CHAPTER 6

3 1 0
                                    

Yuliana POV's

"Ay nako salamat ng marami Yumi, andami naman nito pero salamat talaga" Sabi ni manang ki mama dahil natanggap niya na ang binili sakanya ni mama.

"Ayos lang manang, yung iba diyan para sa anak niyo" Sabi ni mama ki manang habang tinitignan ang mga pinamiling gamit.

Nag usap usap pa sila tungkol sa trabaho nila at nag kamustahan sila. Gusto ko din sana makipag usap kaso pagod ako ngayon hindi ko alam kung bakit.

Agad akong nag paalam sakanila na aakyat na ako dahil nakakaramdam na ako ng pagod.

"Mama, akyat na po ako sa taas naantok na po ako eh" Sabi ko at agad akong humalik sa pisnge niya.

Hindi niya na ako sinagot dahil busy siyang makipag usap ki manang.

"Papa, akyat na po ako" Sabi ko at humalik din sa pisnge niya.

"Take a rest na sweetie" Sagot sakin at tumango na lang ako dahil busy din siya sa pag type sa laptop niya.

Kahit bakasyon nila kelangan padin nila mag trabaho sa bahay pero ganon na daw yung buhay. Kung hindi ka mag sisikap na mag trabaho wala kayong kakainin. Yan laging sinasabi sakin ni mama at papa kaya naiintindihan ko sila kung bakit nila kelangan mag trabaho pero may usapan kaming wag masyadong pagurin ang sarili at sumang ayon naman sila sa gusto naming mag kakapatid.

Pagkapasok ko pa lang sa kwarto ay nahiga agad ako sa kama at nakatingin sa kisame, madami akong naiisip pero hindi ko alam kung saan ako mag fofocus doon.

Makalipas ang ilang minutong paghiga ko, tumayo na ako para maligo. Pagkatapos kung maligo nag bihis na ako at nahiga sa kama, inopen ko laptop ko at doon na lang mag open ng social media ko.

Madaming nag Friend request sakin at puro lang naman yun mga new classmate ko, namumukhaan ko sila kaya alam ko. Conimfirm ko na lang silang lahat.

Habang nag scroll ako sa Facebook nakita ko si Dave na nag change profile, It was a first day of school din. Ang gwapo niya lalo sa picture na yun, nakapamulsa lang siya at may suot na shade habang seryoso ang mukha. Bagay na bagay sakanya yung Uniform nila. 1hr pa lang pero 1k agad yung react sa profile niya, So famous.

Chineck ko lahat ng social media niya at pinagsstalk na lang siya, dahil bored ako wala din ako magawa kasi wala naman kaming assignment kasi firstday of school pa lang.

I check his instagram acc. Andami niya naman followers napakafamous naman ng tao na'to.

@Suarez_Dave

Post: 134  Followers: 4998 Following: 1956

Tinigan ko lahat ng picture niya, yung new post niya about sa first day of school padin tapos sunod nun yung vacation nila sa Coron.

Nag scroll lang ako ng nag scroll at nung napagod na ako inoff ko na cellphone ko kaso biglang may nag notif kaya tinignan ko kung sino.

dO_Ob

Gago.

Nag dm sakin si Dave sa ig!! Agad ko yung pindot yun at mas lalo akong kinabahan dahil sa chat niyang "ARE YOU STALKING ME?" yawa!! agad kung hinanapo kung alin ba yung naheart kung picture niya! naheart ko yung naka pang basket ball siyang damit.

Diko agad siya mareplyan dahil sa kaba kaya pinakalma ko muna sarili ko bago mag type dahil baka kung ano masabi ko.

:Napindot lang yun hehehe sorry:)

Cherish Every SunsetWhere stories live. Discover now