Naglalakad na ako ngayon papasok sa school habang nakasalpak sa magkabilang tenga ko ang earphone ko. Nakasuot ako ng jamper na black na pinaresan ko ng white shoes at white top na may nakalagay pang Lezz. Mabagal lang ang paglalakad ko dahil maaga pa naman at hindi pa ganon karami ang mga estudyante na naglalakad sa bawat hallway ng rooms.
Ang ilan sa kanila ay papasok pa lang, ang iba naman ay sa mismong hallway nagkwekwentuhan habang may ilan naman na sa labas nagbabasa habang nakaupo sa sahig.
Malapit na ako sa makapasok ng may makabunggo ako na papalabas sa pintuan. Sa lakas ng impact ay muntikan pa akong mapaupo mabuti na lang at mabilis akong nakabawi at naibalanse kaagad ang katawan ko.
Inayos ko ang sarili ko at napaayos ng tayo habang pinapagpagan ang damit kong hindi naman napano. Wala lang, trip ko lang baka kasi may virus na kumapit sa akin.
Nang matapos akong magpagpag para sa kaartehan ay nag angat ako ng tingin at nakita ko ang isang bulto ng lalaki na kasalukuyang tumatayo mula sa pagkakasalampak nito sa sahig at masamang nakatingin sa akin.
"Wala ka bang mata, ha?!"
'Siya na naman?'
Sa dami-rami naman ng makikita sa umaga bakit ito pang damuho na to?
"Hoy! Tinatanong kita! Kahapon ka pa ah!"
'Tss, ano na naman bang problema nito?'
"Hindi mo ba nakikita?" Banas na banas kong tanong sa kaniya. Nagtaka naman siya sa tanong ko.
"Anong hindi mo nakikita?!" Nakasigaw na namang tanong nito at halatang inis na inis na.
'Kalalaking tao laging nakasigaw. Bakla ata to eh'
"Eto." At itinuro ko ang mga mata ko sa kanya.
Mas lalo siyang nainis sa sagot ko at akmang hahawakan ako sa braso ng may pumigil sa kanya.
"Tama na yan. Babae yan eh. Tara na sa canteen." Sabi nito sabay kindat sa akin at inakbayan ang maarteng lalaking yon saka sila naunang maglakad habang tatawa tawa namang sumunod yung alagad niya.
Napabuntung hininga na lang ako ng may mga babaeng nagsisilabasan pa ng classroom nila mabati lang ang tatlo lalo na yug maarteng lalaki pero hindi niya naman pinapansin. Yung alagad niya lang ang may pa kaway pang nalalaman habang yung isa naman ay nginingitian ang bawat babaeng bumabati ng Good morning sa kanya.
Tumloy na akong pumasok sa classroom at tinanggal ko na din ang earphones ko. Kakaupo ko pa lang ng may lumapit sa akin at pag angat ko ng ulo ko ay ang magandang mukha na ni KG ang makikita kong nakangiti sa akin.
"Hi, Amber," bati nito sa akin at ang aliwalas ng mukha niya habang nakangiti. Sa sobrang ganda ng ngiti niya maging ng mukha niya ay ewan ko lang kung meron pang nakakatamggi kapag may hinihiling siya. "Good morning."
'Anong maganda sa morning?'
Gusto ko sana siyang barahin pero nakakapanghinayang naman na baka bigla siyang maging malungkot kapag ginawa ko yun kaya sa isip ko na lang.
'Sabagay, maganda naman talaga siya, mapa-morning man hanggang afternoon siguro, o baka pati sa pagtulog maganda pa din.'
"Ahm...sorry kung makulit ako ah?" Ngumiti pa ito lalo. "Gusto lang sana kasi kitang iapproach para naman may nakakausap ka kasi diba transferee ka? Kung may kailangan ka magsabi ka sakin, lalo na sa school works, tutulungan kita." Ngiting ngiti pa rin siya na halos mawala na ang mga mata niya sa panliliit nito.
"Sige." Maikling sagot ko at nakita ko namang hindi niya inaasahan ang pag sang-ayon ko sa sinabi niya kaya nanlaki pa ang mga mata niya saka napakurap-kurap sa akin. Nang medyo mahimasmasan ay mas lalo siyang napangiti.
"Amber, pwede ko bang matanong kung bakit umabsent ka kahapon ng hapon? Sayang yung mga namissed mong subjects kasi nag start na kami ng lesson eh." Paliwanag nito. Nakatingin lang ako sa kanya. At ng makalipas ang ilang segundo na hindi parin ako sumasagot ay nagsalita itong muli. "Don't worry, pahihiramin na lang kita ng notes ko para makopya mo yung mga naging lesson namin kahapon. Basahin mo na lang din yun para malaman mo. Kung may tanong ko itanong mo lang sa akin para masagot ko kaagad kung anong hindi mo naintindihan." Tumango tango lang ako sa kanya at ngumiti ng bahagya. "Wait kukunin ko lang yung notes ko." At umalis na siya para kunin iyon.
Mukhang kakailanganin ko talagang mag-aral ng mabuti. Napailing na lang ako dahil ayoko na talagang mag-aral. Kung ako nga lang ang masusunod ay hindi na ako papasok sa school at hihilata na lang maghapon magdamag sa malambot kong kamay kasama si Doggie. O kaya naman ay doon na ako titira kila Granny at Daday para mas masaya.
Ang kaso hindi pwede, mas gugustuhin din ng mga yon na mag aral ako at makapagtapos para may maganda daw akong kinabukasan. Kahit hindi naman ako mag aral may magandang future pa din naman ako sa mga kayamanang mamanahin ko sa kanila ah?
YOU ARE READING
The Battle Of Hearts
Ficção AdolescentePlayboy bestfriends...mapagtritripan ang babaeng tamad at walang pakielam hangga't buhay ang kaniyang pusa. Magtatagumpay kaya ang dalawa? O tuluyang mahuhulog si Amber sa isa sa kanila?