Chapter 2KINAUMAGAHAN nung lunes ginawa ko na yung routine ko. Naligo muna ko bago ako bumaba.
"Good morning ma" sabay halik sa pisngi nya.
"Ang aga pa ha. Papasok ka na agad?" Tanong sakin ni mama kasi na ka uniform na ko at ready to go na"
"Opo ma. Oo nga po pala ma, bat di nyo po ako ginising kagabi?" Umupo na ko sa upuan ko habang naghahain si mama. Pagkahain ni mama, kumuha lang ako ng fried rice at hotdog tsaka kumain na ng mabilis. Kailangan kong makapunta sa school ng maaga.
"Ang sarap kasi ng tulog mo eh kaya di na kita ginising"
"Ahh ganun po ba"
"Sige po ma, alis na po ako. Bye" Uminom muna ko ng tubig tsaka hinalikan ko na si mama sa pisngi.
Tumayo na ko at lumabas para sumakay na sa kotse ko. Mabuti na lang hindi heavy traffic ngayon kasi maaga pa. Ito talaga ang dahilan kung bakit ako maagang pumapasok, ayokong ma stranded at pag nag stranded syempre malelate ako. Ayoko pa namang malate pag kay ma'am Buenavista kasi di ka na papasukin. So, within 45 minutes nakarating na ko sa school. Pinark ko muna yung sasakyan ko sa parking lot.
Habang naglalakad ako sa hallway yung mga babae parang mga ewan kaya di ko na lang pinansin. Pagpasok ko sa room, nagkakagulo yung mga kaklase ko.
"Yahhh!!! Nakita nyo ba yung transfereeee!!! Shit ang pogii"
"Sinabi mo pa girl, nako pag naging kaklase natin yun. Gagawin ko ang lahat para magustuhan nya ko!!! Yahhh" kung makatili naman tong mga to kala mo kinakatay.
Umupo na ko sa upuan ko. Tinanong ko si caddie kung anong nangyayari kasi yung mga kaklase namin parang mga kiti kiti.
"Cadd's anong nangyayari? Bakit puro tumitili ang mga tao dito? Ang sakit sa tenga eh. Nakakarindi"
"Kasi Vand's, may bagong transferee dito. Eh alam mo naman yang mga babaitang yan, pag may pogi naghuhugis puso yung mga mata"
Inirapan ko na lang sya. Yung mga kaklase ko namang mga babae, di parin humihinto sa pagbubulungan at pag kwekwentuhan tungkol dun sa transferee. So, habang wala pa yung prof namin, nagbasa muna ko ng libro at binasa ko na rin yung last namin na discussion. Baka mamaya mag pa recitation na naman si ma'am. Tulad nung nakaraan bigla syang nag pa recite tungkol sa diniscuss nya nung nakaraan. Lahat ng mga kaklase ko biglang kinabahan, syempre kasama na rin ako no. Di pa naman ako nag review nun pero mabuti na lang di ako natawag at mabuti na lang pinakinggan ni lord yung dasal ko na di ako matawag ng araw na yun.
Maya maya lang dumating na si ma'am kaya pansamantalang nahinto yung pag dadaldalan ng mga kaklase ko.
"Okay class, bago tayo magsimula ng klase. I'd like you to meet your new classmate" tapos tumingin si ma'am sa may pinto. Di ko napansin yung pumasok kasi kinukuha ko yung notebook ko sa bag ko.
"Yahhhh, oh my gosh!!!"
"Yahhh"
"Oh my gosh sis hihimatayin na yata ako!!"
"Wahhh! Ang swerte swerte natin girl, kaklase natin sya wahhh!"
"Students quiet! Okay iho magpakilala ka na"
Parang huminto yung mundo ko nung nakita ko kung sino yung bago naming kaklase. All these years wala kong narinig na balita tungkol sa kanya tapos ngayon bigla syang susulpot.
"Hi, I'm Neon Zedric Castillano. Nice to meet you all"
Parang walang nagbago sa muka nya. Gwapo pa rin-the same face that I fell in love years ago. Tumangkad sya, mas lalong nakita yung hubog ng katawan nya. Maganda na rin naman na yung katawan nya dati pero iba ngayon eh mas lalong gumanda. Clean cut yung hair nya and those brown eyes. Fuck! Those brown eyes that always captivated me. Yung ingay ng classroom biglang nawala at ang tanging naririnig ko na lang ay ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa kanya pero nawala ako sa pagtitig sa kanya nung magsalita si ma'am.
YOU ARE READING
A Glimpse Of Memory (On-going)
RomanceVandienelope Gutcherez is a perfect definition of a woman who are studying hard and yet maharot. Her life is perfect until she met Mr. Neon Zedric Castillano who will ruin it and made a big scar on her heart that results of losing control on hersel...