Chap 7~Meeting Mr.Antipatiko

29 1 1
                                    

A/N; Guys sorry for the verryyyy late update. Jinjja mianhe...Sobrang busy ko lang ngayon sa school. Pls. bear with it. Babawi po ko and sorry sa typos. So here's my update...

***********************************************************************

Jayne's POV

My day passed by like a blur. Nakakapagod naman itong araw na ito. Gusto niyo bang malaman ang nangyari kanina?

*Flashback

"Hey there, we met again." bulong niya. Dahan dahan akong humarap sa kanya at bigyan siya ng akward smile.

" A hehehe h-hi" sagot ko nalang. After our conversation hindi ko na siya pinansin.Nothing happened naman kanina.BORING lang kaya ayoko ng bigyan ng detalye.

*End of flashback

Papalapit nako sa bahay namin ng makakita ako ng isang truck na pang karga sa mga gamit kapag lilipat ng bahay. Nagtaka naman ako at nagkamot. Matagal na kasing walang nakatira sa katabi naming bahay. Matagal ng nagmigrate ang pamilya ni Mr. Villanueva. Malaki at maganda ang bahay kaya masarap sigurong tumira diyan. Pumasok nako at dumiretso sa aking kwarto. Nagpalit nako ng pambahay at nag online sa FB. Wala naman akong masiyadong ginawa, nag-accept lang ako ng mga friends at nagstatus. Pagkatapos ay napagdesisyonan kong magoffline at bumaba para kumain,gutom na kashi akuu >3< Pagkababa ko dumiretso ako sa kusina,pero nadismaya ako ng WALA akong makitang pagkain....Wala akong choice kundi ang bumili kanila aling Rosing. Lumabas ako ng bahay at nagsimulang maglakad papuntang sari-sari store. Bumili ako ng piattos at coke. Habang pabalik ako sa bahay napatigil ako. Napagisip-isip ko na sa park nalang ako dumiretso since wala naman akong magagawa sa bahay kundi ang tumunganga. Malaki laki rin itong park namin. Nakalocate ito sa center ng subdivision. Kapag nalulungkot ako, dito ko lang naririlease ang sadness ko...Pagkadating ko sa park, umupo ako sa swing at sinimulang lantakan ang merienda ko. Hayy...ang sarap pagmasdan ang mga batang naglalaro. Seeing them happy and innocent at the same time makes me happy too...Nakawawala lang ng stress. Ang sarap maging bata no? Yung feeling na wala kang pakialam sa mundo? Yung wala kang prinoproblema? Yun bang puro paglalaro lang ang alam mo? Hayy I miss my childhood memories...Then suddenly naala ko na naman siya..

*Flashback 10 years ago

"Huhuhuhu ang sama niyo talaga!" umiiyak na sabi ko noon. Binubully na naman ako nila katkat. Wala talaga silang magawang matino sa buhay nila. Binali lang naman nila ang ulo ng barbie doll ko.

"Bagay lang yan sa doll mo,total ugly siya edi ugly ka rin hahahahaha PANGET!!!" sabi ni Katkat.

"Oo nga ugly na,LOSER pa!!!" sabi pa ng kaniyang kaibigan na si Lottie.Hindi nalang ako nanlaban. Umiyak nalng ako ng umiyak hanggang sa may narinig akong sumigaw...

"Hoy pabayaan nyo siya!Sige kayo,ipapakain ko kayo sa aso ko" sigaw ng isang batang lalaki. Natakot naman si Katkat at Lottie kaya naman kumaripas na sila ng takbo. Lumapit naman sakin yung lalaki at tinulungan akong tumayo. 

"OK kana? Tumahan kana sa pagiyak mas pumapanget ka eh" sabi niya. Sinamaan ko naman agad siya ng tingin.

"Joke lang, ito naman. Pero sa totoo lang mas maganda ka kapag nakangiti." Sabi niya habang nakangiti. Medyo tumahan naman ako at unti-unting ngumiti.

"O diba ang ganda mo oh." sabi niya sabay kurot sa cheeks ko. Medyo namula naman ako. Napansin namn niya ang barbie doll ko. Kinuha niya ito at bigla nalang siya naglabas ng scotchtape. Pagkatapos niyang inayos ang ulo ni barbie binigay niya ito sakin.

"Buti nalang boy scout ako hehehe. O ayan, Ayos na siya." sabi niya.

"Salamat talaga." sabi ko sa kanya with matching todo ngiti. Simula noon naging 'super' friends kami. Palagi kaming naglalaro at sabay kaming kumain ng ice cream.Pero isang araw, nabalitaan ko nalang na umalis sila papuntang States. Nalungkot talaga ako ng husto.Siya kasi ang kauna-unahang friend ko...Simula nun wala na akong balita tungkol sa kanya...

*End of Flasback


Hayy kamusta na kaya siya? Anu na kaya ang iysura niya? Maalala pa kaya niya ko? Hayy naku, makauwi na nga lang,baka sumabog pa ulo ko sa kakaisip. Habang naglalakad ako, mukhang lutang parin ang isip ko kaya hindi ko napansin ang isang lalaking nagbabike.

"Miss tabi diyan!!!" sigaw niya. Pagkatingin ko sa direksyon niya lumaki agad ang mga mata ko. Malapit na siya kaya wala akong oras para makaiwas kaya....natamaan ako ng bike at sabay kaming natumba sa lupa. ANG SHAKITT!!!! T_T sinubukan kong tumayo at fortunately nakatayo naman ako....Tiningnan ko yung lalaki at nakatingin rin siya sakin...ng masama.

"Sa susunod kasi wag kang tatanga-tanga!" Sigaw niya at agad na nagbike paalis. Aba't ANTIPATIKONG yon!!!!!!!!!!!!! Sasabat pa sana ako eh. GRRRR BWISIT YON!!!!

"BWISIT KA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!." naiinis kong sigaw. Dumiretso nako sa bahay na sobrangggggg badtrip. Humanda yong lalaking yon. HUMANDA TALAGA SIYA!!!!!

DESTINY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon