JUSTIN'S POV
Tangina, tangina, tangina.
Nasa byahe kami ngayon ni Ken papunta sa condo niya. Malapit naman na kami. Ako rin malapit na... malapit na akong sumabog. Kanina pa ako nilalandi ng lasing na 'to.
Himas-himasin ba naman hita ko? Aba'y walang hiyang 'to! Pasalamat siya... grrr!
Kaunti na lang, Jah. Kaunti na lang.
Mas binilisan ko pa ang takbo ng kotse ko. Baka mamaya iba na ang sakyan ko. Joke.
After 5 minutes.
Finally, nandito na rin kami. Agad ko namang tinanggal ang seat belt ko pati na rin ang kay ken tsaka siya inalalayan palabas ng kotse ko.
Mabuti na lang ata madaling araw na kaya wala nang masyadong tao sa lobby. Mahirap na, delikado. Ito naman kasing si Ken napakalikot ng kamay. Hinimas-himas ba naman yung abs ko habang inaalalayan ko siya. Iwanan kita riyan eh. Chansing ka ha.
11, 12, 13...
Sa wakas nakarating na rin kami sa 13th floor.
070798.
Yan ang password ng unit niya. Sabi niya dahil daw password ko yung birthday niya, birthday ko naman raw ang password ng kanya to be fair. Nako Ken, ewan ko sa'yo.
Pagkabukas ng pinto ng unit niya ay agad ko siyang inalalayan papunta sa kwarto niya at inihiga siya sa kama niya. Tatayo na sana ako nang maramdaman kong hinapit niya ang tiyan ko palapit sa kanya at tsaka ako kinulong sa yakap. Ang binti niya naman ay idinantay niya rin sa binti ko. Naramdaman kong isinisiksik niya ang ulo niya sa balikat ko. Nararamdaman ko ang mabigat na paghinga niya sa batok ko. Nanghihina ako, tangina...
Justin, this isn't the right time to be weak, to be fragile.
Agad kong tinanggal ang braso at binti niya sa katawan ko at tsaka sinubukang umalis sa yapos ni Ken. Nang makatayo na ako at akmang aalis na ay hinawakan niya ang papulsuhan ko.
"Jah, dito ka lang. H'wag mo kong iwan."
Ken, kailangan.
Tinangka kong tanggalin ang kamay niyang nakahawak sa akin ngunit hindi siya natinag. Sa halip na makawala ay lalo lang lumapit ang pagitan naming dalawa. Habang nagpupumiglas ako kanina ay nahila niya papunta sa kanya. Nasa ibabaw niya na ako ngayon nakatingin sa mga mata niya. Mga mata niyang kay ganda, tila ba nangungusap. Nalulunod ako at hindi ko alam kung paano aahon.
"Jah..." Bumalik ako sa wisyo na bigla siyang nagsalita. Umiwas ako ng tingin sa mata niyang nakakabighani.
"Hmmm?" Yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko na ngayon ay tila ba nanunuyo na. Nahihirapan akong huminga.
"Can I kiss you?"
Shit. Hindi ako makasagot. Ayokong sumagot. Hindi ako sasagot.
Nanatili pa rin kami sa parehong posisyon. Walang gumagalaw, walang nagsasalita. Katahimikan ang namutawi sa aming dalawa— katahimikan na binasag din niya makaraan ang ilang minuto.
"S-sorry."
No, Ken. It's not your fault.
Sinubukan niyang umalis mula sa posisyon naming dalawa. Ganon din ang ginawa ko pero dala ng kalasingan ay muntik na siyang matumba. Ako namang si tanga, hinawakan siya para maalalayan.
Napahiga muli kami sa kama sa kasamaang palad ay nagdampi ang labi naming dalawa. Ang pinagkaiba lang ay ang posisyon namin ngayon. Baligtad na. Ako sa ilalim at sa ibabaw ko siya.
Tila naman hindi niya inaasahan na matutumba kami. Sorry, mga katagang lumabas mula sa bibig niya bago niya sinubukang umalis sa itaas ko.
Fuck this shit. Bahala na.
———————Paki-skip ang susunod na chapter. Ihanda ang holy water. Pikit ka na, charot! 🤧
YOU ARE READING
Masked 🎭
FanfictionThey have been best of friends for seven years now. A friendship that neither of them wants to risk. Confused minds, hidden feelings, scared hearts. Will this bring Justin and Ken together or tear them apart?