Sa Dulo ng Karera

175 5 1
                                    

 Wala akong maibabahagi sayo ngayon, laki kasi ako sa isang Kristiyanong pamilya; Pastor ang tatay at Pastora ang nanay ko, mga kapatid ko? Misyonero silang lahat sa china, wala pa naman silang na-encounter na masama doon. Thank God! Ako? cell group leader pa lang… 4th year High School na ako sa Victory Christian Institute. Bata pa lamang ako ay namulat na ako na si Kristo Hesus lamang ang nag-iisang daan papuntang langit, personal na relasyona t pananampalataya lamang sa Kanya ng tunay na paraan at wala ng iba.

                Anu ba ang maibabahagi ko? Hindi sa pagmamayabang pero pinagpala kaming magkakapatid na magkaroon ng magulang na magaling magpatino ng anak… mapagmahal at the best. Ang saya ng buhay, lalo na pag may Kristo sa puso. Salamat sa kanilang dalawa sa pagpapakilala sa amin kung sino Siya. Kaya ngayon walang iba kundi Siya lamang ang maipagmamalaki ko, kung hindi dahil sa perfect design Niya sa aming pamilya eh tiyak, patay… pariwara din ako.

Church.

                “Hello Mommy Monica, kamusta na po?” Ang bati ni Jessa.

                “Oh mga anak ko, kayo pala eto ayos naman medyo pagod lamang sa pinaggagawa sa school pero kayang kaya kasi we can do all things through Christ and kung hihingi tayo ng talino sa Kanya we can trust Him at hinding-hindi Siya manunumbat.” Ang sagot ko.

                “WOW.! Galing naman mommy, sana ganyan din kami.” Ang paghanga naman ni Karen.

                “Oo naman bakit hindi, basta continue praying and seek ye first God para naman maging smooth ang flow ng mga pianggagawa niyo.” Ang pag-eencourage ko.

                Nagsimula na ang service, nakakaktuwang sila ang una among makikita at masasalubong. Ang mga anak mo sa pananampalataya. Nawa’y lumaki sila na may mas takot pa sa Diyos at mabubuting tao.

Sa aking pagmamasid, overwhelming ang dami ng tao. A new opportunity to to share His love.

                “Ayoko ng matapos ang araw na ito.” Ang lagi kong dialogue tuwing magtatapos na ang araw ng linggo.

School.

                “Monica Bartolome?”

                “Present po Ma’am Jane!” ang energetic kong sagot.

                Monday morning… wala pa ring pagbabago, English ang unang subject. Importante ang pag-aaral sa ating mga buhay so habang may pang-aral go lang ng go, wag sayangin ang oppurunity, marami ang gustong mag-aral ngunit walang pagkakataon.

                “Get ¼ sheet of paper class… we will have our quiz today.”

                Ayan na! Labas naman ako ng papel, nagmamadali ako para naman mabasa ko pa ang aking mga notes sayang din ang quiz pag hindi ko naiapsa.

                Katulad ng ibang mga quiz, hindi na bago ang pagkokpyahan, pero ako sinanay ko na ang sarili ko na wag mangopya hindi baling bumagsak wag ka lang babagsak sa impyerno. Mainit dun at walang half hour o 15 minutes dun… eternity yun at ayoko!

                Pray. Basa. Sagot. Analyze. Sagot.

                (after 25 minutes.)

                “Monica, 49 over 50… very good.”

                “Yes! Ayos thank You Lord!”

Sa Dulo ng KareraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon