"Masyado kang mabait."
'Sila ba?'
Nanatili akong nakatitig kay Kind Girl.
'Well, Wala naman akong pakielam.'
"Simpleng sorry lang naman kasi ang hinihiling nitong si Jodie, Xaira. Sana maintindihan mo." Nakangiti at malambing na sabi ng katabi ng lalaki Kay Kind Girl.
'Baka may gusto tong isa Kay Kind Girl?'
Hindi ko na talaga matatanggal ang lihim na pagiging tsismosa ko. Susme.
"Hayaan niyo na lang—"
"No!" Putol ng maarteng lalaki kay Kind Girl. "Tumayo ka diyan!"
Hindi ako umimik at nanatiling nakatingin kay KG short of Kind Girl...katamad eh.
"Ano ba! Gusto mo bang ako ang magtayo sayo?!"
'Pwede din? Haha! Pero Siguraduhin mo lang na hindi mo pagsisisihan ang paghawak sa akin.'
Napangisi ako sa isiping iyon. Maya maya lang ay naramdaman ko na ang mariing pagkakahawak sa braso ko.
Dahan dahan akong lumingon sa may bandang kanan ko saka dahan dahang tumingala. I smirked.
"You'll regret this." Mahinang Sabi ko saka mabilis na naikot ang braso saka hinawakan ang kamay niyang humawak sa akin at itinulak siya. Bahagya siyang napaatras.
'Pasalamat ka naaawa pa ako sayo.'
"Woah!!!! Cool!" Komento ng lalaking matabi niya.
Bored na bored muli akong tumingin sa kaniya na halatang nagulat pero agad ding napalitan ng inis.
"How dare you?!"
Tinitigan ko lang siya.
"Wala Kang karapatang itulak at batuhin ako! You bitch!" Inis na sigaw niya.
'Siguro spoiled tong abnoy na'to.'
"Hindi mo ako kilala!"
"I'm not interested though." Sandali pa siyang natigilan at napatitig sa akin. Hindi niya siguro inaasahan na sasagot ako, or maybe Hindi niya inaasahan ang magiging sagot ko.
"What the...ang lakas ng loob mo eh no?" Hindi ako umimik at nanatiling nakatingin lang sa kaniya. "Transferee ka lang pero Kung makaasta ka akala mo naman Kung Sino ka!"
"Ang daldal mo." Komento ko na lalong nagpainis sa kaniya.
'Ansakit sa tenga. Kalalaking tao. Psh!'
Wala na akong pakielam. Itinuon ko na lang ang paningin sa harapan at doon nakita ko ang mga estudyanteng nakatingin na sa amin. Mula Rin sa sulok ng mga mata ko ay nakita ko ang iba pa na nakatingin at nanonood din sa amin.
'Tsk! Nice!'
"Haha! Bading ka daw, Bro!" Sabat naman ng isa.
'Isa namang sipsip.'
Mukhang maganda to ah? Unang araw palang may kaaway na ako. Paniguradong malalaman to nila mommy. At least may rason na ako para huwag ng magpatuloy sa pag aaral.
"An—"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng dumating na ang teacher namin.
Nakita ko ang bahagyang pagsulyap sa akin Ni KG na may pag aalala sa mga mata saka dumiretso sa upuan niya sa harapan.
'Bakit ba ang bait niya?'
"Hindi pa tayo tapos..." Banta nito na sinadya pang dumaan sa gilid ko saka dumiretso sa upuan niya.
Napangiti ako.
'Magiging masaya 'to.'
Natapos ang pang umagang klase na Wala akong naintindihan. Nang tumunog ang bell ay Dali Dali akong tumayo saka nakipag unahang lumabas. Inunahan ko pa ang subject teacher kong lumabas sa pintuan na noon ay kasalukuyang inaayos ang kaniyang gamit sa mesa.
'Kailangan Kong makauwi kaagad.'
Kug bakit ba naman kasi isang oras lang ang lunch break? Nakakaasar.
Hindi ko na kinuha ang bag ko. Wala naman akong pakilam don. Dumiretso ako sa parking lot saka sumakay sa kotse ko. Agad Kong in start ang engine at pinaharurot iyon palayo. Limang minuto lang ng marating ko na ang condo ko. Mabilis akong bumaba at hinayaan kong nakapark ang kotse ko sa harapan ng bahay. Dumiretso ako sa loob at hindi na nag abalang isara ang pinto.
"Doggie!" Sigaw ko ng nasa Sala ako pero wala siya doon.
Agad agad akong dumiretso sa taas sa kwarto ko at pabagsak na isinara ang pinto. Napahalukipkip akong sumandal sa gilid nito at deretsong nakatingin sa ngayon ay nakadapa at tinatamad na nakatingin sa akin na si Doggie.
Tinaasan ko siya ng kilay pero gumulong lang siya patihaya.
"Meow..." Mahinang ungot niya.
'Tss.'
"Do you already eat your breakfast?" Tanong ko saka lumapit. Umupo ako sa gilid ng kama para mas lalo siyang makita. "How about your lunch?"
'Lazy Cat!'
Lumapit ako at tumunghay para maamoy siya. Lumayo ako ng bahagya saka siya tinitigan.
"Do you already take a bath?" Nakataas ang kilay na tanong ko. "Woi!" Sigaw ko sa tenga niya at napatalon siya sa gulat.
Napahagalpak ako ng tawa dahil sa ginawa ko.
"Meowwwwww!!!" Mahaba at tila nanunuway na ungot nito.
"Come here." Sinenyasan ko din siyang lumapit. Napipilitan siyang sumunod sa gusto ko. "You need to take a bath, Doggie."
Umungol siyang muli para magprotesta pero binuhat ko na siya.
'Lazy Fat Cat'
Matapos paliguan ay nagprepare ako ng makakain ni Doggie at saka nagprepare ng para sa akin.
"Let's EAT!!!" Excited na Sabi ko at sabay naming nilantakan ang pagkain.
YOU ARE READING
The Battle Of Hearts
Teen FictionPlayboy bestfriends...mapagtritripan ang babaeng tamad at walang pakielam hangga't buhay ang kaniyang pusa. Magtatagumpay kaya ang dalawa? O tuluyang mahuhulog si Amber sa isa sa kanila?