A Wish
Oneshot (Ala lang ako magawa)Isang normal na araw ito para kay Kyousuke Tsurugi. Magpractice ng soccer, inisin ni Tenma, umuwi, at ganun ulit sa susunod na araw. Pero alam mo ba kung ano ang nagpaiba sa araw na to? Nakilala nya si Kinako.
Naglalakad si Tsurugi pauwi. "Hayysss. Nakakapagod na magpractice. Dapat pala nagpahinga muna ako bago umuwi katulad ng sabi ng batang yun (Tenma)."
"Huyyy antay!"
May narinig si Tsurugi na boses ng babae. Lumingon sya at nakita ang isang babae, hindi ganun katangkad dahil abot balikat lang sya ni Tsurugi.
Nagulat si Tsurugi. "Sino ka? San ka galing?"
Nagpout ang babae. "Ayy, ano ba yan! Nakalimutan mo na agad ako Tsurugi?" Ngitian sya ng babae.
Nagtaka si Tsurugi. "Kung kilala kita, maalala ko yun. Di naman ako ulyanin noh!"
Tumawa yung babae. "Nagkakilala na tayo noh! Kaso, ilang buwan na rin ang lumipas at siguro binura nila yung memorya nyo."
"Anong nila? Sino?"
Nagseryoso yung babae. "Hindi mo na kailangan malaman."
Pagkatapos nya magsalita ay bumalik na sya sa cheery attitude nya. "Ang kyut mo pa rin pag seryoso, Tsurugi!"
'Bakit ganun, hindi man lang ako nagulat nang tawagin nya ko by name...'
"Teka, teka, teka. Sabihin mo muna ang pangalan mo. Ano yun, kilala mo ko tapos ikaw di ko kilala? Magpakilala ka muna aber!"
Tumawa ulit yung babae. "Ako si Kinako, Kinako Nanobana at krass kita!"
Nagulat at nagblush si Tsurugi. "Ano?"
Tumawa lang si Kinako. "Joke lang!"
———————————————————
Di nagtagal ay naging magkaibigan si Kinako at Tsurugi. Sa tagal ng samahan nila ay nagkaroon sila ng feelings para sa isa't isa pero tinatago nila ito. Isang araw, may nakita si Tsurugi na letter sa desk nya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dear Kyousuke Tsurugi,Magkita tayo sa rooftop, may sasabihin ako sayo.
-Secret Admirer
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Pumunta si Tsurugi sa rooftop at nakita nya doon ang isang pamilyar na brown-haired girl.
"Kinako?"
Lumingon yung babae.
"Andyan ka na pala, Tsurugi!" ngumiti sya
Nilapitan ni Tsurugi si Kinako. " Ikaw ba ang nagbigay sakin nito?"
Nagblush si Kinako. "Ah eh kasi..."
"So ikaw nga?"
Ibinaba ni Kinako ang tingin nya.
"Ahm...oo""Ano kasi Tsurugi..."
Yumuko bigla si Kinako. "Matagal na akong may gusto sayo!"
Kita ang gulat sa mata ni Tsurugi ngunit mabilis din ito nawala. Ngumisi nalang sya. "Alam ko."
Nagulat si Kinako sa sagot ni Tsurugi. "Alam mo?!?!"
Bumulong si Kinako sa sarili nya. "Alam mo na pala eh, di pa nang-crushback..."
"Ano yun?"
"Aaaahh wala wala!"
Nilapitan ni Tsurugi si Kinako. "Ang totoo nyan..."

YOU ARE READING
Inazuma Eleven Go One Shots
RomanceMix of Tagalog and English. I take requests! Any series of Inazuma. Disclaimer: I do not own any of the characters. The stories are purely fictional.