Oh aking Sinta

5 0 0
                                    

Oh aking Sinta,
Tula ko'y magustuhan sana,
Kaya halika't dinggin na,
Tiyak mapapaibig ka.

Oh aking sinta, maaamo mong mukha,
Masilaya'y ano't ako'y napapangiti pa,
Kislap ng iyong mga mata'y,
Daig pa ang Crystal sa ganda.

Iyong mapupulang labi, kapag ngumit,
Ano't puso ko'y napapatili,
Tuwing pangalan mo'y binabanggit,
Ako'y parang baliw na kinikilig.

Buwan at araw aking iaalay,
Matamis mong “Oo” sana'y ibigay,
Bulubundukin aking tatahakin,
Puso mo lamang ay maangkin.

Oh Diyos ko! Puso ng babaeng aking hinihiling,
Sana'y mapasakin,
Sana'y aking hinihiling,
Iyong tuparin.

Oh aking sinta,
Tula ko'y naantig ka sana,
Matamis mong “Oo” sana'y ibigay na,
Pagmamahal ko'y napasaiyo na.

——————————————————
_________________

Hijo de padre y madre ♡

(A/N: This poem is all about ahm...Isang lalaking tumutula sa kaniyang liniligawan at hinahangad ang matamis na “Oo” ng kaniyang iniibig)

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon