FEELINGS FADE AWAY, DOES IT? (PART 1)

11 0 0
                                    


Gigil na gigil kong pinaghahampas ang mga halaman na nadadaanan ko. Hindi nagtagal ay natigil iyon kasabay ng paglalakad ko.

Bakit ba hindi ako magustuhan ni Inigo?

Sexy naman ako. Maganda. Cute kapag may bangs. Matangkad. Maputi. Mabait. Clear skin. At higit sa lahat, patay na patay sa kaniya!

Why can't he like me?

Three years ko na siyang crush tapos hindi man lang ako matingnan ng gago!

Tatlong taon ang dumaan at iba't ibang babae na rin ang dumaan sa kaniya tapos ako? Ano? Deadma?!

Bumuga ako ng hangin bago napatingin sa harapan. Papalubog na ang araw dahil kauuwi ko lang galing sa school. It was our last day to celebrate our Intrams. Kung saan ako nireject ni Inigo sa harap ng maraming tao. Kung saan ko nakita kung paano ako pinagtawanan ng mga tao dahil sa kagagahan ko.

Kagagahan ko? O kagaguhan ni Inigo?

Ang araw ay paunti-unti nang nawawala at naghahanda ng lamunin ng kadiliman.

Pumulot ako ng isang bato bago lumapit sa railings. Nasa baba noon ang isang ilog na kung tawagin ay Dandelion. Hindi ko alam kung saan napulot iyon ng mga kapitbahay ko pero iyon ang tawag diyan.

"Tinataga ko sa bato, kasabay ng tuluyang paglubog ng araw at ng batong ito ay siyang pagkawala ng feelings ko kay Inigo Quizon." I whispered before throwing the stone to the river.

Lumipas ang weekend at tuluyan ng nagpakita si Monday. Pagkatapos kong magpaalam sa mga magulang ko ay lumabas na ako para pumasok sa eskwela. Kung dati ay may inaabangan pa akong lumabas na tao sa harap ng aming bahay, hindi na ngayon. Ang bahay ni Inigo ay kaharap lang ng bahay namin. Doon ko siya nakilala. Bagong lipat sila at sobrang pogi niya.

Ngayon, hindi na.

Nakita kong nasa labas ng bahay nila ang mga tropa niya kasama si Gesille. His rumored girlfriend na laging totoo dahil sa kalandian niya. Nakita kong lumabas na siya ng bahay nila at napatingin sa banda ko.

I didn't mind him, of course. Move on na ako, gago ka.

"Oh, nandito pala si Leslie eh!" Silver exclaimed upon seeing me. I just nod my head as a greeting and continued to walk. Naramdaman kong nakatitig pa rin sila sa akin mula sa likod pero hindi ko na iyon pinansin pa.

Inaya pa nila akong sumabay sa kanila pero tinaas ko lang ang kamay ko bago iyon ginalaw as if dismissing them.

Nakarating ako ng school pagkatapos ng sampung minuto. Hindi ko na pinansin ang mga pang-aasar ng mga estudyante simula ng pumasok ako sa paaralan. I sighed.

Dadaan muna ako ng locker bago pumunta sa room. Ang bigat ng mga libro sa Calculus.

When I went there, I saw a peasant standing beside my locker. Hindi ko iyon pinansin bago binuksan ang locker ko through a passcode.

1013.

"You still have that passcode?" He clicked his tounge and raised a brow.

"Obviously."

"That's the day when we first met, right? Iyon ba ang dahilan?"

Sinara ko ang locker ko bago siya tinitigan sa mata. Matunog akong ngumisi. He dropped his eyes to my lips before going up with my gray ones.

"It's my damn birthday. Hindi lahat ng bagay ay tungkol sayo. You should always remember that."

Iniwan ko na siya roon bago pumasok sa una kong klase. I went to my seat and settled comfortably. Maganda na sana kung wala lang nagsalita.

ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon