Chapter 28.

95 7 1
                                    

Date Published: November 19, 2021

HEAVEN

Naliligo na ko ngayon dahil sa alas-tres na ng hapon. Makikipagkita pa 'ko kay Reid mamayang alas-kwatro kaya naman kailangan ko nang maghanda.

Natapos na din naman namin ang paglilinis saka pag-aayos at ang kulang na lang ay ang mga empleyado para sa resort.

Napag-alaman namin na pina-day off sila ng mga dating may ari ng resort para hindi sila madamay sa kaguluhang nangyari kagabi.

Nang tinawagan nila dad ang mga empleyado at binalita sa kanila na may bagong nang nagmamay-ari sa resort ay agad silang nagsipuntahan dito para makilala ang bago nilang boss.

Nag-hiring din sila dad para sa mga bagong posisyon dahil sa ine-expand na kasi ang resort para sa iba pang business na pwede dito.

Ngayon ko lang nalaman na kakilala din pala nila dad sila Mr. Hart at ang iba pa. Tinawagan din kasi sila nila tito RJ para magpatayo ng branch ng business nila dito.

Kaya naman meron nang mga spa, massage, candy shops, art shops, flower shops, at iba pa dito.

"Baby? Nandito ang tuwalya mo ah?" rinig kong saad ni mom.

"Sige po, mom! Thank you," sagot ko naman at nagsara na ang pintuan. Naglagay na ko ng shampoo sa buhok at binuhusan ko na ng tubig.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Tapos na kong maligo at nagbihis na ko. Isa itong off shoulder dress na kulay light blue at above the knee ito. Meron itong design na mga bulaklak.

Nakasuot din ako ng light blue na lolita shoes na may heels. Naka-braids ang buhok ko at napangiti habang nakatingin sa salamin.

"Okay na 'to," pag-deklara ko din at naglakad na ko palabas ng kwarto. Naglakad na ko pababa at nakasalubong ko si dad sa lobby.

"You're so beautiful, baby girl," nakangiting komento niya at inayos ng onti ang damit ko.

"Be careful at kick his dick if he tries something to you, okay?" Tumango ako sa kaniya habang natawa.

"Yes po, dad. I'll kick him po kapag may ginawa siyang hindi dapat," sagot ko at hinalikan niya ko sa noo.

Maya-maya lang ay may dumating na isang pulang Ferrari 458 Italia na sasakyan. Sa pagkaka-alala ko ay isa 'yan sa mga pinakamahal na sasakyan dito sa Pilipinas.

"He's really a young billionaire because of his successful wine brands at the age of 18." Nagulat sa sinabi ni dad.

"He didn't told you yet, huh? I'm sorry, baby girl," saad niya pa at bumaba na si Reid mula sa sasakyan.

Nakasuot siya ng puting pulo at itim na slacks. Mayro'n din siyang dalang bouquet ng bulaklak at napangiti ako dahil sa ang gwapo talaga niya.

'Napakalakas din ng karisma niya,' komento ko sa isip ko.

"Hey, for you." Tinanggap ko 'yong bulaklak na binigay niya at inamoy 'yon.

"Hello, Mr. Valencia. I'm going to take your daughter home safe and sound by tomorrow morning," saad niya kay dad.

"Don't ever dare do something to my daughter or else, I'll cut your dick without second thoughts," banta ni dad at tumango si Reid sa kaniya.

The Sadist is Married to a Mafia Boss 2: The New GenerationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon