---
minsan, 'di maipagkakailang
'di ka makakalayo sa himig
ng kung ano mang nasa puso,
bawat maiisip ay makakabig.minsan, kung 'di mo hinihiling,
naglalakbay nang malayuan
ang bituing minsa'y kapiling
ng mga hangad at mga paraan.minsan, magigiba't madudurog
ang mga haliging humihindi sa
kamanhiran ng mundo at emosyon.
minsan pa, mahirap tumantsa.minsan, guguho na lang bigla,
liban ang sarili, ang tadhana.
nangangapang mga sipit sa buhangin,
naghihintay ng mga malalapa.minsan, liban ang sarili, ang tadhana,
ang mundo'y mapang-api,
tatadyakan ka sa bawat hakbang
na iyong gagawin pag-uwi.minsan, magtutugma ang hilig at himig
sa simula ng paglalakbay,
ngunit malalaman mong hilig pumatay
ng mga tao ng himig ng buhay.---
YOU ARE READING
the places i've been to inside
Poetryt h e p l a c e s i ' v e b e e n t o i n s i d e ╰ a compilation of poems ╰ ongoing i am still on my journey. i do not know where this heads to, but it's all inside.