Chapter 42

519 12 0
                                    

"Devyn! Anak!" hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero narinig ko na lamang ang aking sarili na tumatawa nang parang demonyo.

Naramdaman ko ang mainit na palad na humawak sa aking balikat. Lumingon ako sa aking likod kung nasaan ang nagmamay-ari niyon. Ramdam ko ang pag-ngiti ng aking labi nang hindi ko makilala kung sino ito.

"You're next.." agad akong lumapit sa kanya ngunit hindi man lang ito gumalaw mula sa kinatatayuan niya. Lalo akong napangiti sa kanyang ginagawa. "Hindi ka ba natatakot?" sinundan ito nang mahinang pagtawa.

"Anak.." kita ko ang tumulong mga luha sa kanyang pisngi. Anak? Sinong anak ang tinatawag niya? Ako ba? "Ang laki-laki mo na." niyakap ako nito habang humahagulgol.

Naramdaman ko ang pagkalma ng aking sarili. Nawala na rin ang pagbabaga ng aking balat. Ang tanging nararamdaman ko na lamang ay ang panghihina ng aking mga kalamnan. Napabitaw ako nang mabigat na hininga sabay napaluhod sa maruming sahig.

Napatulala ako sa mga bangkay na nakahandusay sa buong paligid. Sila Nanay Leonora at Tatay Delfin ay nakatingin lamang sa aming direksyon samantalag si Mom Celestine naman ay kandong-kandong ang katawan ni Tito Gerard.

"Tito.." umalis ako sa kung sino man ang may yakap sa akin. Hindi ito pamilyar sa aking paningin kaya naman hindi ko na lang muna siya pinansin. "Tito!" malakas kong sigaw habang tumatakbo kahit magkanda-dapa-dapa pa ako papunta sa kanya.

"Hija.." humahagulgol na tawag sa akin ni Mom. Kita ko sa mga mata nito ang sakit na dumudurog sa kanyang puso. Tumulo na rin mula sa aking mga mata ang mga luhang nagbabadyang tumulo.

"I'm sorry. Sorry po. Hindi ko po sinasadya. Kasalanan ko po 'to." napapailing na lamang ako sa mga pangyayaring ito. Hindi ako makapaniwalang nang dahil sa akin nawalan ng tatay ang taong mahal ko. "Sorry po, Tita. Pasensya na po." humahagulgol kong saad.

"Hija, it's not your fault." hinawakan ko ang kamay ni Tito Gerard umaasang hahawakan nito pabalik ang aking mga kamay. Tinanggal ko ang dagger na nakasaksak sa kanyang dibdib. Inalis ko ang kanyang katawan mula sa pagkakakandong kay Mom.

"Hindi 'to pwede. Buhay pa si Tito." sinubukan ko siyang i-CPR nang ilan pang mga minuto. Ramdam ko ang pawis na bumabagsak sa aking sentido. Nakikita ko rin kung paano bumagsak ang aking mga luha. "Come on, Dad. Wake up." saad ko.

"Tama na, hija." humahagulgol akong pinigilan ni Mom habang hinahawakan ang aking mga braso. Subalit pilit kong iwiwinawaksi ang mga 'yon. Hindi natatapos dito ito. Sinabi kong walang malalagas sa amin kaya buhay pa siya.

"Hindi po!" tinitigan ko silang lahat habang pinupump pa rin ang dibdib ng Dad ni Hades. "Malakas si Tito. Hindi siya mawawala nang ganito kabilis!" umiwas sila ng kanilang mga tingin sa akin.

Ilan pang minuto ang nagtagal at napaupo na lamang ako sa sahig habang pinupump pa rin ang kanyang dibdib. Naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod.

"You did a good job, love." dinig ko ang malambot nitong mga tinig na tila pinahihinto ako. "Alam namin 'yon at alam kong alam din ni Dad 'yon. Stop blaming yourself." napatigil ako sa pag-pump at sa huling pagkakataon ay tinignan ko ang namumutlang mukha ni Tito.

"You lost your dad because of me. Magalit ka sakin, Hades." hinarap ko siya't tinignan ang kanyang mga mata. Kita ko sa mga ito ang nagkukubling sakit. Sino ba naman ang hindi masasaktan sa pagkawala ng isang ama. "Kagalitan mo ko!" sigaw ko.

Hinawakan nito ang aking mukha saka nginitian nang matipid. Hinalikan ako nito sa noo saka pinahid ang aking mga luha.

"Tumingin ka sa paligid mo." sinunod ko ang kanyang utos. Nakita ko kung paano ngumiti ang mga kasamahan namin kanina. Nakita ko ring ngumiti nang tipid si Mom habang kandong na muli si Tito Gerard. Nakita ko ang sincere na mga ngiti nina Nanay Leonora at Tatay Henry, katabi na nila ang babaeng yumakap sa akin kanina.

Sucked: Epicurean Series #1 | WATTYS 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon