Eloisa's POV
Napaka tahimik nila kaya nag hanap muna ako ng pedeng basahin sa Wattpad mwehehe
"Juliane di'ba nag babasa ka ng wattpad?" tanong ko
"Yeah, why?"
"Anong magandang basahin? hehe"
"uhmm wait.." aniya habang may hinahanap sa kanyang phone "I LOVE YOU ARA" nakangising sabi nya
"Love story ba yun? Nakakakilig? Pa spoil!" sabi ko
"Basahin mo nalang, maganda yun!" nakangisi uling sabi nya.
Tae yata to, ngingisi ngisi neto
"Mamaya ko nalang hahanapin, wala akong load" nakangusong sabi ko
Napatigil kami sa paglalakad ng makita naming napaupo si Arah dahil may bumangga sa kanya
"Awt" Arah
Sino ba yan di man lang tumingin sa dinadaanan,tsk!
Akma akong lalapit ng marealize ko na si
"Vincent" bulong ko
Takte! Bakit sa dami ng makakabangga ni Arah! Yung ex nya pa! Tss!
Yes! He's ex of Arah!
"Sorry Miss." aalalayan nya sanang tumayo si Arah na mapagtanto nya kung sino ito
Kinusot kusot ni Arah ang kanyang mata na akala nya ay namamalik mata lang sya~
"Arah" sambit ni Vince sa pangalan ni Arah
"HOY IKAW! TUMINGIN KA SA DINADAANAN MO NABUBUNGGO MO TULOY SI ARAH!" biglang sigaw ni Juliane kay Vince
Di nya nga pa pala alam..
Nagulat naman kami dahil biglang tumayo si Arah at tumakbo papalayo sa amin
Yeah i know, di pa sya nakaka move on hayss.. Kilala na kita Arah alam kong di ka pa nakakamove on kay Vince
"OYYY!! ARAHH!!
"ARAHH!!!"Sabay na sigaw namin ni Juliane
Di na namin sya sinundan dahil ang layo na nya samin.. Napatingin naman ako kay Vincent na nakatulala lang sa daan na tinakbuhan ni Arah
"Eloisa.. Eli.." Tsk! Pagtingin ko kay Eli na napakasama ng tingin nya kay Vince
Sa aming tatlo, si Eli ang pinaka close ni Arah dahil bata palang sila ay magkasama nila. Okay lang naman saken dahil alam kong pantay lang tingin nya samen..
"Sorry" hingi nya ng pasensya sa'min
"EH BAKIT SA'MIN KA NAHINGI NG SORRY?! SI ARAH BA KAMI? KAMI BA NABUNGGO MO?" sigaw ko sa kanya
"Hindi para jan.. Sorry kase sinaktan ko best friend nyo kahit pinangako ko na hindi ko sya sasaktan,sorry dahil iniwan ko sya" nakatungong sabi nya
'FLASHBACK'
"HOY! IKAW VINCENT JAMES RIVERA! WAG MONG SASAKTAN YANG BESTFRIEND NAMIN HA?! KUNG SASAKTAN MO YAN! IHANDA MO YANG MUKHA MO! BABASAGIN KO YAN!!!" banta ko sa kanya habang nakataas ang isang kamay ko na handa ng ipang sapak sa kanya
Ang tae, nakangiti lang habang nakatingin kay Arah na halatang naiilang nasa titig ng Vincent. Pwe! Kapag ako nagkajowa! Talagang! Tse!
"Hoy Vincent! Nakikinig ka ba ha?!" sabay hampas sa braso nya. Nigigigil ako neto e!
"Wag ka ngang OA jan Eloisa! HAHAHA para kang Nanay nyan ni Arah kung makapag react! HAHAH" tatawa tawang suway ni Eli saken
"oo nga bhie wag kang OA ha?! Di ako sasaktan nyang si Vince! HAHA" singit naman ni Arah!
YOU ARE READING
I'M OKAY
Novela JuvenilSometimes you really pretend that you are fine, even though the truth is that you are already hurting a lot, but the day will come when all the pain we have suffered will disappear and our hearts will love again