KABANATA 2

7 0 0
                                    

Febeuary 13, 2021

Aisle's POV

"Aisle! Bumangon kana! May balak ka bang pumasok bata ka?" Malakas na hiyaw ni mama.

Antok na antok man pero pinilit kong imulat ang mata ko. Tiningnan ko ang orasan namin na halos  kasing tanda ko na yata, pasado alas-sais na ng umaga. Alas otso pa ang pasok ko pero dahil mag-lalakad lang ako papasok ay maaga akong gumigising.

Sinuot ko ang masikip ko ng tsinelas. Tahimik pa ang buong bahay na animo ay walang nang-yaring gulo kahapon. Sanay na ako sa ganito, na para bang walang problemang dumating sa buhay ko.

"Itlog lang ang nailuto ko, maaga kasing dumating ang mga labahin ko." Sabi ni mama na nasa labas.

Sinilip ko siya at medyo madilim pa sa labas, pero hayun siya at nag-kukusot na ng mga damit na hindi naman saamin. Nalabhan na ang mga damit ng kapit-bahay pero ang tambak na labahin namin ay namamaho na sa cr, how ironic..

Umupo na ako sa plastic na upuan tulad ng lagi kong nakasanayan. Ginawa ang palaging kong routine sa umaga. Kakain, maliligo at gagayak para pumasok sa mag-hapon kong eskuwela.

"Ang tatay mo, mag-damag nanamang hindi umuwi! Ay nako talaga." Umiiling na sabi niya habang umiinom ng tubig.

May kaunting kanin pa sa kaldero at kinuha ko na 'yun, kailangan ko ng sulitin ang pag-kain ko ngayon dahil alam kong mamayang gabi pa ang ulit nito.

"Paniguradong nag-papakasaya nanaman 'yon kakainom." Dagdag pa niya.

Kung alam niya palang ganoon ang asawa niya ay paano pa siya nakakatagal? Never kong naging ideal man ang tatay ko, sino ba naman ang mangangarap na mag-karoon ng sariling asawa na ang ginawa nalang ay isipin ang sarili niya?

I'm still dreaming for a man that will respect me and love me 'till the end. Hindi 'yung lalaking sa una lang magaling, 'yung lalaking mangangako tapos ang kasunod naman ay sorry. Kahit na mahirap kami ay hindi naman ako ganoong kapangitan.

Inayos ko ang uniporme ko at humarap sa basag naming salamin, wala na kaming panahon para palitan pa 'yun dahil wala namang perang pambili ng kapalit.

May itsura ang nanay ko at mabuti na lang ay sa kaniya ako nag-mana. Maitim lang ang kulay ng balat namin pero bumawi kami sa matangos na ilong at unat na unat na buhok. Kaya siguro nahulog ang tatay ko sa nanay ko.

"Aalis na po ako." Paalam ko kay mama nung makita ko siya sa labas habang nag-kukusot ng mga labahin.

"Osige! Umuwi ka ng maaga para matulungan mo ako sa mga labahin ko ha!" Paalala pa niya sa akin.

Nanlumo naman ako sa sinabi niya, hindi pa ako nakaka-alis pero ang dami ko na agad responsibilidad na kailangang uwian. Pero wala akong karapatang mag-inarte dahil kung hindi kami tatanggap ng labahin ay wala kaming kakainin sa mga susunod na araw.

"Nay, wala pa po akong baon.." nahihiyang sabi ko sa kaniya.

Mukhang wala sa bokabularyo nito na bigyan manlang ako ng pera kahit limang piso. Buo pa ang sikwenta pesos na baon ko kahapon dahil alam kong madalang lang akong mag-karoon ng ganoong kalaking baon.

"Diba ay kakabigay ko lang sa iyo kahapon ng sikwenta?" Nakataas ang kilay na sabi niya.

Nadismaya naman ako sa sagot niya. Alam ko na ang kahulugan noon, madalas ko na yatang nadidinig ang mga linyahan ni nanay na ganoon. Mabuti na lang at naisip kong hindi kumain kahapon, kung hindi ay wala manlang akong kapera-pera ngayon.

"Aalis na po ako." Bigong sabi ko sa kaniya.

Katulad kahapon ay trenta minutos ang lalakadin ko para makarating sa eskuwelahan ko. Pasado alas siyete na at sakto lang ang alis ko.

My Valentine's (COMPLETED)Where stories live. Discover now