Chapter 4Nilalaro ko lang yung pen ko sa upuan habang hinihintay si ma'am. Tinatamad akong lumabas kaya nag stay na lang ako sa room.
Maya maya lang dumating na rin si ma'am kaya tumahimik na yung mga kaklase kong nagdadaldalan at nag si datingan na rin yung mga pumuntang canteen kanina. It includes zedric.
"Sorry ma'am I'm late"
"It's okay mister Castillano. You may sit down on your designated seat" ang unfair talaga ni ma'am. Pag pogi okay lang pero pag mga babae ang nalelate andami nyang dada.
"Good morning class. You are going to have a group activity that consist of 2 members and ako ang mag gugroup sa inyo para walang dayaan at para fair" Iba ibang reklamo ang narinig ko sa mga kaklase ko kasi di nila mapipili yung gusto nilang ka partner.
"Santiago... Perez"
" Dela peña... Soledad"
"Santos... Dela paz"
"Castillano...
Sana ako! Sana ako! Sana ako! Mga naririnig kong dalangin ng mga kaklase kong gustong maka partner itong katabi ko.
..... Gutcherez"
Ahhhh ako. Okay. Wait ako? Bakit ako! Napalingon ako sa katabi ko at nakangisi lang sya. Siguro ayaw nya rin akong ka partner kaya nakangisi sya.
"Sana all!!!"
"Ma'am pwede bang ako na lang po! HAHAHAHA"
Hindi sila pinansin ni ma'am kaya nagtaas ako ng kamay ko kahit na nagsasalita pa si ma'am.
"Ma'am!" Habang nakataas pa yung kamaya ko."Lopez... Yes, Ms. Gutcherez? Is there any problem?"
Tumayo na ko. "I think ma'am. Ayaw po akong maging ka partner ni Mr. Castillano"
"Mr. Castillano? Ayaw mo bang maging ka partner si Ms. Gutcherez?"
"I didn't say it ma'am. Gusto ko nga syang maging partner eh and I think my wish just came true" Sabay smirk na parang nag aasar.
Patay! Parang maghihiganti to sakin ha dahil sa pagpapahiya ko sa kanya nung nakaraan.
"Wala namang problema kay Mr. Castillano Ms. Gutcherez. So, you may seat down now" Umupo na lang ako
"Ang arte naman nya. Ang swerte na nga nyang ka partner nya si Zedric nag rereklamo pa" Bulong ng impaktita kong mga kaklase. Eh di sana sabihin nyo kay ma'am na kayo na lang sa pwesto ko. As if naman gusto ko tong maging ka partner no. Oo at crush ko sya pero ang kapal ng mukha nya.
Natapos na si ma'am magtawag ng magiging mag partner sa activity na to.
"Mag research kayo ng tungkol sa history ng Bulacan. Kahit na anong parte at lugar sa bulacan at pupuntahan nyo to for more better understanding. I expect that your activity will be done next week. So, you only have this week to prepare it. Don't forget to take pictures for documentations. Is there any question?"
Nag raise ng hand yung isa kong kaklase. Sino nga ba sya? Ewan ko. Wala naman akong pake eh.
" Alam po ba to ng mga magulang namin ma'am?" Oo nga no, di ko pa alam kung papayagan ako ni mama lalo't lalaki yung ka partner ko. " I will make a letter to your parents about this activity. If ever that I heard that you did something horrible and having unpleasant behaviors towards to your partners, you will face consequence that you will regret. So, better cooperate to him or her so that this activity will not burden you. Is there still a question?"
A deafening silence surrounds us.
"I believe that this silence is an answer that you will cooperate to your partner and I believe that everyone of you can do it. Just think that this activity will also serve as a mind cleanser to all of you. If you have minds" Sabay tawa ni ma'am "kidding aside. Class Dismiss" then gumora na si ma'am.
YOU ARE READING
A Glimpse Of Memory (On-going)
RomanceVandienelope Gutcherez is a perfect definition of a woman who are studying hard and yet maharot. Her life is perfect until she met Mr. Neon Zedric Castillano who will ruin it and made a big scar on her heart that results of losing control on hersel...