Naniniwala ba kayo sa kasabihang "Sometimes, a hug is all you need to make you feel better" ? Kase, kung ako ang tatanungin mo, oo...dahil yun yung palagi kong nararamdaman kapag may yumayakap saakin.
Pwedeng si Mama, Papa, Kapatid ko, Kaibigan ko...at SIYA...
Pero mukhang imposible yun, lakas kase topak nun saken.
Saken lang...
Dahil umabot na tayo sakaniya ikukwento ko na sainyo...
Sa school kung saan kami nag-aaral ng kambal ko, nakilala ko siya pati na rin yung mga kapatid niya. Sa una kong pagkakakilala sa kanilang tatlo, akala ko yung isa Babaero, yung isa seryoso at siya demonyo
Napagkamalan ko silang ganun dahil sa kaibigan ko, matagal na daw siya sa school na ito bago pa kami ng kambal ko dumating pero mas matagal na yung tatlo, ang nadatnan na lang daw ng kaibigan ko ay yung babaero siyempre lahat ng naging girlfriend, broken hearted, yung seryoso ayun andami ng raw nabugbog...tsk tsk di kase nagsasaya sa buhay eh
At siya madami na raw na napa-expell at syempre nabugbog
Pero di ko alam na isang araw, pag-nakikita ko siya nagiging abnormal beating ang ginagawa ng puso ko. Pag may ginagawa siya diko alam pero nagliliyab ang mga pisngi ko at nung nahawakan ko siya...
May naramdaman akong enerhiya sa katawan ko'
Ang weird diba? Pakatapos ng isang daang pagpapahiya niya saakin sa harap ng mga chismosang tao dito sa school tapos naging crush ko siya?
Kaya, yun na nga, dahil naging crush ko na siya. Siyempre di ko na siya nilubayan. Pag may higad na didikit sa kaniya susugurin ko agad at pasasabugan ng salita para lumayas sa harap niya hanggang nainis na siya...
Teka teka teka... Kanina pa ako siya ng siya diba? Oh sa dahil siya ako ng siya ipapakilala ko na siya
Siya si Lavin Barrera, ang crush ko...yieeee
Balik tayo sa kwento baka masabunutan kita sa kilig...so dahil nga binabakuran ko siya sa mga higad, pinagsabihan niya ako ng masasakit na salita sa harap ng maraming tao.
Isa na dun sa masasakit na salita galing sa bibig niya ay ang salitang bakit ko daw ba siya binabakuran eh diko naman daw siya boyfriend
Awts, soon sana eh kaso mukhang wala ng soon...
Tapos ayun nag walk-out, pero sinundan ko siya hanggang makarating kami sa parking lot at dahil talaga nasa sukdulan na ako ng pagtitimpi niya ayun...nasaktan na niya ako
Hayst, kung diko lang talaga to crush at malaki ang utang na loob ko sa tatay neto nasabunutan ko na to..kailangan ko lang ng seven inch sandal...
Kahit pinagbuhatan na niya ako ng kamay, di ako umalis sa harap niya...at dun na pumatak yung pinakapipigil-pigilan kong luha kada sinasaktan na niya ako mapapisikal man o salita para makita niya na di ko siya susukuan
Sinabihan na ako ng kapatid at kaibigan ko pero pesteng yawa yan...ako naman tong si tanga't desperada na patuloy sa pagpapakatanga kahit kitang kita na na si Yuri ang gusto niya
Sinong Yuri? Yung higad na sobrang kapit kay Lavin, dahil kahit hindi siya ang lumapit...si Lavin na ang lumalapit. Siyempre wala akong laban. Mukha lang akong punong nakatayo sa harap nilang naglalambingan at di makagalaw dahil wala talagang magawa...
Sa totoo lang desperada na ba talaga ako? Na pinagsisiksikan ko yung sarili ko sa masikip na pagitan naming dalawa? Nagmamahal lang naman ako ah? Walang masama sa pagmamahal maliban na lang kung ako lang talaga yung nagmamahal, mukhang mali nga ako...hindi, mali talaga ako, siguro dapat ko na siyang palayain no?
HAHA! tanga ko talaga! Bakit ko naman siya papalayain eh kahit kailan di naman siya naging aken?
Ha! Alam niyo ba yung mas nakadurog sa pagkatao ko? Na yung kapatid niyang babaero ay ginamit lang kaming magkapatid para sa talino. Gets niyo? Yung pinagmukha kang tanga sa harap ng iba na mag-kaibigan nga kami pero ginagamit ka lang naman pala.
Kala ko pa naman matalino sila base sa kuwento samin ng tatay nilang gobernador sa probinsiya namin. Actualy mukhang hindi sila mag-aaama, ang laki ng pagkakaiba, sa ugali palang di na talaga halata.
Durog na durog na ako sa harap niya pero parang wala siyang pake? At lalo pa akong dinudurog ng mga sinasabi niya.
Yung pagkukumpara niya sakin kay Yuri na nakakapangliit ng pagkatao. Na yung feeling mo ang liit mo talagang tak dahil wala kang laban sa iba...
Agad akong napaangat ng tingin ng marinig ang salitang makakapagtapos sa kaunting pag-kakaibigan naming dalawa.
Mukhang kailangan ko na talagang bumitaw sa mga kamay niyang nagpupumiglas na sa higpit ng pagkakahawak ko dahil hindi ko na rin naman kaya. Kaya bago ko siya binitawan...
Hiniling ko ang kaisa-isang bagay na pinangarap kong siya ang magpipilit pero ako lang naman pala.
Agad ko iyong ginaw kahit wala pang permiso. Agad na punatak ang mga luha ko dahil sa huking pagkakataon, naramdaman ko ang saya kahit naiinis na siya. Dahil ginawa ko lang naman ang isang bagay na hinding hindi ko makakalimutan...
Ang isang masayang masakit na...
Yakap
❤︎❤︎❤︎
꧁ᴛʜᴀɴᴋ ʏᴏᴜ꧂
YOU ARE READING
𝒀𝒂𝒌𝒂𝒑
Romanceʜɪ ᴘᴏ ᴛʜɪs ɪs ᴍᴇ ᴀɢᴀɪɴ...ᴀsʜ*230 ʜᴇʜᴇ, ᴋᴀʜɪᴛ ᴡᴀʟᴀ ᴘᴏɴɢ ɴᴀɢʙᴀʙᴀsᴀ ᴅᴜɴ sᴀ ᴜɴᴀ ᴋᴏɴɢ ɢɪɴᴀᴡᴀ ᴏᴋᴀʏ ʟᴀɴɢ...ᴋᴀsᴏ ɴɢᴀ ʟᴀɴɢ ᴋᴀʜɪᴛ ᴡᴀʟᴀɴɢ ɴᴀɢʙᴀʙᴀsᴀ ɢᴜᴍᴀɢᴀᴡᴀ ᴘᴀʀɪɴ ᴀᴋᴏ ᴘᴇʀᴏ ɪᴛs ᴏᴋᴀʏ ʜᴇʜᴇ, ᴅɪᴛᴏ ᴋᴏ ʟᴀɴɢ ɴᴀᴍᴀɴ ᴘᴏ ᴋᴀsɪ ɴɪʟᴀʟᴀʙᴀs ʏᴜɴɢ ᴍɢᴀ ɪᴍᴀʜɪɴᴀsʏᴏɴ ᴋᴏ... ᴋᴜɴɢ ᴍᴀʏ...