I'M COMFORTABLE

5 0 0
                                    

Tanya's POV








Pagkatayo niya ay nagpatuloy akong mag basa ng libro.

Maya-maya ay dumating na siyang dala-dala yung inorder niya—

"Ano yan!!" Sabi ko sa gulat

"Sabi mo kasi kahit ano kasi ako naman bibili kaya ayan" Sabi niya pagkalagay ng binili niya at umupo.

Isang buong oreo cake at iced strawberry milk at iced coffee yung binili niya. Ang yaman nga. Oo mayaman nga.

"Bakit naman isang buong cake- osige yan gusto mo. Sige, salamat" Sabi ko na hindi alam ang gagawin

"Ano ba yang suot niya?" Sabi ni Krayez habang naka tingin sa labas na may nakitang babaeng naka maikling short. Sobrang ikli-

"Hmhm.. Yan yung gusto niya. Hayaan mo siya hahahah. Ayaw mo bang nakakakita ng ganyan?" Tanong ko

"Hindi naman sa ayaw. Pero hindi ako komportableng nakakakita ng ganyan" Sagot niya

"Ahhh" Sabi ko

"E ikaw? Komportable ka bang nakakakita ng mga nakasuot ng ganon?" Tanong sakin ni Krayez

"Hindi. Pero hindi ko naman sila pipigilan magsuot. Atsaka minsan lang din ako makakita ng mga nakasuot ng ganon" Sagot ko

"Pero komportable ka sakin?" Tanong niya at dahil doon nabulunan ako

"Ano bang tanong yan" Tanong ko habang pinapasa niya saakin yung tissue

"Kasi tahimik ka pag kasama mo yung mga kaibigan mo. Atsaka ang ingay mo pag kasama ako ha" Sabi niya

"Maingay ba ako? Satingin ko hindi. Parang ikaw nga yung maingay" Sabi ko

"Bakit akala mo tahimik din ako?" Tanong ni Krayez na parang curious na curious

"Oo. Kasi parang wala kang pake sa buhay ng tao kapag nakikita kita sa school" Sagot ko

"Tss. Kaya ko nga naging kaibigan si Felix kasi ganito ako. Pero wala talaga akong pake sa buhay ng iba.. Nag simula lang ito nung nakilala ko si Hana—" Napatigil sa pagsasalita si Krayez dahil alam niyang nadulas na siya kaya natawa ako

"Oooooooh~ nasabi mona wala ng bawian!!" Sabi ko

"Tss. Nahuli mo ako" Sagot nito habang sinusubo yung cake

"Bakit mo nagustuhan si Hana? Anong nagustuhan mo sakanya? Atsaka sabi mo ng dahil sakanya nag simula kanang ma-curious sa buhay ng iba" Tanong ko sabay inom ng iced strawberry milk

"Dami mong tanong ha. Okay sige sasagutin ko. Nagustuhan ko siya kasi mukha siyang mabait atsaka ang tahimik niya. Atsaka gusto ko yung ngiti niya, dahil para siyang anghel kapag ngumingiti siya. Dahil doon gusto kong malaman kung ano yung kwento ng buhay niya, siya yung unang taong naging interesado akong malaman ang buhay at nag patuloy yon nung makita ko pa kayong apat. Kilala kona si Felix kaya alam ko yung kwento ng buhay niya, nakilala kona din si Hana. Pero nung makita ko pa kayo nila Sepan, napatanong ako kung anong meron sainyo" Sagot niya

"Hmm" Pag sang ayon ko

"Pero.. Nabawasan na ng isa... Teka dalawa!" Pagpapatuloy ko

"Ha? Pano" Tanong niya

"Nalaman mona yung buhay ni Hana ng hindi mo inaasahan at kinuwento ko naman yung akin! Galing ha" Sabi ko na nagbibiro

"Alam mo ba na akala ko magiging ganto kami ni Hana" Sabi niya na ipinagtaka ko

"Ano, magiging ganito?" Tanong ko

"Ah.. Ganito, yung siya yung magkukwento ng buhay niya hindi yung malalaman ko ng kusa yung kwento niya sa mga naririnig ko" Sabi ni Krayez na parang dissapointed

LIFE OF YOUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon