Chapter One

38 2 2
                                    

Masayang masaya ang thompson family ng sa wakas ay makarating na sila sa bahay kasama si Maxine at Angie na tyahin ng dalaga. Matagal nilang hindi nakasama ang dalaga simula ng manirahan ito sa paris kasama ni angie na kapatid ng papa niya. Umuuwi man tuwing bakasayon ay hindi sapat yon dahil saglit lang din naman ang inilalagi ng dalaga sa bahay nila sa pilipinas at tutungo na uli sa paris dahil sa pag aaral nito doon. Kaya naman pinagyayakap ito ng kaniyang mga magulang na animo'y ayaw ng pakawalan sa pagkakayakap. Maging ang kakambal nitong si maddison ay sumali narin sa pagyakap kay maxine.

Napapangiti nalang Si Angie habang tinitingnan ang mag anak na nakayakap sa isat isa.
"Baka naman hindi na makahinga si Maxine niyan," ngumiti muna ito at lumapit narin sa kanila. "Pa-hug nga din, namiss ko din kayo. Miss na miss namin kayo ni maxine." Halos mangiyak ngiyak nitong sabi.

Si Angie ay kapatid ng daddy ni Maxine. Isang Nurse sa isang malaking hospital sa paris, nagfile siya ng dalawang linggong leave para makasama siya kay maxine pauwi ng pilipinas. Habang nakayakap siya sa sakanila ay bigla syang natigilan ng biglang sumakit ang balakang pababa ng likod niya. Nasapo niya ito at halos di na maipinta ang mukha nya sa sakit. Napansin naman agad ito ng Mama ni Maxine.

"Angie okay ka lang?" Bumitaw ito sa pagyakap kay maxine at mabilis na hinawakan nito sa braso si angie.

Napatingin naman sila maxine sa dalawa. "Okay lang ako ate Mila. Dala lang ito ng pagod" at ngumiti siya agad habang iniinda ang sakit.

"Are you sure?" Nag aalalang tanong ni Mila.

Tumango naman si Angie at ngumiti s kabila ng sakit na nararamdaman. Nilapitan siya ni maxine. "Sure ka tita?" Naniniguradong tanong ni maxine. Tumango naman at ngumiti si angie. "Yeah. Don't worry malakas pa ako sa kalabaw and you know that!" Sabay kindat pa nito.

"Sinabi ko naman kasi sayo angelita dito ka nalang sa pilipinas magtrabaho ng malapit ka sa amin." Mahinahon namang sabi ng papa ni maxine. Sabay akbay nito sa nakakabatang kapatid.

"Kuya, you know my work is there. And I'm really happy for what I'am right now. Pangarap ko to di ba? Do you remember when i told you that i want to work in paris? Sa isang malaking hospital sa paris. Ito na yon." Nakangiting sabi pa nito sabay tingin sa kanila.

"Ou pangarap mo yan, pero di ka ba nalulungkot na mag isa ka lang? I mean you have to build your own family. Nag aalala lang ako na baka isang araw maisip mo na di ka talaga masaya, na kailangan mo din bumuo ng isang pamilya." Seryosong sabi naman ng

"Ou nga po tita tama si dad. Nasaan na ba max si tito Samuel-" napatigil sa pag diretsong pagsasalita si maddison ng mapatingin siya kay max at nilakihan pa sya nito ng mata. Napakamot si maddi sa ulo at nagkunwareng nagugutom na.
"Ma, nasan ba yong lumpia? Nagugutom na ako eh," sabay kapa pa nito sa kaniyang tiyan at nagpunta na sa lamesa na may nakahandang mga pagkain.

"Binibiro ka lang ng pamangkin mo"

" I know kuya. " ngumiti ito at umakbay sa kapatid.

"Pero nasaan na nga ba yon si samuel?" Natatawang tanong pa ni Arman sa kapatid.

"Kuya!" Mabilis na hinampas ni angie si arman sa braso. Animo'y nahihiya siya ng marinig ang pangalan ng kaniyang first love.

"First love never dies." Sabi pa ni arman at ginulo ang buhok ni angie.

"Dad, ang sa inyo lang un ni mom!" Singit naman ni max sa usapan.

"Well, i love your mom very much that's why i fight for her kahit habulin pa ako dati ng samurai ng lolo niyo." Napatawa pa ito sa nasabi niya.

My Mischievous TwinWhere stories live. Discover now