend ko.

"Happy Birthday Zhynteziah Zerez!"

Bati ko sa bestfriend ko. Birthday niya kasu ngayon kaya nga nandito ako sa bahay nila. Pakals lang ganon.

"Salamat Yeshang."

Sabi niya naman sa akin. Naku gurang na ang bestfriend ko.

"Gurang kana bess."

Biro ko sakanya. Napasimangot naman siya.

"Mas gurang ka sakin remember? Ikaw unang nag 15 sa atin."

Sabi nito. Aishh oo nga pala.

"Oo na pero gurang ka parin."

Sabi ko niyakap niya naman ako.

"Nakuuu kung hindi lang talaga kita mahal."

Sabi nito napangiti naman ako. Mahal na mahal ko talaga ang bestfriend ko.

"Teziah kunin nyo muna yung speaker dun sa bahay ng lola mo. Isama nyo si Caden para hindi kayo mahirapan."

Sabi ng tita ni Zhynteziah.

"Sige po tita."

Sagot naman ni Zen² at agad akong hinila.

"Tara na gaga puntahan natin si Caden."

Sabi pa nito. Nagpatianod nalang ako sakanya.

"Caden!"

Tawag nya sa pinsan niya. Pagtingin ko sa pinsan niya ay natigilan ako. Tila nag slowmo ang paligid ko. Akala ko sa mga movies lang ito pero totoo pala. Napatitig ako sa pinsan ni Zen². Yung matangos niyang ilong,singkit na mga mata. Ang cute niya.

"Hoyy tara na kanina ka pa tulala jan."

Sabi ni Zen² saakin na nagpabalik sa akin sa katinuan.

"T-Tara."

Sabi ko sakanya at hinila na siya.

Matapos naming makuha yung speaker at madala sa bahay nila Zen² ay tinanong ko agad sya tungkol sa pinsan niya.

"Zen²? Anong pangalan nung pinsan mo kanina? Atsaka tagasaan siya?"

Tanong ko sakanya.

"Ah yun ba? Sya si Caden Markiel Fortellero. Malapit lang bahay nila dito sa atin bakit type mo sya?"

Tinignan ko naman sya ng masama.

"Manahimik kang babae ka! Tigilan mo ako!"

Sabi ko sakabya at inirapan siya.

"Oii interesado sya sa pinsan ko."

Sabi pa nito na mas ikinainis ko.

"Sabing tigilan moko eh bahala ka nga jan."

Sabi ko at iniwan na siya. Bahala siya dun. Mamaya pa naman magsisimula ang birthday celebration niya eh kaya maggagala muna ako.

Lakad lang ako ng lakad ng biglang may sumitsit sa akin.

"Psst."

Hindi mo nalang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Nang mapansin kong wala ng sumisitsit ay agad na akong bumalik sa bahay nila Zen² jusq baka mapano ako kakagala ko.

"Oh anjan ka lang palang gaga ka magsisimula na."

Sabi pa nito. Hinila niya ako paounta sa loob ng bahay nila.

"Halika na Teziah at magsisimula na tayo."

Sabi ng daddy ni Zen². Lumapit naman siya sa daddy nya at dun na nga nagsimula ang celebration.

Tapos na kaming kumain at nagsisiyahan na kami ngayon dito sa bahay nila Zen² hindi yung bad ha? Sayaw sayaw lungs. Grabe yung isang bata kanina dito sa bahay nila Zen² anggaling niyang sumayaw jusme.

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon. Wala akong magawa eh bakit ba?

"Hoy gaga sayaw ka."

Sabi ni Zen² sa akin. Tinignan ko lang siya at inirapan.

"Bahala ka jan."

Sabi ko pa at di nalang siya pinansin. Grabe rin makasayaw itong gagang ito. Bigay na bigay eh kala mo wala ng bukas.

Tinitignan ko lang si Zen na sumayaw ng biglang nahagip ng mata ko si Caden. He is dancing. Napatulala ako sakanya. Grabeee ang galing niya sumayaw. Mas magaling pa sya sa lahat ng magaling. Titig na titig ako sakanya ng bigla siyang lumingon saakin. Ngumiti naman siya sa akin at nagbawi agad ako ng tingin. Nakakahiyaaaa myghash HAHAHA.

Sayaw lang siya ng sayaw hanggang sa hindi ko nalang namalayan napapangiti na pala ako. Ang sarap niyang tignan habang sumasayaw siya. Sumasabay talaga ang katawan  niya sa musika. Sanaall no marunong sumayaw?

Anggwapo niya pa at angkyut ng mata nya tuwing ngumingiti siya ay nawawala ito. Nakakainlove ang bawat galaw ny--

"Hoy babae!"

Biglang sigaw ni Zen².

"Ayy angcuteq!"

Napatampal ako sa noo ko dahil sa nasabi ko. Nakita ko namang napatawa ng mahina si Caden. Grabee anggwapo niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatitig ako ulit sakanya. Anggwapo gwapo niya talaga grabe!

Napatigil naman siya sa pagsayaw ng bigla siyang tawagin ng mommy niya.

"Caden hugasan mo nga muna tong pinggan."

Sabi nito. Agad namang pumunta sa lababo si Caden at nagsimula ng maghugas. Hindi lang siya gwapo mabait din siya. Natagpuan ko nalang ang sarili kong naglalakad papalapit sakanya.

"Tulungan na kita."

Sabi ko sakanya. Ngumiti naman siya. Angcute nya talagang ngumiti.

"Naku wag na nakakahiya naman. Bisita kapa naman ni Teziah."

Sabi nito. Ngumiti naman ako sakanya.

"No okay lang tutulungan na kita."

Sabi ko at kinuha ang sponge at nagsimula naring maghugas ng plato. Kahit habang buhay ko pa siyang tulungang maghugas ay gagawin ko. Char akala mo naman ay napakaraming plato ang huhugasan. Oa ka lang Miracle ha?

- FF -

Tapos na ang celebration. Kasalukuyan ko ng hinihintay si daddy ngayon dito sa labas ng bahay nila Zen² uuwi na kasi ako at susunduin ako ni dad.

Habang wala pa si dad ay nagkekwentuhan muna kami ni Zen² ng biglang may naisip ako.

"Zen² tawagin mo nga yung pinsan mo. Yung si Caden? Sabihan mo papicture ako sakanya."

Sabi ko pa. Nginisihan naman ako ng nakakaloko ng gaga.

"Tigilan mo ko sa ngising yan ha Zen²."

Sabi ko naman sakanya. Agad naman syang napailing at umalis na. Kahit na kinakabahan ako ay papakapalan ko na ang mukha ko. Minsan lang tong makapal kaya lubus-lubusin ko na.

Ilang minuto lang ay bumalik na si Zen² kasama ang pinsan niya.

"Ayan na Miracle Aryesha pwesto na kayo ako magpipicture sainyo."

Sabi pa nito. Aba mas excited sya sa akin ah? Wala nakong nagawa kundi pumwesto nalang baka dumating narin si dad maya maya lang baka di nako makapagpapicture.

"Oh ayan smile!"

Sabi pa nito ngumiti naman ako. Pagkatapos ng picturan ay napangiti ako.

"Salamat."

Sabi ko kay Caden. Ngumiti naman ito sa akin. Napakabait niya. At feeling ko ay nahuhulog na ako sakanya. Sana lang may patunguhan tong nararamdaman kong ito.

- Yscariiiaaah

Till Infinity and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon