Home

12 0 0
                                    

(Present)

Nang makarating ako sa bayan ng Donsol ay agad Kong nilanghap ang sariwang hangin. Nakakarelax ang nakakawala ng pagod.

Dumiretso ako sa sakayan ng tricycle papunta sa bahay. Wala silang idea na uuwi na ko at Hindi rin Nila alam ang ginawa Kong pag Payag sa kontrata namin ni Aries. It's been three years since we got married and yesterday I finally letting him to live a great life. He is finally going to handle that big company and find his true love. And me, I don't know

"Zara?" I smiled at them, and breakdown as well. Shit ..

"Zara! Anong nangyari?" I'm happy to see Zachary.

"Zacky" 

"Thank you sa lahat Zara, Hindi mo na kailangang magtiis sabi ng doctor ay okay nako pwede nakong mag trabaho gaya mo. Kaya okay na wag kanag umiyak" Zachary is my twin brother, nagkaroon Siya ng heart failure 4 years ago at dahil Wala Naman kaming ibang aasahan ay mas minabuti Ko nang mag sakripisyo para sa ikakabuti niya.

"Masaya Kong makita na Okay kana, Masisimulan mo na Ang buhay mo ng maayos, pero hinay hinay lang ha?" Tumango lang ang kakabal ko at masaya akong niyakap nito. Patuloy parin ang pag patak ng mga luha ko na para bang naipon ito ng mahabang panahon.

"Nasan pala si nanay?"

"Nag punta lang ng palengke para mamili dahil ilang araw narin kaming walang stocks ayaw Rin Naman niyang mag pasama kaya hinayaan ko nalang Siya. Halik at kumain ka muna medyo mahaba ang naging byahe mo"

Dumiretso kami sa kusina, inilbot ko ang aking paningin sa kabuuan nito, Maraming pinag bago at mas naging kaaya-aya itong tingnan

"Yung mga natira sa pinapadala mo ginamit namin para kahit papano mapaayos ang bahay natin, Hindi ganun kalakihan ang pag babago pero mauunti unti din"

"Ano ka ba, maganda nga ang pag kakagawa at mukang matibay Hindi na natin kailangang mag tiis pag tag-ulan"

Tumawa lang ito at agad narin akong pinag Hainan, magana akong kumain Ewan ko ba nitong mga nakalipas na araw ay sabik na sabik ako sa mga kakaibang pagkain pakiramdam ko Rin ay tila ba nagiging maselan ako sa mga amoy na pamilyar Naman ako. Umiling nalang ako at muling ipinag patuloy ang pagkain ko.

"Siya nga pala Zara, Na tanggap ako sa Isang kumpaniya sa Manila inaayos ko nalang ang mga requirements ko at pwede na Kong mag simula" Masaya nitong wika saakin na Siya namang ikinagalak ko ng sobra.

"Wow! Congratulations Zacky! Pero gaya ng Sabi ko sayo hinay-hinay lang dahil baka mamaya ay mabigla ang katawan mo at manibago" Tumango lang ito sakin at agad naring nag paalam upang ayusin ang naiwan niyang trabaho sa sakaha.

Matapos Kong kumain ay agad narin akong nag ligpit at nag hugas, Inayos ko narin ang mga gamit ko sa dati kung kwarto na ngayon ay mas maayos na kesa noon na halos puro butas ang dingding at bubong. Malaki narin ang ipinagbago ng Lugar na 'to noon pa man at talagang hirap na kami sa buhay pero nag sumikap ako at nagkaroon ng lakas ng loob na lumuwas at doon na nga nangyari ang Maraming bagay. Napabuntong hininga nalang ako sa mga nangyari ayoko Naman talagang Iwan Siya pero gaya ng napag kasunduan namin tatlong taon lang ang itatagal ng palabas na kami mismo ang director at artista masyado lang akong nag pabulag at nag padala sa indayog ng kwentong ginawa namin.

Sabi nga Nila, We should learn to forget and for give for us to be able to start anew. At yun ang gagawin ko para sa sarili ko at sa ikakapanatag ng loob ni Aries, I'm done being a fake wife and all those things that happened is just a fairy tale that will never gonna happen again.

"Zara?" narinig ko Ang tawag ni nanay kaya masaya ko itong sinalubong mula sa pinto ng aming bahay

"Nay" Masaya Kong wika dito

"Oh jusko ang aking anak, napakaganda at malaman kana ngayon! Halos apat na taon Rin mula ng huli kitang nakita" Naluluha itong niyakap ako at marahang ginawaran ng halik Masaya ako na sa wakas ay mabubuo narin kami .

"Nay, miss na miss ko kayo ni Zacky at simula ngayon dito nalang ako satin mag tatayo tayo ng maliit na grocery store may naitabi Naman ako Mula sa mga sinahond ko kaya Sigurado ko na Magiging maayos na tayo at isa pa si Zacky Naman ang aalis para simulan ang buhay niya" Tumango lang ito at agad na pinahid ang mga luhang nag babadya ng tumulo.

"Halika at tulungan mo Kong ayusin ang mga pinamili ko" kinuha ko Ang dala ni nanay at dinala ito sa kusina ng bigla akong makaramdam na para bang bumaliktad ang sikmura ko agad akong nag tungo sa lababo at doon sumuka pero Wala namang inilabas ang pag duwal ko.

Nagulat ako ng biglang hawakan ni nanay ang pulsuhan ko at maigi itong pinakiramdaman.

"Buntis ka" Hindi ko Alam kung ano ang Magiging reaksyon ko sa sinabi ni nanay. Pero ang mas ikinakatakot ko ay kung ano ang iisipan niya.

"N-nay mag papaliwanag ako" Naluluha Kong wika dito

"Siya ba ang ama?" Naguluha ako sa sinabi ni nanay sinong tinutukoy niya?

"Nag punta ko sa Manila 'nong nakaraang taon para Sana supresahin ka at personal na ibalita sayo na maayos ng ang kapatid mo pero Wala ka sa address na ibinigay mo sakin kaya nag tungo ako sa opisina niyo at doon ko nakita na may kasama kang lalaki at sumakay kayo sa kotse pinasunod ko Yung taxi na sinakyan ko Mula sa Isang mayamang Lugar at doon ko nalaman na magkasama kayo sa bahay na iyon, nakituloy ako sa kumare ko malapit sa opisina mo at bumalik ako sa address na binigay mo at tinanong ko Ang kahera kung umuuwi kapa ba sa bahay na yun pero sinabi nito na dalawang taon ka nang umalis doon" napaluhod nalang ako sa sobrang hiya na nararamdaman ko Hindi ko Akalain na malalaman ni nanay ang mga bagay na ito.

"Sabihin mo ang lahat lahat sakin, Anak Hindi ako iba sa'yo Sana ay maging bukas ka sa mga reaskyon na maaari Kong ibigay at sa mga opinyon na meron ako" Tumango lamang ako Kay nanay

Hindi ko Alam kung Saan ba sisimulan at kung paano ba ipapaalam ang kasalanang nagawa ko.

ITUTULOY...

Zara's Secret Where stories live. Discover now