Si fafa Max ang nasa picture. Hehe
*******************
Tulala ako dito sa loob ng opisina ko. Masakit ang ulo at masakit ang ulo. Napasabunot ako sa buhok ko nababaliw na ata ako. Ulit ulit na pinag sasabi ko. Pero sino bang di masisiraan ng bait sa nangyayari?! .
Una broken ako okay. Nag eemote din ako kasi ang hirap makabingwit ng lovelife. Gusto ko ang bestfriend ko pero ang bestfriend ko may gustong iba. So what to do right? Then Max came in to the picture may kissing scene na nangyari tapos biglang nag demand ng jowain niya ako. Tapos nag walkout si Zico sa hindi ko malamang dahilan.
Jowa lang naman hanap ko hindi sakit ng ulo.
"Earth to Irene ano ghorl? Kaya pa?"
Napatingin ako kay Emme. Yeah she's here tinawagan ko siya kanina after umalis ni Max. I need an advice but itong isang to hindi advice ang binibigay sakin kundi kalandian tips.
"Ghorl kung ako sayo hayaan mo na. O diba? Hinihiling mo palang may jowa ka na and take note pinsan pa siya ng iniirog mo o diba same blood line lang." tinignan ko siya ng masama.
Same blood line? Baliw talaga tong bruha na to.
" Pero nakakapagtaka naman yung pag wawalkout ni Zico. Affected much?"
Yan din iniisip ko pero dahil malabo yun mangyari auto erase agad.
Napatingin ako sa phone kong tumunog tanda na may nag text. Di ko na kailangan tignan kung sino dahil sure akong si Max yan. Isa pa siyang magulo din! Hindi ko alam kung anong problema niya. Kanina pa siya text ng text ng kung ano ano. Hindi ko rin alam kung saan niya nakuha phone number ko. Arghhhhhh!!!!
Pinatong ko yung ulo ko sa lamesa ko at pumikit. Kailangan kong mag focus sa work ko pero di ako makapag focus.
Napabuntong hininga ako.
"AY GHORL BAKIT GANITO SIYAAAAAAA! BAKIT MAY PA SEND NUDES! WAAAAAAAAAAAA YUMMY NG KATAWAN!"
Napabalikwas ako sa sigaw ni Emme. Send nudes? Nanlaki mga mata ko shet! Ano na naman yan! Tumayo ako at inagaw phone ko na hawak niya. Salisi din itong isang to e.
Tinignan ko yung sinend niyang picture naka harap siya sa human size mirror. Topless pero nakabalot ng twalya ang pang ibaba halatang galing ligo ang loko at may caption pang 'send nudes'
Nag init ang pisngi ko. Ito nanaman ako! Irene! Tumigil ka.
Agad kong binura at in-off ang phone ko. Gosh! Feeling talaga ng lalaking yon! Lakas ng loob!
" Ay boto na ako dyan. Gwapo na yummy pa katawan. "
"Hoy! Tumigil ka Emeralda nawawala ka na naman sa grupo ng dalagang filipina." sabay irap ko sakanya.
" Aba naman! Emme lang hindi Emeralda!"
Imbis na makipagtalo pa sakanya nag patuloy na lang ako sa pag gawa ng records at kung ano ano pa dito sa lamesa ko. Pinapunta ko lang naman siya dito para may masabihan ako pero ang gaga dinidemonyo lang ako. B.I talaga.
Ilang minuto lang nag paalam din agad si Emme dahil may lakad daw. Tinanong ko kung ano pero no comment ang gaga. Pa showbiz pa pwede naman sabihing may jowa ng kinakalantare e.
Nag focus ako sa trabaho ko hanggang sa hindi ko namalayan na seven na ng gabi. Ten ng gabi naman nag sasara ang coffee shop ko at si Caren na bahala dahil siya ang pinagkatiwalaan ko sa susi ng coffee shop. Pwede na akong umuwi at mag relax.
YOU ARE READING
I Love Him
RomanceMahal ko siya , mahal niya ay iba. Pangarap ko siya , pangarap niya ay iba. Ako , nagpapakatanga sa kanya. Siya , nagpapakatanga sa iba. Matagal nang minamahal ni Irene ang kaibigan na si Zico. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit mahal niya ito...