Ang Malamig kong Puso

22 1 0
                                    

Ang ina ko isa lamang ng mata kaya mahirap para sakin na ipakilala siya sa mga kamag-aral ko (ayaw ko kasi siyang pinagtatawanan). Siya ang nagtataguyod sakin, patay na kasi ang ama ko.

Isang araw nung nasa ikatlong grado ako binati niya ako sa paaralang pinapasukan ko, mainit pa naman ulo ko nun pinagalitan kasi ako ni ma'am. Maligayang bati niya, "anak! Hello!" Nagulat ako, kaya hindi ko siya pinansin, eh nakita siya ng isa sa mga kaklase ko. Tinanong niya ako kung nanay ko ba yun. Panay naman ang tanggi ko, pero hindi siya naniwala, pinagklat niya sa mga kaklase ko tsaka kay ma'am ang tungkol sa nanay ko.

Sumunod na araw, sigurado ako na kinalimutan na nila ang tungkol sa nanay ko, pero nagkamali ako. Kinantsawan nila ako na ang nanay ko daw Cyclops, iisa lang ang mata, alien, weirdo. Ni hindi ako makapasok sa loob ng silid, pati nga si ma'am eh. Nakisabay sa pangangantsaw sakin eh. Kaya umiyak na lang ako ng umiyak, pumunta ako sa harap ng eskwelahan at dun umiyak...... dapat kasi sa susunod hindi niya na ako susunduin kaya ko naman eh, mapapahiya lang ako..... 

Nung araw rin na yun sinundo niya ako "Anak? A-ano--" tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at hinarap siya. "Ikaw ang dahilan kung bakit nila ako pinagtatawanan eh! Dahil sa itsura mo! Sana namatay ka na lang! Sana hindi ka na nabuhay sa mundo! Pinapahiya mo lang ako! Sana inisip mo man lang kung ano ang magiging kapalit ng mata mo! Sana.. NAGPAKAMATAY KA NA LANG! WALA KANG KWENTA! Bakit kasi ikaw pa ang MAGING INA KO! NAKAKAHIYA KA!"

Pagkatapos kong isigaw yun sa mukha niya, tumalikod na ako. Hindi ko nakita ang reaksyon niya, pero base sa nakikita kong mga mukha sa paligid ko, mukhang umiyak siya.... pero paki ko, hinding-hindi ko siya mapapatawad.

Pagkatapos nun, naglayas ako pumunta ako sa poder ng tita ko. Nag-aral ako ng mabuti, nakapagtapos ako ng elementarya, secondarya, at kolehiyo sa sarili kong pagsisikap.

Nagkaroon ako ng sarili kong pamilya. Asawa't mga anak. Masaya ako na ako nun, at kaian man hindi ko inisip na ipakilala sila sa ina ko. Dahil para sakin patay na siya.

Habang nanonod ako ng  telebisyon sa sala. May kumakatok sa pintuan, pinuntahan naman yun ng mga anak ko. Pagkabukas nila ng pintuan, bigla na lang silang nagsisigaw at umiyak.

Pinuntahan ko agad sila sa pintuan. At dun nakita ko ang mga anak ko na takot na takot sa pangit na babae sa labas ng pintuan namin.

"Ang kapal ng mukha mo para takutin ang mga anak ko! Umalis ka! Alis! Nakakadiri ka! Alis!" Pagkasabi ko nun dali-dali kong hinila paalayo sa ina ko ang mga anak ko.

"A-aah, pa-paumanhin, nagkamali lang siguro ako ng bahay na pinuntahan. Pa-pasensya  na." Pagkatapos nun umalis siyang may luha sa kanyang mga mata.

Lumipas mahigit ang tatlong buwan at mabuti naman na hindi niya na ginugulo ang buhay ko.

May kaibigan ako nung kolehiyo at sinabihan ako na meron dawng homecoming kaya nagpaalam ako sa asawa ko. Payag naman siya, isang araw lang rin naman ako mawawala eh.

Nung nakapunta na ako sa homecoming namin. Pumunta ako sa dati naming bahay, malapit lang rin naman eh kaya walang kaso.

Habang naglalakad ako sa daanan papunta sa luma kong tirahan. Tinignan ko ang paligid, halos lahat eh, nagbago ang hindi lang nagbago eh ang luma niyang bahay.

Kakatok na sana ako sa pinto ng bahay niya kaya lang baka hindi na siya dito nakatira kaya hindi ko na lang tinuloy.

Tinahak ko na ang landas palabas sa bakod niya, nung tinawag ako ng isa sa kapitbahay namin dati. "Uy! Diba ikaw ang anak nung babaeng nakatira diyan?"

"Ho? Hindi ho, napadaan lang ho ako. May nakatira pa ho ba diyaan?"

"Ay naku! Patay na ang nakatira diyan...

hindi ako umiyak, ni hindi nga ako naiyak eh...

at bago siya namatay may gusto siyang ibigay sa anak niya eh... ah oo nasakin nga pala yung sulat."

"Sulat ho?"
"Oo."
"Ako ho ang anak niya"

Binigyan niya ako ng sobre.

"Ang sabi sakin ng nanay mo, ibigay ko raw yan sayo kung baka sakali bisitahin mo daw siya dito... alam mo mahal na mahal ka ng nanay mo, hanngang huling hininga niya. Ikaw pa rin ang bukambibig niya."

Pagkatapos niyang sabihin yun, umalis na siya.

Umalis na rin ako.

Pumunta ako sa malapit na palaruan dito sa lugar namin, kung saan dati ako naglalaro.

Umupo ako sa kabilang duyan, at dun ko binasa ang sulat niya

Ang sabi sa sulat,

'Anak, pasensya na kung hindi ako nakapagpaalam sa'yo ng maayos ah. Sorry rin sa pagbisita ko sa iyo sa bahay niyo. Gusto kasi kitang makasama eh. Hindi ko naman talaga sinadya na takutin ang mga anak mo. Alam mo kasi nung maliit ka pa lang naaksidente ka at kinailangan kunin ang isa sa mga mata mo. Ayokong mabuhay ka na hindi kumpleto ang parte sa katawan. Kaya binigay ko yung akin. Ayos lang na mawala lahat-lahat sa akin, basta hindi ka lang mabuhay na iisa ang mata. Kahit ano gagawin ko, makita ka lang na buo at maayos anak. Mahal na mahal kita.

P.S. Sorry nung pinahiya kita sa mga kaklase mo. Nagbabakasakali kasi ako na pag pinuntahan kita. Babatiin mo ako ng maligayang kaarawan, imbes na ganun ang nangyari pinahiya pa kita. Patawad anak. Sana masaya ka kung nasan ka man.

Mahal na mahal kita,
Love nanay

Umuulan ba? Bakit?

Hinawakan ko ang mata ko at dun ko napagtanto na kanina pa pala ako umiiyak.

.....Sorry nanay

......Mahal na mahal ko rin ho kayo.... sorry

Derived from youtube

UntouchableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon