CHAPTER 1

5 1 0
                                    

Nag lalakad ako ngayon kasama ko ang mga kaibigan ko papuntang canteen. Nagtatawanan kami at nag aasaran sa isa't isa. Nang tumabi sakin si elli.

Jan, ano ang bibilhin mo?. Tanong niya sakin.

Kahit ano nalang dun. Sagot ko saka tumingin sa kanya. Ano ba ang saiyo?
Ani ko.

Ewan ko. Kahit ano nalang din. Aniya sabay tawa.

Parang naging hobby na talaga naming dalawa ito na magtanong kung ano ang gusto ng isa't isa tapos ang ending hindi rin naman pala namin alam ang bibilhin.

Nga pala, ano ba ang next subject natin ngayon?. Tanong ni miley

Alam ko vacant natin eh. Sagot ni Joan

Talaga? Walang tayong classe ngayon?  Sabi ni Sam

Oo nga, wala nga tayong classe ngayon. Hello vacant po natin kapag Friday sa t.l.e.  Sabi ni Joan

Pagkatapos natin bumili dito mag libot libot muna tayo tapos hanap na din tayo ng matatambayan muna. Sabi ko.

Oo nga, wag lang sa field dahil maraming tao dun ngayon break time kasi. Ani ni Issey

Pumila na kami at nakabili nadin ng mga pagkain. Lumabas na din agad kami sa canteen dahil ang daming tao.

Magkaharap pa naman ang gym at tsaka canteen tapus sa gilid nang gym ay ang  food court din.  At sa kabilang gilid din ng gym ay ang football field naman.

Kaya kapag breaktime or kapag walang classe ang iba ay tumatambay sila sa gym at football field. Tsaka ang lapit nadin kasi sa canteen at food court kaya easy to go and buy.

Dumaan kami sa gym at nag titingin tingin sa mga taong dumadaan at may  mga kanya kanyang pinag gagawa. Ang iba ay nag ba basketball. Ang iba naman nag hahabulan, nag lalaro ng Volleyball at nag tatawan.

Ng dumadaan nakami sa english building ay tumitingin parin ako sa mga tao hindi na ako nakikinig sa mga kwentohan ng mga kaibigan ko.

Napa tingin ako sa isang classroom doon sa may first floor katabi lang din ng hagdan. Nang lumabas doon ang isang lalaki. Medyo singkit ang mata, Maputi, may mapupulang labi, naka under cut ang kanyang buhok na mas bumagay sa kanya.

Nakangiti siyang lumabas at pumunta sa kanyang mga kaklase na nasa labas din.

Naka suot siya ng uniform. At naka sabit sa kanyang leeg ang kanyang ID na kulay pula pa ang lace.

Third year. Sabi ko sa isip ko.

Tinitignan ko parin siya. Hindi ko ma alis ang tingin ko sa kanya. Naputol lang ang tingin ko sa kanya ng muntik na akong madapa.

Nakakahiya naman, anu bayan ang dami pa namang tumitingin.

Nilingon ako ng mga kaibigan ko.

Okay kalang Jan? Parang lutang ka eh. Si Sam.

Ngumiti ako ng pilit sa kanya. Oo, okay lang ako.

Bat kaba  muntik madapa? Sino ba tinitignan mo? Tanong ni ellii. Sabay lingon doon sa lalaking hanggang ngayon nakikipag usap parin sa mga kaklase  niya.

Lumingon din ako doon sa lalaki tsaka tinignan ulit si ellii.  Wala naman may naalala lang ako.

Tinignan ako ni Issey ng ma pang asar na tingin. Talaga ba? Hmmm. Sabay tawa niya

Hay halata ba? Tinitignan ko lang naman siya ah hindi ko naman alam na muntik na akong madapa. Ang tanga ko talaga.

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya.

Hali na kayo punta nalang tayo sa field. Aya ko sa kanila.

Pero hindi nila pinansin ang sinabi ko. Sabihin mo muna kung sino ang tinitignan mo. Tanong ni joan

Wala nga ang kulit ha. Ani ko.

Ah siguro yung lalaking yun no? Sabay turo ni Joan dun sa lalaki

Na alarma naman ako doon. At tinuro niya pa. Nakakahiya baka makita siya at kung ano pa ang isipin nun.

Tinapik ko ang kamay niyang naka turo doon sa lalaki.  Ano ba? Umayos nga kayo, Nakakahiya baka ano ang isipin ng lalaki kung makita ka niya na tuturo mo siya.

Eh sino ba talaga ang tinitigna mo? Tanong ni elli

Wala nga. Sagot ko

Weh? Yung totoo. Tanong ni miley

Hindi tayo aalis dito hanggat hindi mo sinasabi. Sabi ni Joan

Napa buntong hininga nalang ako. Ang kulit nila ano bayan.

Fine! Okay! Yung lalaki, yung tinuro ni Joan ang tinitignan ko okay na? Alam niyo na Hali nakayo. Aya ko sa kanila.

Akala ko sasama na sila saakin pero nag tinginan pa silang apat na parang nag kakaintindihan. At laking gulat ko ng Sabay Sabay silang sumigaw ng

Kuya! Crush ka ng kaibigan namin!!

HIGH SCHOOL MEMORIESWhere stories live. Discover now