Storyline

286 16 38
                                    

Waiting For Love

Written by: Linlilulu

***INTRO***

Ano nga ba ang mas importante?

Brain? 

Or

Heart?

Ako kasi, silang dalwa! Common sense nayun eh! Gagana ba ang puso kung walang utak? O makakapag-isip ba si utak kung wala si puso? Diba HINDI?? 

I’m Jazzmine Manuel by the way! But just call me Minmin! A junior nerd student who’s studying in Aremed High School. Ang school na itinayo hindi lang para sa mayayaman, kundi pati na din sa mahihirap! PERO, kung mayaman ka man o mahirap ngunit di ka makakuha ng average na 85 and beyond, edi hindi ka pwede dito.

YES! That’s our school! Ang standard kasi namin ay hindi nakadipende sa kung ano yung look mo, kung mamahaling brand ba ng bag ang gamit mo, o kung galing ba sa labas ng planet earth ang mga jewelries mo! Ang tinitignan namin? Yung grades mo! Oo!

Ay este!

Bakit NAMIN? Eh, hindi naman ako kasali! I mean, I’m part of them but it doesn’t mean that I have the same point of view to what they have! Kung bakit?

 ABA ALAMIN NIYO!!

***START***

“Congrats min!"

“Aaaah thanks!”

“Yaaaaaaahh! Ang galing mo Min! Kahit seniors. Natalo mo! Astig!”

Panay greet sila sakin habang papalabas naman ako sa gate ng school. Tsk! Kanina pa sana ako nakalabas eh! Alangan namang dededmahin ko sila? 

May sports fest kasi kami kanina dito sa school laban sa ibang schools but the same time ay nagkaroon din kami ng quiz at spelling bee. Ako ang nag-champion sa quiz at spelling bee at second naman yung kaklase kong si Seth Hundalang. Pareho kaming magaling, kaso naging busy din sya sa pagiging team captain nung basketball team kaya nya di siguro natutukan ang pag-review.

 “Hehehe, magaling din naman kasi yung nag-coach sakin Reyjeanne.”  Sabi ko sa isang grade 10 na student na part sa math club kung saan ay president naman ako.

 “Holah! Si sir Catapusan yun diba? Balita ko, terror yun Min! Waaaahh! Sana ma under ako sa kanya next year!”

Yan ang astig! Ganito students dito! Mas gusto ang mga terror na teachers para daw ma challenge sila!

“Hehehe, uhmm sige! Una na ako sa inyo! Thanks ulit! Bye Reyjeanne! Kita nalang tayo mamaya.”

“Sige Min!”

Yes! Mamaya! Magpapa-victory party kasi dahil hinakot ng school namin ang halos lahat na awards ng mga event kanina.

Waiting For Love (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon