Mahal ko siya , mahal niya ay iba. Pangarap ko siya , pangarap niya ay iba. Ako , nagpapakatanga sa kanya. Siya , nagpapakatanga sa iba. Matagal nang minamahal ni Irene ang kaibigan na si Zico. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit mahal niya ito sa kabila ng katotohanang alam niyang seryoso ito sa nobya nito. Hanggang sa dumating ang araw na nagkakalabuan na sila. Naisip niyang kailangan niyang samantalahin ang pagkakataon. Pero ang tadhana may ibang gustong mangyari. Sa hindi niya inaasahang pangyayari magbabago ang lahat.