"Good morning, my name is Amber Leen Lopez. Fourteen years old."
Walang gana akong nagpakilala...unang araw pa lang ng pasukan pero tamad na tamad na ako.
'Ang boring talagang mag aral.'
Mas gugustuhin ko pang matulog maghapon kahit wala ng liguan. O kaya manood ng tv habang kumakain kahit isang beses lang ako magtootbrush Kung maisipan kesa ang maupo dito habang magkunwari na nakikinig.
'Kung bakit ba naman kasi pinipilit nila akong mag aral? Psh!'
Tamad na tamad akong naglakad pabalik sa upuan ko sa likuran saka tinatamad na tumingin sa harapan.
Hindi ako nakikinig, naglalayag ang isip ko Kung saan saan.
'Buti pa si Doggie, hindi nag aaral. Paniguradong natutulog na iyon ngayon.'
Napasimangot ako ng maimagine ko siyang nakahiga sa malambot na unan ko at sakop na sakop ang buong kama dahil Wala ako.
Hindi ko maiwasang mainggit at mas lalo akong tinamad sa lahat.
Maya maya pa ay narinig ko na ang malakas na bell na siyang gumising sa naglalayag Kong diwa. Kung ilang oras akong tulala ay Hindi ko na alam, Wala naman akong pakielam.
Nakita Kong nagsisitayuan na ang mga classmates ko, ang ilan ay lumalabas at ang Ilan naman ay kumakain na dala ang kanilang nga baon.
Ipinatong ko ang aking kanang kamay sa mesa saka nakapangalumbaba na tumitig sa pintuan.
'Lalabas ba ako? O huwag na lang? Hindi pa naman ako gutom.'
Sa huli ay tumunganga na lang ako dahil tinatamad akong lumabas ng classroom para bumili ng makakain sa canteen.
'Psh! Bakit ang tagal naman ng uwian?!'
Banas na banas akong tumingin sa relo ko. Mas lalong nalukot ang mukha ko ng may dalawang oras pa para sa uwian.
'Nakakainis!'
"Hi."
Buryong buryo akong lumingon sa nagsalita. Tumaas ang isang kilay ko.
'Kailangan mo?'
Gusto Kong itanong pero pati pagsasalita ay tinatamad ako.
"Way?" Boring na tanong ko.
"I'm Xaira." Sabay abot niya ng kamay sakin. Tamad na tamad akong tumingin sa kamay niyang nakalahad.
Hindi ko iyon tinanggap dahil tinatamad talaga ako.
"Len." walang gana Kong sagot.
"Huh?" Naguguluhang tanong niya. "Len?"
"Yah.." tamad na tamad na sagot ko saka pumikit.
Hindi ako friendly. Sa halos singkwentang school na napasukan ko at Wala akong nakasundo kahit isa, maging kaibigan pa kaya? Si Doggie lang ang tanging mahalaga sakin, Wala na.
Iniunat ko ang mga kamay ko saka tamad na tamad na humikab. Naluluha akong napatingin sa gilid ko. Nakatayo parin yung babae at takang taka siya sakin.
Pinsadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. Morena siya at hindi gaanong matangkad, siguro hanggang balikat ko lang tong babaeng to. Malinis na malinis ang plantsado niyang uniform. Hanggang bewang ang wavy niyang buhok na kulay mais. Kulay kape ang kaniyang mga mata na Hindi gaanong maliit, hindi Rin gaanong malaki. In short, katamtaman lang.
Isa lang ang masasabi ko.
'Wala akong pakielam.'
"Len ang pangalan mo?" Mahinhin na tanong niya. Ang ganda sa pandinig.
Napabuntung hininga ako. Tumingin ako sa kaniya at diretso din siyang nakatingin sa akin. Napansin ko ang pagkailang niya makalipas ang ilang sandali kung kaya siya na ang umiwas ng tingin.
"Here,"
May inilagay siyang lunch box na yellow sa lamesa ko. Tinignan ko lang iyon saka muling tumingin sa kaniya pero tipid niya lang akong nginitian saka tumalikod at bumalik sa upuan niya sa harapan.
Napahinga ako ng malalim.
'May pera ako. Psh!'
YOU ARE READING
The Battle Of Hearts
Teen FictionPlayboy bestfriends...mapagtritripan ang babaeng tamad at walang pakielam hangga't buhay ang kaniyang pusa. Magtatagumpay kaya ang dalawa? O tuluyang mahuhulog si Amber sa isa sa kanila?