𝐽𝑜𝑢𝑟𝑛𝑒𝑦 𝑇𝑜 𝑇ℎ𝑒 𝑀𝑎𝑔𝑖𝑐𝑎𝑙 𝐹𝑟𝑖𝑒𝑛𝑠ℎ𝑖𝑝

2 2 0
                                    

𝑰'𝒎 𝒍𝒊𝒌𝒆 𝒂 𝒘𝒂𝒕𝒆𝒓 𝒘𝒉𝒆𝒏 𝒚𝒐𝒖𝒓 𝒔𝒉𝒊𝒑 𝒓𝒐𝒍𝒍𝒆𝒅 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒊𝒈𝒉𝒕
𝑹𝒐𝒖𝒈𝒉 𝒐𝒏 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒖𝒓𝒇𝒂𝒄𝒆, 𝒃𝒖𝒕 𝒚𝒐𝒖 𝒄𝒖𝒕 𝒕𝒉𝒓𝒐𝒖𝒈𝒉 𝒍𝒊𝒌𝒆 𝒂 𝒌𝒏𝒊𝒇𝒆...

Kasalukuyan kong binabagtas ang daan na minsan ko ng pinaglaanan ng halos kalahati ng aking buhay. Ang paligid ay talagang napaka-pamilyar... tila ba'y walang nagbago. Nandito parin ang mga halaman ni Mrs. Berg na minsan na nam– ko nang pinaglaruan at inalagaan.

Patagal ng patagal ay mas lalong dumarami ang mga ala-ala na pumapasok sa aking isipan. Para bang muli akong humakbang sa nakaraan, wala na akong ibang nakikita kundi ang dating lugar kung saan ako lumaki at naging masaya ng lubos. Para bang ang kani-kanilang na malamig at maputlang lugar ay nawala na... tuluyan na itong binalut ng malagintong liwanag.
Ang ganda, sobrang ganda.

Muli kong inihakbang ang aking mga paa pero nagulat ako sa nagawa nitong tunog. Napalingon ako dito't gumuhit na lamang ang ngite sa aking mga labi. Nakakatuwa, para bang kilan lang pagbaba ko ng taxi ay naka-flip-flops pa ako pero ngayo'y suot ko na naman ang dati kong kulay pulang sapatus. At tignan mo nga ba't pati pala damit ko'y nag-iba na. Napayakap ako sa aking sarili't muling dinamdam ang napaka-lambot kong suot na damit.

"𝑁𝑎-𝑚𝑖𝑠𝑠 𝑘𝑖𝑡𝑎" bulong ko sa hangin.

Muli akong naglakad, at sa bawat hakbang ko'y nadidinig ko na naman ang musika ng kanilang mga tawanan, pero nang aking lingunin ang pinanggagalingan nito'y wala naman akong nakita, 𝑘𝑎𝑘𝑎𝑖𝑏𝑎.

Akala ko ba'y kumupas na ang lugar na ito't nakalimutan na ng kasaysayan pero bakit napaka-ganda parin. Tila ba'y wala namang nagbago.

Sa bawat pagtunog ng takong na suot ko'y siya ring pagbukad ng mga bulaklak dito sa gulid ng daan na aking dinadaanan, parang lumulukso ang puso ko sa bawat imahe na aking nakikita, sobrang na-miss ko ang lugar na ito. Ilang taon ko na ba itong hindi na sisilayan... tatlo? lima? hindi ko na matandaan.

Marahan akong huminto nang matanaw ko na ang isang malaking bahay. Pero nang ibaling ko ang aking buong tingin dito'y bigla na lang itong nawala at napalitan ng isang puno... ng isang wilow.

Mabilis na sinaksak ng sakit at hapdi ang puso ko dahilan para tumulo sa madahong lupa ang iilan sa aking mga luha. Bakit ganito? bakit wala na sila... bakit wala na 𝑠𝑖𝑦𝑎.

Muli kong inilibot ang aking paningin sa buong lugar, kung kanina'y kulay ginto ang kapaligiran, ngayo'y sinlamig na naman ng bangkay. Unti-unti ng dumidilim ang lugar at iilang minuto na lang ay maiiwan na naman ako dito... dito sa lugar kung saan puro halaman at mga nagtataasang puno lang ang makikita.

Naglakad pa ako ng naglakad hangang sa mahawakan ko na ang puno ng wilow. Sa bawat kurba ng balat nito'y memoryado ko, bawat bilang ng sangay alam ko. Muli ko itong binilang pero marami ng kulang, nawalan na ng tatlo. 𝐵𝑎𝑘𝑖𝑡? 𝑁𝑎𝑠𝑎𝑎𝑛 𝑏𝑎 𝑠𝑖𝑙𝑎? Nasaan nga ba ang aking mga kaibigan? Nasaan nga ba SIYA?

Mula sa gilid nitong wilow ay makikita ang napakalinaw na tubig ng ilog. Tumayo ako malapit dito nang may mga alaala na namang bumabalik sa utak ko.

Napaka-imposibleng makita ko ang mga repliksiyon sa tubig gayong wala ng araw pero heto ako ngayon, nakatanaw sa tubig at malinaw na nakikita ang aking sarili kasama 𝑠𝑖𝑦𝑎.

Ang ganda ng kanyang ngite at ganon din ang sa akin. Ramdam ko ang marahan niyang pagsandal sa aking balikat. Nakatitig lang ako sa tubig habang pinagmamasadan ang kanyang maaliwalas na mukha. Kitang-kita ko ang unti-unting paglapat ng kanyang mga labi sa aking noo pero nang aking lingunin ang aking gilid ay 𝑤𝑎𝑙𝑎 naman siya. Nakaramdam na naman ako ng kirot sa aking puso pero nang ibalik ko ang aking paningin sa tubig ng ilog ay naruon parin 𝑠𝑖𝑦𝑎. Nakalahad ang kanyang mga kamay na tila ba'y gusto niyang hawakan ko ito at sumama sa kanya. Walang pagdadalawang isip ko itong inabut sa pag-asang makakasama ko na naman siya pero ang nangyari'y nakapaluha lang sa akin, nagulo lang ang payapa na tubig kaya't nawala rin ang kanyang repliksiyon.

𝑾𝒊𝒍𝒍𝒐𝒘Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon