Chapter 35

607 14 0
                                    

Nakangiti kong pinagmamasdan ang hitsura ko sa malaking salamin dito sa walk-in closet ng kwarto. Kinulot ko kasi ang dulo ng aking gray na buhok at nagsuot ng fitted white dress na pinatungan ko ng leather jacket, inayos ko rin ang strap ng heels ko.

Sigurado akong nagtataka kayo kung bakit ako nag-aayos. Nag-aya kasing mag-date si Hades kahapon habang kumakain kami. Dahil don nalaman na rin ni Matthew na kami na at sinabing kapag hindi ako inalagaan ni Hades eh siya na mismo ang mag-aalaga sakin.

Natawa na lamang ulit ako sa sinabi niya pero si Hades naman ay sineryoso yon kaya agad nandilim ang mood nito kahapon. In-assure ko naman na siya na nagbibiro lang ang isang 'yon.

Sinusulit na kasi ni Hades ang mga araw dahil isang araw mula ngayon na lamang ang hinihintay niya bago umalis. Lumabas na ako ng kwarto at doon ko nakita si Eliza na nagpupunas ng mga vases dito sa second floor.

"Nandyan si Hades?" tanong ko sa kanya nang malagpasan ko ang kwarto ng lalaki. Nag-isip pa ito ng ilang minuto bago ako sinagot.

"Wala po, Ate. Pumasok na po pala siya kanina pa." tumango na lamang ako bilang sagot at dali-daling bumaba ng hagdan. Inilibot ko ang aking mga mata sa buong kabahayan ngunit wala akong nakitang Mom Tine. "Wala rin po si Ma'am. Nakipagkita sa mga kaibigan niya." tumingala ako kung nasan si Liza.

"Oh, okay. Ingat ka rito. Kitain ko lang si Hades ha?" pagpapaalam ko dahilan para mapahagikgik ito kaya natawa na lamang ako nang mahina. Magtataxi na lang siguro ako para makapunta sa restaurant.

Lumabas na ako ng pinto ng bahay at doon ko nakita si Tay Rene na pinagmanuhan ko muna. Noong una ay tumanggi pa ito dahil marumi raw ang kanyang kamay ngunit nagpumilit pa rin ako kaya kalauna't pumayag na rin.

"Mag-iingat ka, hija. Ikamusta mo ako kay Sir." saad nito saka kumaway at nagpunas ng pawis. Pumipitas kasi ito ng mga hinog na mangga sa puno.

"Ingat ka rin po, tay!" kaway ko sa kanya saka naglakad papalabas ng gate ng bahay nila Hades. Doon ko nakita si Mang Sylvio, ang guard ng mansyon.

"Hello po!" bati ko sa kanya. Nasa loob kasi ito ng guard house kaya naman hindi niya ako nakitang papalabas ng gate. Sumilip ako sa bintana at tinignan kung anong ginagawa niya.

"Ay! Ikaw pala iyan, Ma'am! Kain po tayo." yaya nito sa akin na pinakita pa ang kanyang ulam. Napalunok ako nang makita ko ito, itlog maalat na may kamatis at ilang pirasong tuyo.

"Nako, Mang Syl. Baka po maubos ko yang ulam niyo at wala kayong makain." nagtawanan na lamang kami sa aking binigkas. "Oh, sige ho. Kumain po kayo nang mabuti." dagdag ko pa.

"Ate Devyn!" napalingon ako sa aking likuran upang makita kung sino ang tumawag sa aking pangalan. "Maglotion daw po kayo sabi ni Ma'am at Sir." hingal nitong sabi habang nakalahad sa akin ang bote ng lotion.

"Pero nakapaglotion na ako." nagtataka kong sabi ngunit hindi natinag ang isang 'to. Binuksan niya ito at siya na mismo ang nagpahid sa balat ko.

"Sabi po ni Sir pilitin daw po kita. Proteksyon mo raw po yan sa araw." dahil sa sinabi niya ay doon ko na lamang naintindihan ang nais niyang iparating. Nakalimutan ko yatang bampira ako, kinuha ko ang bote at ako na mismo ang naglagay sa balat ko.

Nang matapos ako ay inilagay ko ang bote sa aking bag at handa nang umalis ngunit pinigilan na naman ako ni Liza. Hindi pa yata siya tapos magpaliwanag.

"At ito po.." may dinukot siya sa bulsa ng kanyang apron. "Uminom daw po kayo nito kapag nanlalabo ang paningin niyo." iniabot niya sa akin ang bilog na may malaking button, na mayroong tatak ng kompanya ng mga Fuentevilla.

Sinubukan kong pindutin ito at lumabas sa gilid nito ang tatlong maliliit na compartment na mayroong mga gamot. Pindot kong muli ang button at bumalik ito sa pagiging bilog. Natuwa ako dahil doon, hindi man siya ang nagpaliwanag sa akin, inaalala naman niya ang kapakanan ko.

Sucked: Epicurean Series #1 | WATTYS 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon